Posted August 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Boracay National High School
(BNHS) Principal II Jose Niro Nillasca kaugnay sa selebrasyon ng buwan ng wika
sa bansa ngayong buwan ng Agosto.
Anya, ang pagkakaroon ng iba’t-ibang lenggwahe o
salita sa Boracay ay higit na nagpapayaman sa wikang Filipino.
Ito’y dahil sa katulad umano ng BNHS, ginagamit ang
Filipino hindi lamang bilang medyum ng pagtuturo kundi salita ng pagkakaunawaan
at pagkakaisa ng iba’t-ibang estudyante mula sa iba’t-ibang probinsya.
Dagdag pa nito na kung sa labas naman umano ng
paaralan at may pagkakataong makasalamuha ng mga estudyante ang mga
dayuhan ay lalong nadadagdagan ang kanilang bokabularyo.
Dahil dito, nagiging mas mayaman lalo ang wikang
Filipino na sya ring magbibigay ng malaking ambag sa turismo.
No comments:
Post a Comment