YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 25, 2016

16 na kalalakihan na biktima ng human trafficking sa aklan, nailigtas

Posted November 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal recruitmentHalos 16 ngayon na mga kalalakihan ang nailigtas sa human trafficking.

Nakatakdang sampahan ng kasong illegal recruitment ang isang lalaki dahil sa pag-recruit nito sa mga biktima sa Aklan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Richard Democrito, 39-anyos residente ng Brgy. Linabuan Sur, Banga, Aklan sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Venturanza, Banga.

Napag-alaman na ni-recruit umano ng suspek ang mga biktima at dinala sakay ng isang bus papuntang Iloilo kung saan ang mga ito ay walang dalang kaukulang dokumento mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Samantala, nauna ng nakipag-ugnayan ang DOLE at isang legal na recruiter na si Roger Zaradulla sa Banga-PNP dahil sa illegal recruitment operation ng naturang suspek.

Nasa edad 20 hanggang 50 anyos ang mga biktima na nagmula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan.

Samantala, ang suspek na si Democrito ay nakakulong na sa himpilan ng Banga Police Station.

Issue sa Farm-C sa Manoc-manoc, pinag-usapan na sa SB Malay

Posted November 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sb malayDahil sa mga naglalabasang issue hinggil sa Farm-C sa Manoc-manoc, pinag-usapan sa deliberasyon ng komite sa Sangguniang Bayan ng Malay nitong nakaraang Martes.

Ipinatawag sa sesyon ang mga personalidad mula sa FarmC, Treasurers Office, at Agricultures Offiice  para mabigyang-linaw  ang responsibilidad ng bawat isa.

Nabatid kase na dahil sa pagturn-over ng Farm-C sa Manoc-manoc, ito ngayon ang dahilan kung bakit ito pinag-uusapan base narin sa  nakasaad sa ibinigay na sulat na binasa ni SB Dante Pagsuguiroon noong 13th Regular Session ng Malay.

Naging sentro ng deliberasyon ay ang pagtanong kung sino dapat ang hahawak ng Snorkeling Ticket na ini-issue partikular ang kita kung saan sinagot naman ito ni Municipal Agriculturist Denric Augustus Sadiasa na dapat baguhin nila ang kasunduan ng MOA ng sa gayon ay maging maayos ang isyu tungkol dito.

Sa atas ng Commission on Audit o (COA), responsibilidad ng Accounting at Treasurers Office na magkolekta ng naturang fees na nasa ilalim ng LGU-Malay at hindi ng private individuals o sinuman.

Samantala, nakatakda naman ngayon na isailalim ang mga otorisadong tao kung sino ang nararapat ilagay na bagong magkokolekta sa Snorkeling Fees activity sa mga snorkeling areas sa Boracay.

Nabatid na ang Farm-C ay isang NGO na may kasalukuyang MOA sa LGU-Malay na namamahala sa mga fish sanctuary na pinupuntahan ng mga turista na bahagi ng kanilang island activity.

Thursday, November 24, 2016

Ama, kulong matapos gahasain ang 12-anyos na anak

Posted November 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for rapeHindi na nagdalawang-isip pa na sampahan ng kaso ng Ina ng 12-anyos na dalagita ang kanyang sariling Ama matapos siya nitong gahasain sa Brgy. Kinalangay Viejo, Malinao, Aklan.

Ang suspek ay kinilala kay  Agustin Jr. 44-anyos at isang magsasaka.

Ayon kay Police Officer 1 Nelse Villaruel ng Women and Children Protection Desk o (WCPD) Malinao, ang akusado ay naaresto sa pamamagitan ng inisyong warrant of arrest na pinirmahan ni Presiding Judge Benvienido P. Barrios ng RTC Branch 3 na may petsang Nobyembre 7 at may piyansang P200,000.

Base umano sa kanilang rekord, ginahasa ang biktima ng kanyang Ama noong buwan ng Enero taong kasalukuyan.

Samantala, kasalukuyang nakapiit ngayon ang suspek na si Agustin sa Aklan Rehabilitation Center.

Habal- habal driver, huli sa buy bust operation sa Boracay

Posted November 24, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for buy bust
Kulong ang kinilalang si Arnold Manonggol Vinturero, 33- anyos, residente ng Caluya, Antique at tempopararyog naninirahan sa Sitio Tulubhan, Brgy. Balabag, Boracay.


Nakuhaan ang suspek ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng isang libong pesong buy-bust money sa nagpakilalang poseur buyer.

Ang buy bust operation ay pinangunahan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), SWAT/APSC, PDEA at Maritime Group.

Sa ngayon, ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

Babae sa Boracay, kulong; matapos itakbo ang pera ng isang Swiss national

Posted November 24, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theft
Isang babae ang nagtakbo ng pera mula sa loob ng hotel na tinutuluyan ng isang turistang swiss national sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.


Kinilala ang biktima na si Alexander Riteski, 27- anyos, at pansamantalang nanunuluyan sa nasabi ring lugar.

Dumulog ang nasabing biktima sa Boracay PNP, upang i-report na ang kanyang nakasamang babae na si alyas “Ica” ay hindi na niya nakita ng umaga kung saan dito niya napansin na wala na ang kanyang pera na €1,650.00  o nagkakahalaga ng  P 86,885.54  na nakalagay sa kanyang bag.

Ayon naman sa biktima, maaaring umanong umuwi na ito sa kanilang tinitirhan sa Tilik, Lubang, Occidental Mindoro.

Nobyembre 22 ng madaling araw ng mangyari ang insidente, kung saan alas-kwatro ng hapon ay nagsagawa ng Hot Pursuit operation ang mga kapulisan ng Boracay ng makatanggap ng report na may isang babae na pinaghahanap nila ang nakasakay sa RORO vessel papuntang Batangas.

Dakong alas-otso ng gabi kahapon sa pangunguna ni PO3 Christian John Nalangan,  imbestigador sa naturang kaso kasama si PO2 Werven Salcedo galing sa Batangas ay naaresto ang babaeng suspek sa ilalim ng kasong pagnanakaw.


Sa ngayon, ay nakakulong na ang suspek sa selda ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) dahil sa ginawa nitong krimen.

Alitan, nauwi sa saksakan sa Boracay

Posted November 24, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for saksak
Isang tawag umano ang natanggap ng Boracay PNP mula sa isang concern citizen kung saan meron umanong nasaksak na isang lalaki sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc- Manoc, Boracay.

Kinilala ang biktima na si Alexander Gumboc Tungol, 24- anyos, residente ng Iloilo at pansamantalang nakatira sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manoc- Manoc, Boracay.

Salaysay ng nakakita sa pangyayari, habang umiinom umano ang biktima sa labas ng isang tindahan sa nasambit na lugar ay nagpapalitan  umano ng hindi magagandang salita ang isang babae na may alyas na Grace at ang suspek na kinilalang si Ian Mark Margarejo Belhera, tubong Anilao, Iloilo, na kasalukuyang nanunuluyan sa So. Tambisaan Manoc- Manoc, sa kanyang harapan sa hindi malamang dahilan na ikinagalit naman ng biktima.

Dahil dito, binasag niya ang hawak niyang bote at nagtangkang saksakin ang suspek ngunit hindi niya ito natamaan, bilang ganti naman bumunot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak si Tungol ng dalawang beses sa kanyang tagiliran.

Dahil dito, agad isinugod ang biktima sa klinika kung saan minabuti naman itong ini-refer ng doktor na sumuri dito sa prominenteng ospital sa Kalibo.

Samantala, nakuha sa suspek ang kutsilyo, na naaresto at ngayon ay nasa kustudiya na ng BTAC.

Aguirre aminadong mahirap kontrolin ang mga commisioner

Posted November 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Aminado ngayon si Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor na mahirap kontrolin ang mga nangungumisyon sa long beach ng Boracay.

Isa sa mga naisip nitong solusyon ay supilin o ikulong na lamang ang mga iligalista.

Kung pagbabasehan kasi ang karanasan ni BIHA Chairman Rigoberto Gelito, dapat na itong matigil at masawata dahil nakakahiya na umano itong mga nangyayari dahil kung titingnan isang dipa na umano ang kapal ng mga  sa pulisya maliban pa sa postura ng mga kumisyoner na walang damit at tadtad ng tattoo.

Pag-amin naman ni Megan Kuan ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., sila umano ang umaabono sa mga tinakbuhang guest na hindi sinipot ng mga nagpakilalang commissioners ng island activities.

Sa sesyon nitong Martes, nagbahagi ng kanyang suhestyon si Aguirre na papatawan umano agad  ng penalidad na pagkakulong sakaling may pag-amyenda sa kasalukuyang ordinansa kesa bibigyan pa ng first at second offense dahil muli lang itong lalabag sa kanilang ordinansa na ipapatupad.

Aniya, kahit ano pang regulasyon ang ipasa ukol dito hindi din naman agad masosolusyunan ang naturang problema. Kaya mas mabuti na tanggalin na ang mga iligal na nangungumisyon dito sa isla.

Wednesday, November 23, 2016

Iba’t-ibang rate ng seasports activity, puno’t-dulo ng problema sa mga commisioners

Posted November 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Inalmahan ng ilang Seasports Operators ang ginagawang bagsak-presyo na ginagawa ng mga illegal commissioners.

Sa ginanap na sesyon kahapon sa Sangguniang Bayan ng Malay, isa-isang nagpaabot ng kanilang pag-alala at pangamba ang mga asosasyon at operators base narin sa kanilang natatanggap na reklamo sa mga tao.

Ani Megan Kuan ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., kung ang mga hi-jackers ay nagtataas ng presyo,  naman ang ginagawa ng mga komisyoner sabay sambit na mas maganda kung may enforcer tulad ng “TREU”.

Samantala, ayon kay BIHA- Chairman Rigoberto Gelito, mas mataas pa umano ang kita ng mga illegal commissioner kesa sa mga operators at kooperatiba dahil sa ganitong kalakaran.

Nagrekomenda naman si Punong Brgy. Lilibeth Sacapaño na huwag tanggapin ng mga operators ang mga commissioners or markerter na walang i-papakitang I.D.

Nagbigay ng suhestyon Si Mike Martellino Presidente ng Boracay Association of Scuba Diving Schools na maglagay ng mga sign doors para sa Aqua Sports para malaman ng mga turista ang presyo upang wala ng mabiktima pa.

Kaugnay nito, nais naman ni Delos Santos na isailalim muna sa seminar ang mga tour guide kasama ang mga resorts coordinators na lehitimo.

Problema sa mga komisyoner sa isla, tinalakay sa Sangguniang Bayan ng Malay

Posted November 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Dahil umano sa mga problema na natanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kaugnay sa mga talamak parin na illegal commissioner sa isla ng Boracay, pinatawag nito ang mga asosasyon at mga kooperatiba at ilang department heads ng LGU-Malay sa 19th Regular Session kahapon.

Ang usapin ay nag-ugat sa sulat-reklamong natanggap ng Sangguniang Bayan noong nakaraang sesyon mula Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc.

Base naman sa reklamong natanggap ng Sangguniang Bayan, tinanong ni Bautista kung ano ang ginagawa ng opisina at sino ang dapat mag-ayos sa naturang issue. Itoy dahil sa nasambit ni Megan Kuan, Presidente ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., na mas maayos pa ang kalakaran sa ilalim noon ng opisina ng TREU.

Saad naman dito ni Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, magmula ng mawala ang TREU o Tourism Regulations Enforcement Unit na nagbago na umano ang miyembro na hinahawakan niya sa Malay at Boracay.

Dagdag pa niya rito base sa Tourism Mandate ni Mayor Cawaling ang mandato raw nila ay naka-focus sa pagpalakas ng Marketing Promotion, Culture and Arts at Skills Enhancement sa mga Front liners sa isla.

Iminungkahe naman ni SG Gallenero na dapat ng i-publish ng mga water sports operator ang kanilang rates para wala ng bagsakan ng presyo na nagiging dahilan ng problema.

Ito rin ang nais mangyari ni SB Nenette Graf dahil karamihan sa umano sa mga commissioner ay itinatakbo ang perang ibinabayad sa kanila at hindi na sinisipot ang mga bisita.

Dahil dito,  ayon kay Vice Mayor Abram Susalog panahon na para i-regulate ang mga commissioner at gumawa ng proposal para maging organized ang pamamalakad sa mga water sports activity.

Pagsuporta ng mga Aklanon laban sa iligal na droga, pinasalamatan ni PRO 6 Gentiles

Posted November 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Jose GentilesLabis ngayon ang pasasalamat ni Regional Director PRO 6 - PCInsp. Jose Gentiles sa mga Aklanon. Ito’y may kaugnayan sa kanilang kampanya sa iligal na droga sa ilalim ng Duterte administration.

Ito ang laman ng kanyang ipinaabot na mensahe sa mga Aklanon sa kanilang partisipasyon at pagsuporta sa ginawang programa na BagHay (Bagong Buhay) Handum Naton sa Kalibo Pastrana Park nitong nakaraang araw.

Kung saan present din dito si Provincial Director it APPO - PSSupt. John Mitchell Jamili, mga chiefs of police ng ibat-ibang bayan , Prov'l Director John Ace Azarcon – DILG at Fiscal Flosemer Chris Gonzales - DOJ, Phil. Army,

Bukod dito, labis din ang pasasalamat ni Gentiles sa paglahok ng mga Aklanon sa mga aktibidad nila kabilang na ang 3 kilometers fun run and walk for a cause at sa mga bumili ng t-shirt at ticket para sa benefit concert nila.

Nabatid na ang kanilang makukulektang pondo sa naturang event ay gagamitin sa programa kontra iligal na droga ng mga pulis at sa mga drug surenderee.

Kaugnay nito, dahil sa kampanya sa pagsugpo ng iligal na droga may naitala na umanong rekord ang Aklan ng 18, 823 house visitation, at 1,863 surrenderee kung saan sa buong rehiyon naman umano ay may rekord na 224,000 house visitation, 18,600 na surenderee at 1, 300 arrested na sangkot sa droga.