YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 26, 2014

Ika-11th fiesta De Obreros ng Malay, kasado na

Posted April 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang inaabangang 11th Fiesta De Obreros ng bayan ng Malay ngayong darating na Mayo-a uno 2014.

Kasabay ng pagdiriwang na ito ang pagselebra ng Araw ng Manggagawa o Labor Day sa pagbigay pugay sa patron na si St. Joseph the Worker.

Tema naman sa nasabing kapistahan “Ang himpit nga Pagtuo, Sinsero nga pagtrabaho-Daean sa pagprogreso.

Inaasahan din na magiging makulay ang selebrasyong ito na lalahukan ng lahat ng mga kabaranggayan ng Malay.

Magkakaroon naman ng ground presentation ang mga kalahok sa 11th Fiesta De Obreros sa Mayo a-uno sa nasabing bayan.

Paglalabanan rin ng mga contestants ang Best in Choreography, Best in Music, Best in Production Design, Best in Costume at Best in Street Dancing kabilang na ang itatanghal na grand winner ngayong taon.

Ang nasabing okasyon ay pinangungunahan ng Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Malay Chief Tourism Officer Felix G. Delos Santos.

Liga Malay tournament at Ultimate Classic Rock Challenge 2014 naging matagumpay

Posted April 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang ginanap na Liga Malay tournament at Ultimate Classic Rock Challenge 2014 sa bayan ng Malay.

Ito’y bilang bahagi sa nalalapit na Municipal and Parochial Fiesta ngayong Abril 30 at Mayo a-uno 2014.

Champion sa ginanap na Liga Malay in 3D ang Manoc-manoc team, 2nd ang Caticlan, 3rd ang Poblacion 4th ang Yapak, 5th ang Dumlog at 6th Place ang Argao.

Champion rin sa Inter-Commercial Division with Imports ang Emdukes, 2nd –Sim Enterprises, 3rd BLTMPC at 4th Place ang Wilfpido.

Habang sa 4O above Division naman 1st-ang Badabong, 2nd Caticlan, 3rd Magkasangga, at ang 4th Place ay ang Malabunot.

Samantala, sa ginanap na Battle of the Bands kagabi Champion rito ang Bertud Band mula sa bayan ng Kalibo.

Sinundan naman ito bilang 2nd Place ng Blade Centepede Band ng Malay, 3rd ng Saga Band ng Kalibo at 4th  Place ang After Shock Band mula sa Ibajay,  ilan pa sa mga kasaling banda ay nagmula sa bayan ng Numancia at isla ng Boracay.

Ang nasabing aktibidad na ito ay inorganisa ni Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr. ng Malay Transportation Office (MTO).

Ilang sikat na artista sa bansa, inaasahang bibisita sa Boracay ngayong araw

Posted April 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit by: www.google.com
Ilang sikat na artista at banda sa bansa ang inaasahang matutunghayan sa Boracay ngayong araw para sa ibat-ibang event.

Kabilang sa mga inaabangan ngayon ay ang aktres na si Ann Curtis kasama si John Loyd Cruz para sa isang malaking event na magaganap mamayang gabi.

Hindi naman nagpahuli sa kaniyang bakasyon sa Boracay ang kilalang Filipino born-Canadian singer at ngayo’y nakikita sa ilang mga commercial at palabas sa telebisyon na na si Mikey Bustos.

Sa kabilang banda masusubukan naman ang galing at tapang ng mga kalahok sa pagbabalik ng malaking beach obstacles course sa bansa ng AXN Big Trill Boracay 2014 bukas.

Tampok sa aktbidad na ito ang bukalistang si Ely Buendia at ang bandang The Oktaves kung saan makikisaya naman pa rito sina DJ Mia Ayesa, DJ Sam Rhansum at DJ Edralin.

Makiki-summer fest naman mamayang alas-siyete ng gabi sa Station 1 Boracay ang bukalistang si Rico Blanco at ang bandang Kamikazee kabilang pa si DJ Tauz para sa rin sa event ng isang music channel sa bansa.

Sa ngayon, patuloy paring dumarami ang mga bakasyunista sa Boracay para sa kanilang summer vacation kung saan halos mapuno na ng tao ang beach area pagsapit ng gabe para sa ibat-ibang night out at party sa Boracay.

(Update) Hard Drive ng CCTV sa nasunog na bangko sa Ibajay Aklan, hawak na ng mga otoridad

Posted April 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hawak na ngayon ng mga otoridad ang hard drive ng CCTV Camera sa nasunog na bangko sa Ibajay Aklan kahapon ng umaga.

Ayon sa Ibajay PNP, pinagsisikapan nila ngayong ma-retrieve ang video na napapaloob sa nasabing hard drive upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng Asst. Manager ng nasabing bangko.

Napag-alaman na nagtamo ng dalawang tama ng baril sa dibdib ang 68 anyos na si Gabriel Manican nang makita ng mga fire officers na naka-upo sa loob ng nasusunog na building.

Nabatid rin na nakitang bukas ang vault ng bangko subalit iniimbestigahan parin kung may nawawala ritong pera o gamit.

Samantala, pinag-aaralan din sa ngayon ng mga otoridad kung isa ang pagnanakaw sa mga motibo ng krimen at pagkasunog ng bangko.

Nagtutulungan naman ang mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Aklan, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection Unit ng Ibajay para sa mabilis na ikalulutas ng kaso.

Grupo nina S/Supt. Nacion at PSInspector Mark Evan Salvo, balak parangalan ng SB Malay

Posted April 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Balak bigyang parangal ng SB Malay ang grupo nina Senior Supt. Samuel Nacion ng Aklan PPO at (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo.

Ito’y sa kabila ng kanilang ginawang sunod-sunod na operasyon para tugisin ang mga gumagamit at nagbibinta ilegal droga sa isla ng Boracay.

Dahil dito isang resolusyon ang ipinasa ni SB Member Jupiter Gallenero para purihin ang pagsisiskap ng nasabing mga otoridad na kinabibilangan ng Aklan Provincial Police Office (APPO) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Samantala, nabatid na malaking droga naman ang nakuha mula sa isang entrapment operation na ginawa ng mga nasabing grupo na isinagawa sa isang resort sa Boracay kung saan kinasasangkutan ito ng dalawang babae na mula sa Metro Manila.

Napag-alaman na nakuha sa mga ito ang pinaniniwalaaang apat na bulto ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyong peso.

Kaugnay nito, inaasahang muling tatalakayin ang nasabing usapain sa mga susunod na SB Session ng Malay para sa binabalak na pagbibigay pugay sa mga kapulisang tumutugis sa mga nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sa Boracay.

Karpintero sa Boracay, sinaksak; Suspek, at-large

Posted April 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinaghahanap pa rin sa ngayon ng Boracay PNP Station ang suspek sa nangyaring pananaksak sa isang karpintero kaninang alas tres ng madaling araw sa Yapak Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, natutulog ang karpinterong si Jay Dayrit, 44 – anyos ng Guagua Pampanga sa loob ng kanilang barracks sa So. Hagdan Yapak Boracay nang pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspetsado.

Pahayag ng biktima, nagising na lamang umano ito na nanakit ang kanyang kaliwang balikat subalit ni hindi man lamang nito nalaman na sya pala ay nasaksak.

Samantala, sa isinagawa namang follow-up operation kanina ng mga kapulisan ay walang nais mag-testify sa nasabing pangyayari at wala rin umanong nakakita dahil sa kawalan ng ilaw dulot ng brown-out sa nasabing lugar.

Friday, April 25, 2014

(Update) Motibo sa pagsunog ng isang Bangko sa Ibajay Aklan at pagkapaslang ng Asst. Manager nito, patuloy pa rin na iniimbestigahan

Posted April 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy pa rin ang aming isinasagawang imbestigasyon.

Ito ang ipinahayag ni PS/Insp. Ariel Nacar ng Ibajay PNP Station hinggil sa nangyaring sunog kaninang umaga sa isang bangko sa Ibajay Aklan at pagbaril sa Asst. Manager nito.

Ayon sa report ng Ibajay PNP, sa isinagawang responde ng mga taga Bureau of Fire Ibajay sa nasabing lugar ay nakita na lamang sa loob ng bangko ang Bank Asst. Manager na si Gabriel Manican na duguan habang nakaupo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabaril si Manican kung saan isinugod pa umano ito sa ospital ng nasabi ring bayan subalit ideneklara ng “Dead on Arrival”.

Samantala, may narekober rin umano sa lugar na ilang fired cartridge at fired bullet na posibleng ginamit sa biktima.

Nabatid na pumupunta tuwing umaga ang Asst. Manager sa nasabing bangko para magsagawa ng ilang pagsusuri dahil sa limitado lamang umano ang oras ng gwardya rito.

Lalaki sa Boracay, nahuli ng mga police patrol na aktong pinagnanakawan ang babaeng Australian national

Posted April 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mangiyak-ngiyak na pumapasok sa lock-up cell ng Boracay PNP station ang isang lalaki sa Boracay matapos na mahuli ng mga police patrol sa aktong pagnanakaw.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nahuli ng mga nagrorondang police patrol si Jacob Pentason, 27- anyos ng Pandan Antique na ninanakawan ang Australianang si Simone Hethanigton, 25- anyos habang naliligo ito sa front beach ng isla.

Lumalabas sa imbestigasyon na mag-aalas tres kahapon ng madaling araw nang iwan ng biktima sa dalampasigan ng Balabag Boracay ang kanyang mga gamit kabilang na ang nasa mahigit 20, 000 pesos na pera at naligo.

Subalit hindi nito inaasahan na binabantayan rin pala sya ng suspek at ninakaw ang kanyang mga inilagay na gamit kabilang na ang pera.

Kaagad namang naaktuhan ng mga nagrorondang pulis ang suspek na naging dahilan upang agad itong arestuhin.