YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, May 06, 2011

PCCI Boracay, humiling ng kooperasyon sa probinsya at lokal na pamahalaan ng Malay


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Naglabas ng sulat ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Boracay, bilang sector ng mga stakeholder  upang ipaabot nila ng kahilingan at suhistiyon na sana magkaroon ng kooperasyon ang pamahalaang probinsyal at pamahalaang lokal ng Malay lalo na kung usapin hinggil sa malawak na hanay ng inprastraktura  na makakaapekto  sa kapaligiral at stratehiya sa pagni-negosyo.

Hiniling din ng mga ito na sana sa pagpaplano at pagbuo sa pagpapatupad ng proyekto, nawa ay magkaroon muna ng bukas na diskasyon o pakikipag-ugnayan sa kumunidad ng Boracay at mainland Malay, sapagkat ang mga ito ang unang maaapektuhan ng ano mang pina-plano.

Gayon din sa mga negosyante dahil ang mga ito lang din ang nakakaalam kung ano ang epektong dala nito sa nasabing sector.

Samantala ang naturang sulat na yaon na nilagdaan ng Pangulo ng PCCI na si Ariel Abraim at pinadalhan din si Department of Tourism Sec. Alberto Lim, Sec Ramon Paje ng DENR, Cong. Joeben Miraflores, Vice Gov. Bellie Calizo Quimpo, Mayor John Yap at Alan Palma Sr. ng Yes Fm Boracay.

SB Malay, may “secret weapon” sa negosasyon


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

May planong makipag negosasyon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa pamilya ng Tirol ukol sa pitisyon na ipinabot ng mahigit dalawang daang katao Sitio Pinaungon Brgy. Balabag  na siyang lumagda sa pangunguna ni Jesus Tapuz, na humihingi ng daan/kalsada para sa mga taong nasa likod ng pag-aari ng Tirol.

Batay sa sulat na ipina-abot ng nagpetisyon sa Konseho, umaapela sila bilang mamayan na nagpapatulong sa pangambang sa oras na magkaroon ng mag-aakupa sa property ng Tirol ay wala na silang madaanan pa.

Maliban sa konseho, hiniling din ng grupo na nagpitisyon kay  Punong Brgy Lilibeth SacapaƱo, Mayor John Yap at Gov. Carlito Marquez ang katulad na tulong.

Samantala, kahit mistulang nahihirapan ang konseho sa ganitong uri ng usapin ay may panibago paraan sila ngayong naiisip na siyang gagamitin nila sa negosasyon upang ma-aksyunan ang naturang daing.

Pero sa ngayon ay hindi pa nila ito masasabi sa publiko kung ano sapagkat mahirap aniya kapag umasa ang mga ito.

Asosasyon at Kooperatiba, tatangalan na ng ngipin na mag-endorso


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Mainit na pinagdedebatehan ngayon sa Konseho ang hinggil sa pagtanggal sa ordinansang kakailanagin pa ang pag-endorso ng Kooperatiba at asosasyong para payagang makapasok ang panibagong nag-aaplay ng negosyo sa hurisdiksyon ng Malay.

Ito ay makaraang hilingin ni SB Dante Pagsugiron ang pagbasura sa ordinansang ito dahil sa nakikita nitong tila minsan ay naaabuso ang mga asosayon at kooperatiba sa naturang ordinansa.

Maliban dito, may pagkakataon din umanong hindi naman sinusunod ng mga ito ang nakasaad na kung saan bilang proteksyon sana sa mga maliliit na koopeartiba at asosasyon ang ordinansa gayon din upang hindi na dumami pa ang mga miyembro at hindi maapektuhan ang kanilang kabuhayan.

Pero tila dismayado naman ang ilang opisyal ng bayan partikular ang Punong Ehekutibo dahil sapag-aabuso na nangyayari at minsan ay naiipit pa ang LGU Malay kapag hindi nila bibigayan ng Permit ang nag-aaplay dahil iniipit din ng kooperatiba at asosasyon sa paraan ng hindi pagbigay ng pag-endorso na makapag-negosyo dito lalo na sa Boracay.

Maliban dito nakarating din sa konseho na minsan ay may mga kalakalang nagyayari sa loob ng asosasyon at kooperatiba na humahantong naman sa pagreklamo ng ilang miyembro.

Sulabit sa kabilang banda, hindi naman sang-ayon dito si SB Jupiter Gallenero na tanggaling ang ordinansa dahil wala na unamong control ang pag-pasok ng mga nangangalakal dito kung lubusan na itong maibasura.

Samanatala, sa kasalukuyan ay tila hindi parin makapag disisyon ang konseho dahil kailangan pa umanong timbaggin nila ang lahat.

Tourist Arrival nitong Abril, umapaw ng 20% kaysa noong nagdaang taon


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Hindi na nakakapagtaka na tumaataas ang bilang ng mga turista na pumunta sa isla ng Boracay lalo na nitong Mahal na Araw.

Dahil sa tila hindi na mahulugang karayun ang front Beach at maging sa Jetty Port palang ay pansin na ang dagsa ng mga bakasyunista.

Kaya hindi rin nakakapagtaka na tumaas ng dalawangpung pursiento ang bilang ng mga naitalang turista/ bakasyunita ng Malay Tourism Office.

Kung saan napapagtala mahigit siyam naput dalawang libong lokal na turista, samantala ang foreigner naman ay umabot sa mahigit dalawangpung libo, na mas mataas ng dalawangpung pursiento kung kumpara noong nagdaang taon ng 2010 sa katulad din na buwan ng Abril.

Ang mga bilang ng turista na ito ay naitala lamang sa loob ng isang buwan simula unang araw hanggang katapusan ng Abril.

Mga tinbanggan sa Boracay, ipina-momonitor na


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Dahil sa nabuksan na sa konseho noon paman ang kahilingang magpalagay ng kiluhan ng bayan sa pangunahing mga palengke sa Malay lalo na sa isla ng Boracay gayon din ang palagay ng presyo sa mga paninda, muling hiniling ni SB Jonathan Cabrera na kung hindi kaya ng lokal na pamahalaan na maglagay ng kiluhan ng bayan, ipapasa nalamang nila ito sa admistrador ng palengke na sila na maglagay ng kiluhan ng bayan at isasabatas ito para nasigurong tatalima ang mga mangangasiwa sa mga pangunahing palengke sa isla.

Kaugnay nito, humirit din ngayon ni SB Member Jupiter Gallenero na inspeksyunin at i-monitor din ang kulihan ng mga establishemento partikular ang mga hardware sa Boracay na gumagamit ng timbangan sa kanilang paninda upang hindi madalaya ang mga namimili.

Layunin lamang aniya ng konseho ay masigurong tama ang timbang ang mga mamimili, lalo pang kahit ang Department of Trade and Industry o DTI mismo ay nagsasabing bukod tanggi ang Boracay pagdating sa regulasyon ng presyo, dahil hindi ma-kontrol kontrol sapagkat tourist zone ito, kaya kahit sa tamang timbang ay makabawi namanlang umano ang consumer.

Pagkakaroon ng sariling sound system ng Malay, tila imposible --- Konseho

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

“Wala ngang ambulansya at fire truck, sound system pa?”

Ito ang naging tugon  ni SB Member Esel Flores sa ipinaabot na concern ni SB Jupiter Gallenero na bakit hindi nalang bumili ng sarling Sound System ang munisipyo ng Malay upang may magamit sa mga okasyon katulad ng Fiesta at Binayle sa mga Brgy ng Malay.

Gayong napansin nito na madalas itong pinoproblema kung saan maghahanap at pang bayad dito na magastos naman sa bahagi ng ilang opisyal ng Brgy kapag may aktibidad ang mga ito.

Subalit, tila natawa naman ang ilang miyembro ng konseho sa proposisyon ni Gallenero, sa rasong marami aniyang kailangan at magasatos ang pagmentina kung magkaroon ng Sound System na kumpleto sa gamit.

Sapagkat, kakailanganin aniyang kumuha ng tao para sa operasyon nito, sasakyan at ilang makabagong teknuluhiya para mapagana, kasama ang generator.

Kung iisipin, ang lokal na pamahalaan nga ay hindi maka bili ng ambulansya at fire truck, sound system pa kaya.