YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, June 27, 2015

Mga biktima ng sunog sa Boracay patuloy na nakakatanggap ng mga relief goods

Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for relief goods in plasticPatuloy umano ngayon nakakatanggap ng tulong ang mga biktima ng sunog sa Talipapa Bukid Manggayad Manoc-manoc Boracay nitong Miyerkules Hunyo 17.

Sa panayam ng YES FM Boracay kay Municipal Welfare Development Office Rachel Bangkaya ng LGU Malay, sinabi nito na patuloy na nakakatanggap ng tulong ang mga nasabing biktima kung saan may nakatakda pa umanong dumating para sa mga ito.

Ayon pa kay Bangkaya nakatanggap din kahapon ang mga biktima ng mga gamit sa kusina katulad ng mga kaldero at plato mula sa Office of the Civil Defense.

Dagdag pa nito na ang ilan sa mga biktima ay hindi nakakuha ng mga relief goods dahil sa hindi na umano ang mga ito nakabalik sa kanilang tanggapan matapos na magpalista.

Samantala, wala na rin umanong mga natitirang biktima ng sunog sa evacuation center kung saan karamihan sa mga ito ay nakahanap na ng bagong matutuluyan at umuwi na rin sa kani-kanilang mga lugar.

Daan-daang puno pinutol umano sa Puka Beach para sa construction ng Ocean Park hotel

Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for punong kahoyDaan-daan umanong mga puno ang pinutol sa Puka Beach Boracay sa Baranggay ng Yapak para sa construction ng Ocean Park hotel.

Ito mismo ang sinabi ng Seven Seas constructor na siyang may hawak ng Ocean Park sa ginanap na Joint committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Malay sa Eurotel Boracay kahapon.

Anila, may permit sila mula sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) na siyang nagpapahintulot na maaari nilang putulin ang mga nasabing puno sa nasabing area para maipatayo ang Ocean Park hotel bagamat matapos umano nito ay kailangan din nilang magtanim ng mga puno.

Nabatid na pinatawag ng SB Malay ang nasabing contractor at ang mga grupo na nagsagawa ng online petition dahil sa kaliwat-kanang isyu sa mga social media na kinakasangkutan ng Ocean Park hotel.

Samantala, hindi naman dumalo ang ilang grupo na siyang nangunguna na ipatigil ang pagpapatayo ng nasabing hotel matapos na silay imbitahan dahil na rin sa umano’y paglilikha ng mga ito ng ibat-ibang negatibong reaskyon laban sa Seven Seas.

Construction ng Seven Seas na Ocean Park hotel sa Boracay posibleng matuloy

Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Posibleng matuloy ang natigil na construction ng Seven Seas na Ocean Park hotel sa Boracay sa kabila ng online petition na ipatigil ito dahil sa umano’y ilang paglabag sa kalikasan.

Sa ginanap na Joint committee hearing kahapon ng Sangguniang Bayan ng Malay sa Eurotel Boracay ipinatawag ang contractor ng Ocean Park hotel na Seven Seas kasama ang ilang government agencies.

Dito napag-usapan ang ibat-ibang isyu na ibinabato sa nasabing contractor ng mga grupo na kasama sa online petition dahil nasisira umano ang kalikasan sa kanilang iniingatang Puka Beach.

Iginiit din ng Seven Seas na mayroon silang mga dokumento para sa nasabing construction mula sa Planning at Engineering Office ng LGU Malay kasama na ang sa DENR.

Kaugnay nito ipinakita din ng Seven Seas sa LGU Malay Officials ang plano ng nasabing hotel kung saan wala din umano silang mga nilabag rito at aware umano sila sa basement law sa Boracay.

Napag-alaman na ang mga kwarto ng nasabing hotel ay mistulang isang aquarium kung saan napapalibutan ito ng marine wildlife na kung saan ay may kapal na 12 inches stick ang salamin sa nasabing Ocean Park hotel.

Seven Seas contractor at Friends of Flying Foxes nagharap na sa Committee hearing ng SB Malay

Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagharap na ang Seven Seas contractor ng Ocean Park Hotel at Friends of Flying Foxes sa joint committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Malay kaninang umaga.

Ito ay dahil sa isyu ng ginagawang construction ng Seven Seas sa Puka Beach na Ocean Park Hotel na kung saan ay mainit na pinag-uusapan sa mga social media dahil umano sa ilang paglabag nito sa kalikasan.

Pinangunahan naman ng SB Officials ng Malay ang nasabing committee hearing kasama si Vice Mayor Wilbec Gelito at ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF), Boracay Foundation Inc. (BFI), Engineering at Planning Department ng LGU Malay.

Dito nilinaw ng Seven Seas na sila ay may sapat na dokumento para sa pagpapatayo ng nasabing Ocean Park sa Puka Beach.

Patuloy din umano nilang pinoproseso ang Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Iloilo na siyang higit na importante sa nasabing construction.

Sa panig naman ng Friends of Flying Foxes sa pangunguna ni Julia Lervik sinabi nito na ang kanilang online petisyon ay hindi lamang sa pagpapatigil ng Ocean Park kung hindi para sa buong isla ng Boracay dahil sa unti-unti na umanong pagkaubos ng Habitat area nito.

Samantala, nabatid na kusang inihinto ng Seven Seas developer ang construction ng Ocean Park Hotel dahil sa kaliwat kanang isyu kung saan aminado rin sila na may nilabag sila ngunit kanila na umano itong inaayos para hindi na maulit.

Kinukumpuning kalsada sa harap ng Boracay National High School, nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko

Posted June 27, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for traffic sa BoracayNagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang kinukumpuning kalsada sa harap ng Boracay National High School.

Kapansin-pansin ang mahabang linya ng mga sasakyan lalo pa’t maliit lamang ang kalsada sa harap ng nasabing eskwelahan.

Subali’t dagdag na nagpapabigat sa loob ng mga motorista at publiko ang kawalan ng nagbabantay o nagko-kontrol sa trapiko doon.

Wala rin kasing nakalagay na signage doon kung kanino o sino nagpapagawa ng nasabing proyekto.

Kaugnay nito, hindi maiwasang may mga magkokomento ng negatibo sa ginagawang kalsada.

May mga driver namang dinadaan na lamang sa pagbusina ng malakas ang kanilang pagkabagot, habang napapakamot na lamang ng ulo ang iba dahil sa perwisyong dulot sa kanilang biyahe.

Samantala, nabatid na marami pang kalsada sa isla ng Boracay ang matagal nang nangangailangan ng atensyon mula sa gobyerno, lalo pa’t naniniwala ang publiko na malaki ang perang pumapasok dito.

Friday, June 26, 2015

Mga beach front establishments, nagsisimula nang maglagay ng Wind Breaker para sa Habagat Season

Posted June 26, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

YES FM FILE PHOTO
Ramdam na ngayon sa isla ng Boracay ang epeko ng malakas na hangin dulot ng Hanging Habagat.

Kaugnay nito, nagsimula na ring maglagay ng kani-kanilang wind breakers ang mga beach front establishments.

Apekto kasi ng malakas na hangin ang kanilang operasyon lalo na ang mga bars at restaurants sa beach front na nagsi-set up ng dinner buffet.

Apektado rin ang mga entertainer katulad ng mga fire dancers at iba pang stage performers sa gabi, maging ang mga vendors at mga masahista.

Kagaya ng nakagawian, kapansin-pansin ang mga idini-deliver na kawayang inorder pa sa karatig-bayan ng Malay na siyang gagamitin ng mga establisemyeto para sa wind breakers.

Magugunita namang nagkasundo ang mga station 1 property owners at BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na magkaroon ng uniform design para sa mga ilalagay na wind at wave breakers nang ipinatupad ang 25+5 meter easement rule sa Boracay nitong nakaranag taon.

Samantala, itinuturing ng karamihan sa mga negosyante sa isla na ‘low season’ at ‘mababa ang kanilang kita’ tuwing Habagat Season.

Ilang kalsada sa Boracay patuloy paring binabaha

Posted June 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for baha sa kalsada sa BoracayPatuloy paring binabaha ang ilang kalsada sa isla ng Boracay matapos ang naranasang mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Partikular rito ang sa mainroad ng Manoc-manoc na kung saan ay pangunahing binabaha sa tuwing umuulan dahil sa kawalan ng drainage system sa nasabing area.

Maliban dito isang area din sa Station 1 ang hanggang ngayon ay problema ng mga motorista dahil sa may katagalan kung humupa ang baha gayon din sa loob ng D’Talipapa Station 2.

Kaugnay nito nais naman ng SB Malay na e-suction ang tubig baha sa mga nasabing lugar lalo na ngayon at panahon na ng tag-ulan.

Nabanggit naman ni Malay Liga President at Manoc-manoc Brgy. Captain Abram Sualog sa SB Session ng Malay na maaaring sila nalang muna ang maglalaan ng pondo para mabigyan ng solusyon ang pagbaha sa area ng E’Mall hanggang sa wala pang aksyon rito ang mga kinauukulan.

Matatandaan tinawag din ni SB Member Floribar Bautista ang pansin ng mga namamahala sa nasabing proyekto nito kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyang solusyon ang mga kalsadang binabaha yaong mayroon naman umanong pondong mapagkukunan para rito.

Ocean Park developer nakatakdang dumalo sa joint committee hearing ng SB Malay bukas

Posted June 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ocean park developer BoracayNakatakdang dumalo sa Joint Committee Hearing ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Ocean Park developer o Seven Seas bukas sa Eurotel Boracay.

Ito ang sinabi ni Malay SB Secretary Concordia Alcantara, matapos itong magkumpirma na dadalo sa nasabing hearing ang developer para linawin ang mga isyu na kanilang kinakaharap ngayon.

Maliban dito isa rin sa mga inimbitahan ang grupong Friends of Flying Foxes na kumpirmado ring dadalo sa joint committee hearing bukas.

Nabatid na ang Friends of Flying Foxes ang siyang nagsagawa ng online petition para ipatigil ang ginagawang construction ng Seven Seas na Ocean Park Hotel sa Puka beach Boracay dahil sa nais umano nilang protektahan ang natitirang pristine beach, forest at wildlife sa Boracay sa takot na mawala ito.

Kaugnay nito imbitado rin sa hearing bukas ang Zoning, Boracay Redevelopment Task Force (BRTF), Office of the Mayor, Brgy. Yapak Officials at Department of Environmental Resources (DENR).

Napag-alaman na ang pagpapatawag ng committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Malay ay para maayos ang isyu ng construction ng Ocean Park sa Puka beach na patuloy ngayong umaani ng ibat-ibang negatibong reaksyon sa mga nitezens sa social media. 

Thursday, June 25, 2015

Selebrasyon ng Kapistahan ni San Juan de Bautista sa Boracay, naging mapayapa

Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for Senior san juan basaanKinumpirma ngayon ng Boracay PNP na naging mapayapa ang selebrasyon ng Kapistahan ni San Juan de Bautista sa isla.

Ayon kay BTAC o Boracay Tourist Assistance Center Deputy Chief PSInsp.Fidel Gentallan, generally peaceful umano ang selebrasyon kahapon dahil wala namang major untoward incidents ang nangyari sa kasagsagan ng kapistahan.

Sa kabila nito, kinumpirma din ni Gentallan na ilang insidente dulot ng kalasingan ang naitala ng Boracay PNP.

Magugunitang naglaan din ng ‘Special Deployment’ang mga kapulisan sa isla maliban sa monitoring ng Philippine Coastguard, Philippine Red Cross, Life guards at ilan pang force multipliers sa nasabing selebrasyon.

Nabatid na nag-enjoy ang mga lokal na residente sa paliligo sa dagat ng Boracay kahapon kung saan kanya-kanyang gimik din ang mga ito sa pagdiwang ang kapistahan ni San Juan de Bautista.

Kadalasang dinadagsa ng publiko ang mga beach at ilog kapag ‘San Juan’ sa paniniwalang magdadala ito ng bendisyon sa kanila.

Lalaki sa Numancia, Aklan, nailigtas matapos malunod kasabay ng selebrasyon ng ‘San Juan’

Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for nalunodIsang lalaki ang napaulat na nailigtas sa pagkalunod kahapon sa Navitas, Numancia, Aklan sa kasagsagan ng selebrasyon ng ‘San Juan’.

Bagama’t wala nang opisyal na detalye, kinumpirma ng APPO o Aklan Police Provincial Office na na-revive naman kaagad ang 27 anyos na biktima.

Kasabay nito, nakapagtala naman ng ilang insidente dulot ng kalasingan ang Kalibo PNP dahil na rin sa nasabing selebrasyon.

Sa kabila nito, sinabi naman ni APPO Information Officer PO1 Jane Vega na naging mapayapa ang selebrasyon kahapon sa buong probinsya ng Aklan.