Posted January 27, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Tatlo na namang drug pushers ang nahuli ng mga awtoridad alas-
nuebe kagabi sa ginawang drug- buy bust operation sa Sitio Bolabog, Boracay.
Ito’y matapos ang pinagsamang pwersa ng Provincial
Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG), Malay MPS, Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC), AAPSC, MARITIME Police at PDEA.
Nadakip sina Jeneveve Canja Y Jaudines,43- anyos ng Tobias,Fornier,
Antique, Melchor Saron Y Flores, 46- anyos ng Tagbaya, Ibajay at Jose Salvador
Timoteo Cahilig Y Salido, 34- anyos ng Poblacion, Ibajay.
Nabilhan
si Canja ng sachet of suspected shabu kapalit ang P1,000 marked money galing sa
poseur buyer sa kanyang boarding house sa nasabing lugar.
Samantala,
nakuha naman kay Saron ang apat na sachets ng suspected shabu habang si Cahilig
ay naaresto sa loob ng kuwarto ng boarding house na sinasabing isang drug den.
Narecover
din dito ang tatlong piraso ng aluminum foil at disposable lighters.
Kaugnay
nito, ang mga suspek ay ikinustodiya ng mga operatiba ng PAIDSOTG sa bayan ng
Kalibo, kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Sections 5 (selling of drugs), 6 (maintenance
of a den) and 11 (illegal possession of drugs) of Republic Act 9165 or the
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.