YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 25, 2015

Ibat-ibang aktibidad para sa 2016 Kalibo Ati-Atihan Festival, inilatag na

Posted July 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ATI-ATIHAN FESTIVAL 2016Inilatag na ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival (KASAFI) organizer ang ibat-ibang aktibad para sa tinaguriang “Mother of All Philippine Festival” sa Enero 2016. 

Ito’y matapos silang magsagawa ng unang meeting sa pangunguna ni KASAFI Chairman Albert Menez at ng LGU Kalibo kung saan nakipag-negosasyon na ito sa mga sponsors para sa nasabing festival kasama na ang pakikipag-usap sa isang television network sa bansa.

Ayon kay Menez ibibida sa 2016 Kalibo Ati-Atihan Festival ang ibat-ibang contest na kinabibilangan ng Tribal Group at Group street dancing contest na masasaksihan sa Enero 16-17.

Maliban dito kasama din sa mahigit isang linggong okasyon ang Hala Bira Ati-Atihan nights, 9 na araw na novena para kay Santo Niño, Pilgrim mass, Sinaot sa Kalye, Aklan Festival parade at Higante contest, Mutya ng Kalibo Ati-Atihan pageant at coronation night, Ati-Atihan flea market at religious procession.

Nabatid na ang opening Salvo ng Ati-Atihan Festival ay magaganap ngayong buwan ng Oktobre 2015 kung saan ipapatikim sa mga manunuod ang ibat-ibang palabas para sa naturang festival sa tulong na rin ng mga stakeholders sa Aklan habang sa Enero 9-17 2016 ang highlight ng naturang kapistahan.

Over pricing brochures ng mga illegal commissioners sa Boracay kinumpiska ng mga pulis

Posted July 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling nakapag-kumpiska ng 49 na mga over pricing brochures ang mga kapulisan ng Boracay PNP Station sa kanilang nagpapatuloy na monitoring sa mga illegal na commissioner sa isla.

Ito ay sa pangunguna mismo ni PSI Frensy Andrde, Chief of Police ng Boracay Police kung saan sinuyod nila ang beach front para kumpiskahin ang mga nasabing brochures na sobra-sobra ang mga presyo na iniaalok sa mga turista.

Ayon naman kay Andrade binibigyan umano nila ng violation ticket ang mga nasabing commissioner at kung tatlong beses na umano silang natikitan ay sasampahan na nila ito ng kaso.

Iginiit naman ni Andrade na may nabibiktima paring turista ang mga commissioner ngayon ngunit hindi umano kagaya ng dati na halos linggo-linggo ay may nabibiktima sila.

Sinabi din nito na hindi pa matatapos ang kanilang laban kontra sa mga illegal na commissioner sa Boracay hanggat tinatanggap sila ng ibat-ibang nag-papa sea sports at island hopping sa isla.

Samantala, pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga turista na mag-ingat sa pakikipag-transakyon sa mga commissioner dahil ang iba rito ay illegal at nanamantala lamang sa mga bisita.

MHO layong gawing “Adolescent friendly Health facilities” ng DOH 6

Posted July 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for healthLayong gawin ngayon ng Department of Health Region 6 at ng Provincial Health Office (PHO) Aklan ang Malay Health Office (MHO) bilang isang Adolescent friendly Health facilities.

Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, nagtungo umano sa kanilang tanggapan ang DOH at PHO nitong nakaraang araw para sa checklist assessment ng kanilang serbisyo.

Dito napili umano ng Department of Health ang MHO na gawin itong Adolescent friendly Health facilities kung saan layun nito ang mabuting pakikitungo sa mga Adolescent na pasyente.

Dagdag pa ni Asperas iba-iba umano kasi ang pakikitungo sa mga pasyente depindi sa mga edad nito dahil ang pakikisalamuha umano sa bata ay iba rin sa pakikitutungo sa matatanda.

Bagamat nagagawa naman umano nila ito sa kanilang Health Office pero nais pa umano nila itong mas mapabuti.

Samantala, kabilang sa ginawang checklist assessment ng DOH ay ang mga personnel ng MHO at ang kabuuang serbisyo nila.           

Friday, July 24, 2015

Arabian National panibagong biktima ng illegal na commissioner sa Boracay

Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal commissioner sa boracayIsa na namang turistang Arabian National ang nabitima ng illegal na commissioner sa isla ng Boracay kaninang tanghali.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang biktimang si Walleed Dhnawi, 36-anyos ng Saudi Arabia at isang bakasyunista sa isla ng Boracay.

Sa report ng pulisya nakipag-transakyon umano ang biktima sa suspek na kinilala lamang sa pangalang Gabe para sa ibat-ibang island activities na kinabibilangan ng parasailing, helmet diving, fly fish, banana boat, scuba diving, island hopping katulad ng cliff diving sa magic island at crystal cove sa halagang P16, 000.

Nabatid naman na bago ang naturang mga aktibidad ay nagbigay muna ang biktima ng P10, 000 sa nasabing suspek bilang partial payment.

Kaugnay nito matapos na mag-helmet diving ang biktima na kasama sa mga kinuha nitong activity ay tinawagan nito ang suspek para sa mga natitirang island activities ngunit hindi na niya umano ito ma-kontak.

Nagtanong-tanong din umano ang biktima sa nakakilala sa supek ngunit wala namang makapagsasabi kung saan ito nagpunta.

Samantala, ang nasabing insidente ay ilang beses na ring nangyayari sa isla ng Boracay dahil sa mga illegal na commissioner na pakalat-kalat sa isla.

HIV counseling ng Municipal Health Office ng Malay mas pinalawak

Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for HIVMas pinalawak pa ngayon ng Municipal Health Office ng Malay ang HIV counseling sa lahat ng mamamayan at manggagawa sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos na ikabahala ng MHO ang tumataas na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lalawigan ng Aklan kung saan ang bayan ng Malay ang isa sa may pinakamataas na kaso ng nakakamatay na karamdaman sa probinsya.

Ayon naman kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, dumadayo umano sila ngayon sa mga hotel at establisyemento sa Boracay para magsagawa ng HIV-counseling sa mga empleyado.

Maliban dito kasama rin umano sa Health Education Activities sa mga paaralan sa Boracay ang tungkol sa HIV upang mabigyang kaalaman ang mga kabataan sa maidudulot nito sa buhay.

Dagdag pa ni Aspiras hinihikayat umano nila ang tinatawag na 100 percent condom use program para sa proteksyon kontra sa STD, HIV at AIDS.

Nabatid na patuloy na ngayong nadadagdagan ang kaso ng naturang karamdaman sa probinsya na ikinabala naman ng mga Health Officials sa lalawigan.

Mahigit 26 na libong botante sa Malay sumailalim na sa biometrics registration

Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for no bio no botoNasa mahigit 26 anim na libo na umanong botante sa bayan ng Malay ang sumailalim sa biometrics registration ng Commission on Election (COMELEC).

Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, ito ay dahil sa puspusan nilang kampanya ng “No Bio-No Boto” para sa darating na halalan 2016.

Sa ngayon umano ay may kabuuang 28 libong botante ang nakarehistro sa kanila ngunit ang mahigit isang libo umano rito ay wala pang biometrics.

Binigyang diin nito na ang nakarehistro na hindi sumailalim sa biometrics ay hindi rin makakaboto sa darating na halalan dahil kinakailangan muna nilang dumaan sa capturing ng biometrics, registration record at pirma.

Dahil dito patuloy parin ang ginagawang panawagan ng COMELEC Malay sa mga wala pang biometrics na kung maaari ay mag-parehistro na upang makabuto sa isasagawang halalan sa Mayo 9, 2016.

Samantala, dadayo naman ang COMELEC Malay sa brgy. ng Caticlan ngayong Lunes para sa mga hindi pa nakapagrehistro gayon din sa brgy. ng Manoc-manoc sa buwan ng Agosto.

Kahalagahan ng K-to-12 program ipinaliwanag ng DepEd Aklan

Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for K-TO-12Ipinaliwanag ng Department of Education Aklan ang kahalagahan ng K-to-12 program sa ginanap na stakeholders K-to-12 meeting nitong nakaraang linggo sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Dr. Jesse M. Gomez, CESO V, Aklan Schools Superintendent, ang pagdating umano ng globalization at ASEAN Integration ang pinakadahilan kung bakit may progarama ngayon ang DepEd na K-to-12.

Dito umano iniimpliminta ang uniform at global education na sumusunod sa ASEAN Qualifications Reference Framework (AQRF).

Nabatid na ang Pilipinas nalang ang bansa sa Asya at isa sa tatlong bansa sa buong mundo kasama ang Angola at Djibuti ang mayroon paring 10-year pre-university.

Iginiit nito na dapat nalang tanggapin ang bagong education system kahit na ang pagbago umano ay masakit pero ito din umano ay kailangan para makapag-compete tayo hindi lang sa sa mga bansa sa ASEAN kundi sa lahat ng bansa sa buong mundo.

Samantala, sinabi pa nito na ang K-to-12, ng mga mag-aaral ay isang paghahanda sa edukasyon sa kolehiyo, trabaho at negosyo.

Thursday, July 23, 2015

Dahil sa hindi nakapagbigay ng “tong” sa sugal lalaki sa Boracay pinagtulungang bugbugin

Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Tong sa sugalPasa sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang inabot ng isang lalaki matapos na ito’y pagtulungan bugbugin ng apat na kalalakihan sa Boracay.

Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang biktimang si Ramil Malinao, 36-anyos tubong Negros Occidental at temporaryong nakatira sa brgy. Yapak isla ng Boracay.

Nabatid sa report na naglalaro umano ng baraha ang biktima kasama ang apat na lalaking suspek ng biglang kumprontahin ng isa sa mga suspek ang biktima matapos na umano’y hindi ito nakapagbigay ng “Tong”.

Dahil dito isang mainit na argumento ang namagitan sa biktikma at sa tatlong suspek dahil sa hindi pagkauunawan sa kanilang nilalarong baraha kung saan dito na pinagtulungan bugbugin ng tatlo si Ramil.

Mabilis naman nakatakas ang biktima sa mga kamay ng suspek at agad na nakahingi ng tulong sa mga pulis.

Samantala napagkasunduan naman ng Boracay PNP na idulong nalang sa brgy. Justice System  ng brgy. Yapak ang nasabing insidente.

Mga pulis sa Boracay PNP, nakiisa sa Nationwide Earthquake Drill kaninang umaga

Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakiisa ang mga kapulisan ng Boracay PNP Station sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill kaninang alas-9 ng umaga.

Ito ay inorganisa mismo ng nasabing tanggapan kung saan sumailalim ang mga pulis sa mga paghahanda sakaling maranasan ang kalamidad sa pamamagitan ng lindol.

Nabatid na nais ng Boracay PNP station na matiyak ang kanilang kahandaan sa panganib na maidudulot ng lindol sakaling ito ay maranasan sa ibat-ibang parti ng bansa.

Maliban sa mga pulis nauna ng sumailalim sa Earthquake Drill ang tanggapan ng Philippine Coastguard at Bureau of Fire Protection Unit sa Boracay kasabay ng mga paaralan sa bayan ng Malay kahapon ng umaga.

Kaugnay nito nakatakdang muling sumailalim ang Boracay PNP Station sa Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na linggo na oorganisahin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Samantala ilang paaralan at National Government Agencies rin sa bansa ang lumahok sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill kaninang umaga bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Consciousness month ngayong buwan ng Hulyo.

Expansion at construction project ng Tabon Port inaasahang matatapos ngayong taon

Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tabon portInaasahan umanong magiging fully-operated na sa susunod sa taon ang Tabon Port sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.

Ito’y sa sandaling matapos na ang expansion at construction project ng Tabon Port na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Ayon kay Malay Administrator Godofredo “Goding” Sadiasa sinisikap umano nilang matapos ito ngayong taon ngunit hindi umano tuloy-tuloy ang construction nito dahil sa paunti-unti lang na pagpapalabas ng budget para dito.

Dagdag pa ni Sadiasa ang kasalukuyang rampa na ginagamit ngayon ay dudugtungan pa ng 16 na poste para mas humaba ito at maiwasan ang traffic congestion ng mga bangka.

Samantala, malapit na rin umanong buksan ang bagong tayong terminal building dito na may kalakihan sa lumang terminal area.

Maliban dito pinagtutuun din nila ng pansin ang parking area ng mga transport groups kabilang na pagsasaayos ng kalsada sa lugar.

Ang Tabon Port ang siyang ginagamit na alternatibong pantalan sa tuwing panahon ng Habagat sa Boracay patawid ng Tambisaan Port sa Manoc-Manoc.

LGU Malay muling nakatanggap ng panibagong Ambulansya mula sa PCSO

Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling tumanggap si Malay mayor John P. Yap ng panibagong Ambulansya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes sa Aklan Provincial Trade Hall sa Kalibo.

Ito ay itinurn-over mismo ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, kung saan kabilang naman sa mga tumanggap ay ang bayan ng Ibajay, Nabas, Libacao, Balete, Numancia, Madalag, New Washington, Altavas at ang Aklan provincial hospital.

Present din ang mga alkalde na nakatanggap ng ambulansya na kinabibilangan ni Nabas mayor James Solanoy, Ibajay mayor Ma. Lourdes Miraflores, Madalag mayor Alfonso Gubatina, Libacao mayor Vincent Navarosa, Numancia mayor Jozyl Isidore Templonuevo at si PCSO board of director Francisco Joaquin III, Aklan vice governor Gabrielle Calizo-Quimpo at ilan sa Aklan Sangguniang Panlalawigan members.

Nabatid na ang pamamahagi ng ambulansya sa Aklan ay parti ng PCSO Ambulance Donation program na kung saan ay layunin nitong makatulong sa mga bayan at siyudad sa buong bansa sa pamamagitan ng rescue at ambulance vehicles.

Kaugnay nito ang bayan ng Malay ay tatlong beses ng nakatanggap ng ambulansya mula sa PCSO kung saan ang isa ay napunta sa Boracay Action Group at ang isa naman ay nasa LGU Malay.

Wednesday, July 22, 2015

Lalaking nang-shoplift sa dalawang souvenir shops sa Boracay arestado

Posted July 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos na mahuling nag-shoplift sa dalawang tindahan ng souvenir items sa D’Mall Boracay kaninang umaga.

Sa blotter report ng Boracay PNP kinilala ang suspek na si Jumar Bugtay 31-anyos at residente ng Iligan City, Lanao del Norte at nag-tratrabaho bilang isang construction worker sa isla ng Boracay.

Nabatid na pumasok ang suspek sa isang tindahan ng souvenir shop kung saan kinuha umano nito ang ibinibintang necklace pipes at mabilis na lumabas papalayo na wala pang bayad.

Napag-alaman na nakita mismo ng isang maintenance sa D’Mall ang pagnanakaw ni Bugtay kung saan agad nitong tinawag ang pansin ng nagbibinta sa souvenir shops at humingi ng tulong sa security guard na naka-duty sa lugar upang mahuli ang suspek.

Dito agad naman nilang na-corner ang suspek at dinala sa Boracay PNP Station para sa embestigasyon.

Maliban dito isa pang lalaki ang dumulong sa tanggapan ng Boracay PNP para magrekmo tungkol sa nawawala nilang ibinibintang sunglasses at doon sakto naman nilang nakita ang nasabing suspek na tangay ang sunglasses na nakalagay sa loob ng kanyang bag.

Samantala, pansamantala namang ikinustudiya sa Boracay PNP Station ang suspek na si Bugtay habang inaantay kung magsasampa ng reklamo rito ang mga biktima.