Posted July 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinikayat ngayon ng Department of Trade and Industry
(DTI) Aklan ang mga hotel at establishment sa isla ng Boracay na maging environment-friendly.
Ito’y bilang kanilang tugon sa panawagan ng Duterte administration
for environmental preservation ayon kay DTI Aklan Officer In-Charge Carmen
Iturralde.
Ayon kay Iturralde, makikipagpulong umano ito sa
ibat-ibang sektor para mapag-usapan kung paano ang paggamit ng “green’ items”
gayon din at umaasa umano siya na masisiyahan ang mga hotel sa Boracay sa
inisyatibong ito.
Nabatid na kung ang mga hotel ay bibili ng produktong
gagamitin mula sa recyclable materials sa Aklan, lokal na magsasaka at mga
negosyante ay magkakaroon ng motibasyon ang mga ito na magtanim ng madaming
puno at halaman.
Matatandaang sa unang State of the Nation Address noong
Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tinawag nito ang pansin ng publiko na
tumulong sa pagpreserba ng kalikasan.