Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST BORACAY NEWS
Photo CTTO |
Nakatakda ng buksan sa mga sasakyan ang national highway
sa Brgy. Tulingon, Nabas simula sa darating na Sabado, September 15.
Ito ang pahayag ni Aklan Provincial Engineering Office
Planning Department Head Engr. Fritz Ruiz subalit ang kabilang bahagi lang muna
ang pwedeng daanan dahil ang isang lane ng kalsada ay inaayos pa.
Lininaw din nito na hindi pa ito pwedeng daanan ng mga
malalaking sasakyan tulad ng mga truck at bus.
Ipinasiguro nito, na agad rin itong bubuksan pero sa
ngayon umano ay kailangan itong ayusin ng mabuti nang sa gayon ay maging
matibay.
Matatandaan na pansamantalang ipinasara ang lugar dahil
sa patuloy na pagguho ng lupa dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Sa ngayon ay pinapayagan namang makadaan ang tao huwag
lang sa kanilang work hour na alas otso ng umaga hanggang tanghali at ala una
hanggang alas singko ng hapon para hindi maabala ang ginagawang konstruksyon.