YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 06, 2017

Kalibo-Numancia Bridge II, nakatakda ng buksan sa Martes

Posted January 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakda na ngayong buksan ang pinakahihintay na Kalibo-Numancia Bridge II.

Ito ang sinabi ni Aklan District Engineer Noel Fuentebella, kung saan magkakakaroon muna ng misa at blessing saka sisimulan ang cutting of ribbon sa Enero 10 araw ng Martes sa alas 7:30 ng umaga.

Aniya, inaasahan namang pupunta  ang dalawang Mayor ng Numancia sa katauhan ni Jeserel Templonuevo at Kalibo Mayor William Lachica, Governor Joeben Miraflores, Congressman Carlito Marquez at mga kapulisan.

Ang bagong tulay ay magsisilbing one-way at gagamitin ng mga papa-uwi galing Kalibo, habang ang luma naman ay gagamitin papuntang Kalibo.

Nabatid, na meron pa silang inaayos sa naturang tulay, tulad na lamang ng hindi pa nailagay ang ilaw para dito. Sinasabing dahil narin sa masamang panahon at baka masira lang kung kaya’t ipinagpaliban muna ang paglalagay ng ilaw sa naturang tulay.

Ngunit siniguro naman ni Fuentebella na agad naman nila itong ilalagay kung maging maganda na ang panahon.

Sa ngayon ay lalagyan muna nila ito ng pansamantalang reflectorized sticker para maging guide ng mga motorista.

Nabatid na aabot sa P370 million ang i-pinondo ng DPWH sa pagpapatayo ng tulay.

Turista sa Boracay, arestado matapos magnakaw

Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for kulong
Nasa kustodiya na ngayon ng Boracay tourist assistance Center (BTAC) ang isang Chinese national matapos umanong magnakaw sa  boutique sa Station 2. Brgy. Balabag, Boracay.

Dumulog sa himpilan ng mga pulisya si Nevaline Gerarde, 25- anyos, tubong Maayon , Capiz, na pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Manoc- Manoc, Boracay.

Ayon sa blotter report, ino-obserbahan umano ng witness ang suspetsado habang namimili ito sa mga damitan, nang bigla na lamang nitong ilagay sa kaniyang bag ang isang dress na nagkakahalaga ng P 1, 900 at isang t-shirt na nagkakahalaga naman ng P 1, 600.

Nang makita niya ito ay agad niya itong ipinag-alam sa kaniyang Manager.

Kanila namang nireview nila ang CCTV Footage at dito na nga nakita ang ginawa ng suspetsado na kinilalang si Chunna Liu,36- anyos, Chinese national na pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa isla.

Dahil dito, agad na kinompronta ni Gerarde si Liu at sinabihang ibalik ang kaniyang mga kinuha, ngunit sa halip na ibalik ito ay hinampas pa nito si Gerarde gamit ang kaniyang bag at nagbitiw ng mga hindi magagandang salita.

Dahil sa pangyayari, agad nila itong ipinaalam sa mga otoridad kung saan sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon sa naturang umano’y pagnanakaw.

Dalawang-libong pulis idedeploy sa Boracay para sa Asean Summit 2017

Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for philippine pulisMahigit kumulang 2,000 kapulisan ang i-dedeploy para sa nalalapit na ASEAN Summit 2017 na gaganapin sa isla ng Boracay.

Ayon kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, manggagaling umano ang mga ito sa buong Region- 6 at maging sa mga karatig probinsya nito.

Kaugnay nito,hiling ngayon ni Gregas ang suporta ng komunidad upang mapanatili ang kaayusan na magsisilbing malaking tulong para sa ipinagmamalaking isla.

Samantala, ang isinasagawa umanong security plan para sa Kalibo Ati- Atihan ay katulad din sa seguridad na ipatutupad sa pagsapit ng ASEAN Summit 2017 kung saan makakasama ang lahat ng mga law enforcers at maging ang Boracay Action Group.

Final Security Plan para sa Sto. Niño Ati- Atihan Festival 2017, naisagawa na

Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for Security PlanNaisagawa na ang Final Security Plan bilang paghahanda sa seguridad sa Sto. Niño Ati- Atihan Festival 2017.

Patuloy na ang isinasagawang pagpupulong sa Kalibo Municipal Hall kung saan pinangunahan ito ni Kalibo Mayor William Lachica, LCE Kalibo at Police Superintendent Pedro Enriquez, Deputy PDA kasama ang lahat ng mga miyembro ng Aklan Festival 2017 Committee on Security, Peace and Order, and Emergency Preparedness Response.

Sa pulong na ito, inilatag ang mga plano para sa Security Plan and Task Group Commanders gayundin ang mga miyembro ng Committee on Security, Peace and Order, and Emergency Response team.

Samantala, inaasahang magiging mapayapa at maayos ang pinakahihintay na selebrasyon sa pagsapit ng January 9-15, 2017.

Crime Volume sa Aklan bumaba sa 2016- APPO

Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for nida gregasSa nagdaang bagong taon nakapagtala ng labing- apat na insidente ng firecrackers related injury ang Probinsya ng Aklan kung saan wala namang naitalang stray bullets at Illegal discharge of Firearms.

Sa panayam ng himpilang ito kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas kung ikukumpara umano ang kabuuang criminal volume magmula noong Enero hanggang Disyembre sa taong 2015 na may 13, 137 ay di hamak na mas mababa ngayon simula ng Enero hanggang Disyembre 2016 na umabot sa 11, 352 na nasa 15. 7 na porsyento.

Samantala, puspusan na umano ang kanilang kahandaan para sa nalalapit na ASEAN Summit na gaganapin sa Isla ng Boracay na magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Marso 2.

Kung matatandaan, sa nakalipas na dalawang linggo ay nagkaroon ng Coordinating Conference Meeting na idinaos dito sa isla at inaasahan umano ang marami pang mga pagtitipon para sa pagplantsa ng mga hakbangin nitong buwan ng Enero at Pebrero.

Samantala, ipinaabot naman ni Gregas ang pagsuporta ng komunidad para na rin maging mapayapa ang isasagawang pagtitipon ng mga iba’t ibang bansa.

Boracay Sto. Niño Ati- Atihan 2017, kasado na

Posted January 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracay ati- atihanPlantsado na ang mga aktibidad para sa Boracay Ati- Atihan simula sa Enero 7 hanggang 8 ngayong taon.

Magsisimula ang selebrasyon sa sabado na magkakaroon ng  pagsundo sa imahen ng Sto.Niño sa tanghali at sa gabi naman ay ang Kabataan’s  Night kabilang ang Opening Salvo at Hip Hop Dance Competition.

Dagdag pa rito, may mga special guest pa umano na darating katulad na lamang ni Abra at Andrew E. habang ang Salbakuta naman ay magpeperform sa araw ng Linggo.

Kaugnay nito sa araw naman ng Linggo ay magaganap ang 2017 Boracay Sto. Niño Ati-Atihan kung saan isang Motorcade at Fluvial Parade ang sisimulan ng alas- kwatro ng umaga simula sa Cagban papuntang Boracay Rock at pabalik sa Balabag Plaza na susundan ng isang misa at Tribal Street Dancing Competition na lalahukan ng iba’t – ibang mga tribo kung saan susundan ito ng prosisyon sa hapon at awarding night.

Maliban dito, magkakaroon naman ng misa sa Enero 8,araw ng Linggo sa ganap na alas- sais y medya ng umaga sa Holy Rosary Parish, habang alas- syete y medya  naman ang High Mass sa Balabag Plaza na susundan ng Tribal Street Dancing Competition.

Nabatid na sa Procession of Sto. Niño Image na gaganapin ng alas-5:30 ng hapon, gagamitin umano ang main road para dito at magkakaroon ng short mass.

Ang Boracay Ati-Atihan ay taunang ginagawa sa isla bilang selebrasyon sa kapistahan ni Sr. Sto Niño na ginanap sa unang linggo ng Enero.

Gallenero at Pagsuguiron, nais nang ipatupad ang drug testing para sa mga empleyado ng LGU-Malay

Posted January 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person, sittingNais ngayon ni SB Jupiter Gallenero at Dante Pagsuguiron na isailalim na sa lalong madaling panahon ang mga empleyado ng LGU-Malay sa drug-test.

Ito’y may kaugnayan sa isang security guard na nahuli nitong buwan ng Desyembre dahil sa pagbebenta ng iligal na droga na umano’y nagtatrabaho sa ilalim ng LGU-Malay.

Muling binuksan ni Pagsuguiron sa SB session ng Malay ang usapin kung saan aniya ito umano ay may resulosyon na inaprobahan subalit hanggang ngayon ay hindi parin na implementa.
  
Kaugnay nito, suhestyon naman ni Gallenero na kailangan umanong magpasa ng resulosyon sa opisina ng Human Resource sa lahat ng mga job order na ni-rerequire sila na magpa-drugtest bago ang renewal.

Image may contain: 2 people, people sitting
Ayon kay Pagsuguiron dapat na umanong aksyunan ni Mayor Cawaling itong pangyayari kung saan nagtataka rin siya dahil matagal na umano itong naaprobahan ngunit hindi parin nai-implementa.

Aniya, dapat umanong maging vigilante ang LGU sa pag-tanggap ng mga trabahante kung saan kung sinuman ang may kaso sa droga ay hindi na dapat i-employ at kung pwede ay suportahan umano ng LGU na sumailalim ito sa rehabilasyon at bago bigyan ng trabaho.

Samantala, sinabi pa ni Pagsuguiron na kailangan umanong bigyan ng Memorandum Order ang lahat ng Barangay  para kanilang itong pag-usapan kung saan meron na umanong Memorandum ang mga ahensya ukol dito.

Naniniwala naman si Pagsuguiron na marami paring involve sa droga na nag-tatrabaho sa LGU kung saan kinakailangan na umano ng final implementation ni Mayor Cawaling.

Kung matatandaan, itong usapin ay naging Privilege Speech ni SB Pagsuguiron noong nakalipas sesyon kung saan  binabalak itong ipatupad sa lahat ng empleyado ng LGU Malay.

Ayon sa Konsehal nais niyang tumalima sa maigting na kampanya laban sa droga ni Pangulong Duterte kung saan ipapatupad umano ito sa lahat ng opisyal at empleyado ng Malay kasama na ang mga Barangay Officials.