Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEW DEPARTMENT
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire
(BFP) Boracay Sub-Station sa sumiklab na sunog kaninang madaling araw Sitio
Bantud, Brgy. ManocManoc, Boracay.
Sa panayam sa imbestigador na si FO3 John Henry Eldesa,
alas-tres ng madaling-araw ng makatanggap sila ng fire call na may lumalagablab
sa area.
Sa kanilang pagresponde mabilis umanong kumalat ang apoy
dahil sa gawa sa light materials ang mga istrakturang nakatayo na karamihan ay
mga boarding houses.
Ayon pa kay Eldesa nagpapatuloy ang kanilang
imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog dahil mayroon umanong nagsasabi at sa
kanilang inisyal na imbestigasyon ay nagsimula ang apoy sa dingding ng isang
bahay sa lugar.
Tumagal naman ng dalawang oras ang sunog at bandang
4:58AM ito ideneklarang fire out ni Senior Fire Inspector Lorna Parcellano.
Samantala, sa pagtantiya ng BFP nasa apatnapong mga
kabahayan, maliit na establishments at boarding houses ang tinupok ng apoy.