Posted November 28, 2017
Ni
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Kapansin-pansin ngayon ang usad pagong
na daloy ng trapiko tuwing peak-hours sa kalsadahin ng Boracay.
Ito ang sitwasyon na nararanasan ng mga
pasahero at driver tuwing mag-tanghali at dapit-hapon kung saan kumpulan ang
mga sasakyan lalo na sa Manggayad-Ambulong, Craft Intersection, Bolabog
Intersection at Balabag Mainroad.
Komento ng ilang commuters, inaabot na
minsan ng halos isang oras ang biyahe mula Yapak papuntang Jettyport dahil sa
dami ng mga sasakyan na nag-aagawan sa maliit na espasyo ng kalsada.
Sa isang panayam, mariing sinabi ni
Executive Assistant IV Rowen Aguirre na problema sa mga drivers ang dahilan ng
matinding traffic.
Maliban sa mga “Colorum” at mga
sasakyang walang transport, ang kawalan ng “disiplina” ng mga driver ang isa sa
mga rason kung bakit may ganitong sitwasyon.
Ani Aguirre, ipinagpaalam na niya kay
Mayor Cawaling na ibalik ang truck ban simula nitong linggo para mabawasan ang
bigat ng trapiko.
Dagdag pa nito na matagal pa na
magkaroon ng improvement ang mainroad ng isla kung kaya’t hinikayat nito ang
bawat isa na magkaroon ng kaunting disiplina sa sarili.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang operasyon
ng Municipal Transportation Office sa paghuli ng mga sasakyang illegal at
napaso ang permit to transport.