Posted February 19, 2018
Kinumpirma ngayon ni DENR-6 Regional Director Jim
Sampulna na nag-umpisa na silang namigay ng notice of violation sa mga mga
nakitaan ng paglabag lalo na sa mga strakturang itinayo sa forest protected areas o timberland.
Sa pinakahuling inventory report ng DENR, nasa
walong-daan at apatnapu’t dalawa ( 842 ) na residential at commercial
structures ang nasa timberland area na ayon kay Sampulna ay posibleng ipatanggal o bakbakin.
Dagdag pa nito, bagamat mahirap ang pagtanggal sa mga
violators sa forest land ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagbigay ng notice
of violation na umabot na sa limampu (50) dahil ito ang direktiba sa kanya ni DENR Secretary Roy Cimatu.
Napag-alaman din na karamihan sa mga nagpatayo sa mga
bulubunduking bahagi ng Boracay ay Tax Declaration lang ang hawak at kakaunti
lang umano ang may titulo maliban pa sa mga nabigyan ng FLAG-T o Forest Land Use Agreement for Tourism.
Naka-amba rin umanong ipatanggal ang mga nasa mahigit 290
na lumabag sa 25+5 easement regulation na sunod na ring papadalhan ng notice of violation.
Sa usaping sewerage, may darating umano na taga Technical
Working Group para suriin at bungkalin ang drainage network sa Boracay para
malaman kung sino ang iligal na nagpapalabas ng kanilang waste water at kung
ma-didiskobre ay agad na ipasara.
Samantala, kinumpirma rin ng Department of Interior and
Local Government o DILG-6 na darating sila sa isla bukas kasama si Regional
Director Atty. Anthony Nuyda, Pebrero 20 para sa pulong na gagawing ng
Technical Working Group sa Pebrero 21 at inaasahan na dito ihahain ang State of
Emergency na nauna ng ini-rekomenda ng grupo para mapabilis ang pagsasaayos sa
mga problemang kinakaharap ng Boracay.
Ayon sa DILG, and State of Emergency ay paraan para
mabilis na mapondohan ang mga infrastructure project na ilalatag sa Boracay at
sa panahong ito ay isasara ang isla sa loob ng 60-days.