Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Naniniwala si Aklan Governor Carlito Marquez na maaawa na rin ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa pamahalaang probinsiya para sa proyekto ngayon na-indurso na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang 2.6 ektarya na reklamasyon sa Caticlan.
Kasabay nito, umaasa si Marquez na makukumbinsi din ng konseho ang BFI na bawiin ang kasong naisampa nila laban sa probinsiya.
Lalo pa at magkakaibigan naman umano sa totoo lang ang mga stakeholders na ito, ang pamahalaang lokal ng Malay at maging ang pamahalaang probinsiya kaya kampanti ito sa makikibahagi din ng kanilang pagsuporta sa proyekto ang BFI.
Inamin din ng gobernador na sa ngayon ay hindi pa nila nagawang umapela sa grupo ng mga negosyanteng ito sa Boracay.
Ngunit sa oras na mapasakamay na umano nila ang pag-endorsong ibinigay ng SB ay doon na rin nila isusunod ang balak nilang pag-apela sa BFI na bawiin na rin ang kaso.
Magugunitang una nang inihayag ni BFI President Dionesio Salme at Board of Trustee Member ng BFI na si Loubell Cann na wala pa sa plano nila ang pag-bawi sa kaso dahil ang bagay na ito ay napakahirap na desisyunan at ang kaso ay naisampa na.