Posted May 26, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naka- full alert status na ang Aklan Provincial Police
Office bilang tugon sa krisis na hinaharap ngayon ng Marawi City.
Sa panayam ng himpilang ito kay APPO Public Information
Officer SPO1 Nida Gregas, nakahanda na umano ang kanilang hanay at pwede ng
i-deploy anumang oras pagkatapos ng nangyaring gulo sa Mindanao Region.
Nais ng Aklan Police na masiguro ang seguridad at
kaayusan kung saan asahan na umano ang mga gagawing checkpoints para sa
preventive security measures.
Dagdag pa ni Gregas, nais ng pambansang pulisya na
masiguro na mas mapatibay ang vital installations at key economic points,
intensified security patrols, intelligence monitoring, close coordination katuwang
ang AFP counterparts at iba pang law enforcement agencies para sa mga update ng
sitwasyon.
Samantala, ipinaaabot nito sa publiko na maging vigilant,
iwasan din umano ang pagpo-post ng mga impormasyon sa social media habang hindi
pa ito napapatunayan ng sa ganun ay maiwasan ang public panic at agad na
mag-report sa mga hanay ng kapulisan sakaling may mapansing kahinahinalang
galaw o personalidad.
Magugunitang dahil sa pag-atake ng mga teroristang grupo ng
Maute na pinaniniwalaang kaanib na ng ISIS ay nagdeklara si President Duterte ng
Martial Law sa Mindanao.