(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Magandang balita!
May limampung kabataan pa, ang maaaring makapag-aral sa ilalim ng Scholarship Program ng lokal na pamahalaan ng Malay sa kasalukuyan.
Ayon kay Dennis Briones ng Public Employment Services Office o PESO Malay, limang porsiyento pa lamang ang nagagamit sa ngayon, at ang limampung pursiyento o kalahati sa target na bilang na maaaring makabenipisyo nito ay bakante pa ngayon.
Ayon pa dito, ang target nila ngayong taon upang mapag-aral ang mga Malaynon na walang kakayahang makapag-aral ay isang daang estudyante, kung saan pinunduhan ito ng limangdaan at limampung libo na katumbas nito ay limang libo at limampung piso bawat estudyante.
Ang isang daang pursiyentong pinansiyal aniya na tulong na ito para sa mga nais mag-aral ay diretsong ibibigay sa paaralan na ka-tie-up ng LGU Malay.
Makikita rin sa nasabing bayan na nagtuturo ng teknikal katulad ng House Keeping, Food and Breverages Services at House Hold Worker ang para sa mga nais lumabas ng bansa.
Samantala, ang mga kwalipikado naman ay ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa koliheyo pero nakatapos ng High School.
Ayon kay Briones, ang scholarship na ito ay kasama na rin bilang paghahanda sa mga Malaynon sa Technical na abilidad para mapabilang din sa mga empleyado at maipasok sa Boracay.
Kaugnay nito, nabatid din mula kay Briones na sa limampung naka- benipisyo ng libreng pag-aaral, dalawamput-anim dito ay kasalukuyan ng nagsusunog ng kilay o todo sa pagsisikap at ang dalawamput-apat naman ay makakapagtapos na ng pag-aaral.