YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 04, 2017

Paghahanda sa seguridad ng Asean Summit 2017, puspusan na

Posted February 4, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for asean summitPuspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga otoridad para sa seguridad sa nalalapit na ASEAN Summit 2017 na gaganapin sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng himpilang ito kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, ang deployment ng mga na-augment na mga hanay ng pulisya para sa ASEAN ay sa Pebrero 7, limang araw bago ang magaganap na pagpupulong at tatlong araw pagkatapos nito.

Kaugnay rito, may tatlong task group ring binuo kung saan ito ay kinabibilangan ng Security, Peace and Order, at ang emergency preparedness.

Ayon kay Gregas, nasa 1/3 na seguridad ang ilalaan nila ngayon sa ASEAN Summit 2017.

Napag- alamang ang bilang ng VIP’S na dadalo sa nasabing Meeting ay nasa 44 kung saan ang bilang naman ng mga pulisya na na-augment ay 900 kasama na ang PRO- 6.

Nabatid na ang Aklan Police Provincial Office ay mag-dedeploy ng mga pulisya sa jetty ports, paliparan, coastlines, hotels at pangunahing lugar kung saan idadaos ang ASEAN Summit sa Boracay Island, katuwang nila dito ang Unit mula sa Armed Forces of the Philippines, Boracay Action Group at force multipliers na tutulong sa pulis.

Ang mga security teams umano ang magbabantay mula sa airport sa bayan ng Kalibo papuntang Caticlan.

Layunin ng nasabing deployment na maging ligtas, payapa at maayos ang mga gaganaping Summit meetings sa Boracay.

Samantala, ang tema ng gaganaping ASEAN Summit ay “Partnering for Change, Engaging the World.”

Friday, February 03, 2017

Dapat ng aksyunan ang mga insidenteng nangyayari sa water sports activity- Korean Consul

Posted February 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

“Dapat ng aksyunan ang mga insidenteng nangyayari sa water sports activity sa isla”

Ito ang sinambit ni Korean Consul Lee Yongsang nitong Martes sa isang pagpupulong sa isla ng Boracay.
Nandito si Yongsang sa Aklan upang dumalo sa Pre-trial sa kaso ng pagkamatay ng isang Koreano noong Agosto 25, 2015 sa Isla ng Boracay dahil sa Helmet Diving.

Aniya, kilala ang Boracay bilang isa sa dinadayong isla sa bansa kaya kailangan ng karampatang aksyon para sa mga nangyayaring insidente sa kanilang kapwa Koreano dito, lalong-lalo na sa mga water sports activity na kanilang kinukuha.

Nabatid kasi na ang namatay na biktima na si Ho Dong Eom ay sumailalim sa Helmet Diving na kanyang ikinamatay dahil umano sa kapabayaan ng naturang water sports crew kung saan ayon naman sa ama nito na si Peter Eom, hindi ito naniniwala na nilapatan umano ng agarang medikasyon ang kanyang anak kung kaya’t ito ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Image may contain: 6 people, people smiling, people sitting and indoorDagdag pa nito ang pinaka-importante umano ay ang kaligtasan ng bawat isa na sumasailalim sa mga water sports activity, paglapat ng angkop na medical care at ang tamang sistema dito.

Kasama ng Korean Consul ang Ama ng biktima sa ginanap na pre-trial upang makaharap ang tatlong crew na nasa likod ng insidenteng ito.

Samantala, nagpasalamat naman ang tatlong involve sa naturang kaso dahil pinatawad sila ng Ama ng biktima at dismissed na ang kaso sa pagitan nila.

Ang biktima ay kaisa-isang anak ni Peter Eom na kilala bilang Coffee Master sa Seoul, Korea.

Korean Consul nagtungo sa Boracay para sa Pre-tial kaugnay sa namatay na Koreano noong 2015

Posted February 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person, sittingBilang tugon sa nagyaring insidente at pagkamatay ng turistang Koreano na si Ho Dong Eom noong taong 2015 sa Boracay, nagtungo ang Korean Consul na si Lee Yongsang dito upang pag-usapan ang Pre-trial ng kaso.

Kasama ang ama ng biktima na si Peter Eom, nais nilang harapin sa korte ang mga involve sa naturang kaso para malinawan sa mga nangyari  noong Agosto 25, 2015 na ikinasawi ng anak dahil sa Helmet Diving.

Ayon sa Ama ng biktima, hindi umano siya naniniwala na nilapatan ng agarang medikasyon ang kanyang anak dahilan ng kanyang pagkamatay.

Tatlo sa mga staff na nasa aktwal na operasyon noong mangyari ang insidente sa naturang Helmet Diving ang pinatawan ng kaso sa korte ang nandoon para pag-usapan at pagdesisyunan ang kaso.

Samantala ayon naman sa Ama ng biktima hindi siya naghahabol ng anumang pera kundi ang tanging gusto niya lamang dito ay ang taos-pusong paghingi ng patawad mula sa mga taong involve sa kaso.

Ani Eom, madami na umano ang naitatalang mga namamatay na aksidente na kinabibilangan ng mga Korean National ngunit wala pa ring nagbabago sa sistema sa bansa.

Nais nalang nito na maipabatid na bigyang halaga ang seguridad at kaligtasan ng bawat turista na bumibisita sa isla.

Nais din nilang masiguro na maayos ang watersports activity at may maayos na pasilidad para sa mga insidenteng nangyayari at mabilis na aksyon sa mga kaso tulad ng nangyari sa kanila.

Kaugnay nito, ipinaabot ng konsul ng Korea na mahal ng mga Koreans ang Pilipinas kaya dapat din itong mahalin at protektahan ang Koreans sa Pilipinas gaya ng pag-protekta ng Koreano sa Pilipino.

Samantala, dinismissed na ang kaso sa gitna ng ama ng biktima at tatlong helmet divers crew.

Thursday, February 02, 2017

Mag-asawang turista, nagreklamo matapos pagnakawan sa Caticlan Jetty Port

Posted February 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNanlumo ang mag-asawang French at Chinese National na nagsumbong sa Malay Police Station matapos umano itong pagnakawan sa Caticlan Jetty Port.

Sa report ng Malay PNP, kinilala ang dalawang biktima na sina Didier Patrouilleau, 46-anyos at Yutin Niu, 30-anyos.

Salaysay ng biktima sa mga pulis, hinihintay umano nila ang sasakyan papuntang Kalibo International Airport (KIA) ng mapansin nilang bukas na ang kanilang bag at wala na ang kanilang wallet.

Nabatid, na naglalaman ang nasabing wallet ng mga credit card, ID at cash na nag-kakahalaga ng mahigit P30, 000.

Samantala, nakita naman sa CCTV o Close Circuit Television ang suspek na kumuha sa wallet ng biktima subalit malabong matukoy ang mukha nito dahil sa malabong kuha.

Ang mag-asawa ay nagbakasyon sa isla ng Boracay at pabalik na ang mga ito sa kanilang bansa nang mangyari ang nasabing pagnanakaw.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Malay PNP hinggil sa nasabing insidente.

Phase 1 ng Boracay Hospital, binuksan na

Posted February 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 2 people, indoor
Pagkatapos ng mahigit dalawang taong renovation, nakatakda ng buksan para magbigay ng serbisyo sa isla ng Boracay ang Phase 1 ng Ciriaco S. Tirol Hospital.
Ang proyekto na pinondohan ng Department of Health o (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay inabot ng mahigit isang taong renovation para sa pag-upgrade ng ospital.

Ang inagurasyon ng nasabing ospital ay pinangunahan ni Governor Florencio Miraflores, Malay Mayor Ceciron Cawaling, Anita Aguirre, Ruth Jarantilla, representante mula sa DOH at Lily Ann Eslabra Medical Officer 4 ng bagong ospital.

Sa  pagbubukas ng bagong ospital sa Boracay, malaking hamon ito ngayon sa mga Staff at Doctor dahil ayon nga mismo sa Gobernador, mataas umano ang inaasahan na serbisyo sa bagong ospital na ito lalo na’t ito ay isang First-Class na ospital sa isla.

Kaugnay nito, tatlong doctor at labing isang nurse ang meron ngayon sa naturang ospital kung saan naghahanap parin sila ngayon ng dalawang doktor at nurses na aplikante.

Ayon pa kay Miraflores, patuloy pa rin ang ginagawang construction para sa Phase 2 at 3 ng ospital kaya hindi pa ito pweding magamit.
Itong ospital ay hindi lamang sagot sa mga mamamayan ng Boracay kundi sagot rin sa matagal ng inaasam ng mga Malaynon para sa mas agarang medikasyon.

Ang serbisyong hatid ng phase 1 ay para sa mga Out Patient Department o emergency cases.

Basura sa isla, matinding problema

Posted February 2, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for basuraTaon- taon na lamang nagiging usapin sa isla ng Boracay ang problema sa basura na siya ring ini-rereklamo ng mga residente dito.

Nabatid na nito lamang nakalapas na araw, isa umano sa mga guro at maging mga magulang ng Manoc-Manoc Elementary School ang nagreklamo hinggil sa mga basura na siyang nagiging dahilan sa pagka-antala ng kanilang klase, maging ang epekto nito sa kalusugan ng mga ito dahil sa amoy na nagmumula sa dump site.

Ang mga nakokolektang basura kasi sa buong isla ay idini-deretso sa dump site sa Manoc-Manoc para sa  segregasyon nito kung saan ito ay lalagyan ng deodorizer.

Bagong pampublikong Sea craft, binuksan na sa publiko

Posted February 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naglayag na para magbigay serbisyo publiko ang bagong Sea Craft na may biyaheng Boracay-Caticlan vice versa.

Ang Sea Craft na Boracay Express ay pinasinayaan kahapon Pebrero a-uno, kung saan naging bisita dito si Mayor Ceciron Cawaling at mga Stakeholders sa isla ng Boracay.

Sa interview ng himpilang ito sa may-ari nito na sina Singaporean Alvin Lim at Antonio Ouano Jr., nagsimula ang paglayag ng bagong Sea Craft sa isla alas-7 ng umaga kung saan merong mahigit 500 pasahero ang pinasakay dito ng libre.

Ayon kay Ouano, dalawang Sea Craft ang kasalukuyang naglalayag sa isla at kung sakaling maging maganda aniya ang epekto nito sa mga residente at turista, ay posibleng dadagdagan nila ito.

Ayon pa kay Ouano, tiniyak nila na maging komportable ang sasakay dito, dahil  kumpleto ito sa gamit, may magandang akomodasyon sa mga PWD’s, at nakalaang comfort room.

Mayroon itong  sampu hanggang labin-dalawang crew, habang nasa 200 naman ang kapasidad na pasahero nito na maaaring okupahin ang labasang area, kung saan ang apatnapu na mga pasahero ay maaaring pumwesto sa first class room na mayroong aircon.

Kaugnay nito, may ticketing booth sila na nakalagay sa Cagban at Jetty Port.
Ang presyo ng kanilang ticket ay 35 sa mga , 75 sa walk-in at ibang presyo naman sa mga magpapa-booked na mga hotel sa kanilang bisitang turista.

Ayon kay Ouano, hindi umano sila nakikipag-kompitensya sa mga local boats, kundi ang purpose lamang umano nila ay ang consistency ng biyahe sa isla at bigyan din ng opsyon ang mga pasahero lalo na ang mga turista na dagsaan tuwing magsimula na ang peak season.

Limampu’t limang Police-NCO at dalawang hepe sa Aklan, na-promote

Posted February 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Aklan Police Provincial Office (APPO)Limampu’t limang mga Police Non-Commissioned Officer (PNCO) ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang ginawaran ng mataas na rangko nitong Lunes ng umaga sa Camp Pastor Martelino, Brgy. New Buswang, Kalibo.

Kinabibilangan ito ng 24 na PO1, pito na mga PO2, labing-apat na PO3, siyam na SPO1 at isang SPO3 kung saan pinangunahan ang seremonya at donning of ranks ni PSupt. Pedro Enriquez, Deputy Provincial Director for Admin and Operation.

Samantala, na-promote din ang dalawang hepe na si PInsp. Ryan Panadero ng Tangalan Municipal Police Station at PInsp. Willian Aguirre, ng Buruanga bilang Police Senior Inspector kung saan naganap ang ceremony sa Police Regional Office 6 ng kapareho ring araw.

Kaugnay nito, binati at pinasalamatan ni APPO Provincial Director PSSupt. John Mitchell Jamili ang mga bagong promote na pulis dahil sa kanilang ipinamalas na galing pagdating sa kanilang trabaho.

Tuesday, January 31, 2017

Philippine Ports Authority at Provincial Government ng Aklan, nagkasundo sa 90 at 10% sharing

Posted January 31, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagkasundo ngayon ang Provincial Government ng Aklan at Philippine Ports Authority o (PPA) sa 90 at 10 percent sharing ng kanilang kita.

Pahayag ito ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang sa himpilang ito, kaugnay sa naganap na Memorandum of Agreement ng Probinsya at Philippine Ports Authority o (PPA) nito lamang nakaraang linggo.

Mismong Manager ng Philippine Ports Authority na si Atty. Jay Daniel Santiago at Gov. Joeben Miraflores ang naging bisita sa naturang MOA signing kung saan naging representante rin DITO ng LGU-Malay si Vice Mayor Abram Sualog.

Bukod dito, dinaluhan ito ng Sangguniang Panlalawigan Aklan, Barangay Officials ng Caticlan at Boracay at iba pang ahensya.

Nabatid na base sa pinirmahan na kasunduan ng  Jetty Port 90 at 10% ang kanilang sharing dito kung saan ang 90% umano ay sa probinsya habang ang 10% naman ay mapupunta sa PPA.

Nakapaloob rin dito na ang development sa mga gagawing imprastraktura ay gagastusan umano ng Probinsya sa loob ng apat na taon.

Kaugnay nito, dati na umano nagpalabas ng Board of Resolution ang Philippine Ports Authority o (PPA) na may 50-50 na sharing sa kita sa lahat ng seaports sa bansa.

Caticlan Jetty Port, nasa ilalim na ng Pamunuan ng Aklan Provincial Capitol

Posted January 31, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo,YES FM Boracay

Nasa ilalim na ng pamunuan ng Aklan Provincial Capitol ang Caticlan Jetty Port matapos ang nangyaring MOA Signing sa gitna ng Philippine Ports Authority at Provincial Government ng Aklan.

Dinaluhan naman ito ni Vice Mayor Abram Sualog ng bayan ng Malay.

Nabatid na ayon sa kasunduan, responsibilidad na ng Pamahalaan ng Probinsya ang pagpapa-unlad sa mga imprastraktura sa lugar.

Ang Philippine Ports Authority (PPA) ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na siyang nangunguna sa pagpa-plano at pag-unlad ng seaports ng bansa.

Monday, January 30, 2017

Anti- smoking ordinance sa bayan ng Kalibo, nais iparating sa mga eroplano

Posted January 30, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for anti- smoking ordinance
Lalo pang pa-igtingin ngayon ang kampanya ng anti- smoking ordinance sa bayan ng Kalibo sa paraan ng pag-a-anunsyo nito sa lahat ng mga eroplanong lumalapag sa Kalibo International Airport .
Ito ay matapos na ipasa sa Sangguniang Bayan ang isang resolution ng pag-play ng informative in-flight advisory sa lahat ng mga eroplanong bumibiyahe sa Kalibo para na rin maiparating sa mga ito ang impormasyon may kinalaman sa implementasyon nito.

Magugunitang nag-apela ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa publiko kaugnay sa pagbabawal ng paninigarilyo bilang tugon na rin sa kanilang ordinansa na “no smoking policy”.

Samantala, ayon naman kay Kalibo Mayor William Lachica, ang ordinansa na “no smoking policy”ay magkakabisa sa buwan ng Marso.