YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 23, 2016

Eskedyul para sa gaganaping Brgy. at SK election, inilatag ng Comelec Malay

Posted July 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for comelecInilatag ngayon ng Commission on Election (COMELEC) Malay ang eskedyul para sa gaganaping Brgy. at Sangguniang kabataan (SK) election sa Oktobre.

Sa panayam ng himpilang ito kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, mag-uumpisa umano ang election period sa Oktubre 1-7, habang ang filing ng COC naman ay sa Oktobre 3-5, at ang election campaign ay sa Oktobre 21 hanggang 29 at ang election day ay sa Oktubre 31.

Samantala, ang filing ng SOCE ng mga kumandidato ay sa Nobyembre 30, sa kabila nito inaasahan naman ng Comelec Malay na maraming magpapa-rehistrong botante ngayong election.
Paalala naman ni Cahilig sa mga residente na hindi sila tumatanggap ng mga transfer for registration kung saan prayoridad nila ngayon ang mga bagong botante.

OJT student sa Boracay, nabiktima umano ng holdaper

Posted July 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for holdupNagpasaklolo ang isang OJT student sa Boracay PNP matapos umanong mabiktima ito ng holdaper sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc-manoc kaninang madaling araw. 

Salaysay ng biktima na si Jacob Lopez, 18-anyos ng Laguna City sa mga pulis, naglalakad umano siya sa mainroad ng nasabing lugar ng lapitan siya ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at tinanong kung sasakay ito.

Subali’t tumanggi naman ang biktima kung saan nag-usap naman umano ang dalawang suspek at walang kadahi-dahilan ay sinuntok ng isa sa mga suspek sa mukha ang biktima at agad na kinuha ang pera nitong na nagkakahalaga ng P 4,500, relo at ang kanyang sing-sing.

Sa ngayon ang kaso ay ini-refer na sa Intel Section ng Boracay PNP para imbestigahan kung sino ang nasa likod ng nasabing insidente.

Peace, Order at Security Update, ilan sa mga pinag-usapan sa 2nd Boracay Integrated Security Coordinating Conference

Posted July 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by BTAC 
Peace, Order at Security Update ilan lamang ito sa mga pinag-usapan sa 2nd Boracay Integrated Security Coordinating Conference na ginanap kahapon sa La Carmela De Boracay.

Si Boracay PNP Chief PSInsp Nilo Morallos ang siyang nanguna sa nasabing diskusyon para sa isla ng Boracay kasama na ang bagong accomplishments ng BTAC sa Campaign Against Illegal Drugs at Wanted Persons, Best Practices at Boracay Integrated Security Deployment Plan and Contingency Plan sa limang magkaibang senaryo.

Ang mga opisyal naman ng National Intelligence Coordinating Agency 6 ay nagprisenta ng bagong Threat Assessment Update kasama rito ang Status ng West Philippine Sea, isyu ng Terrorism, Insurgency at illegal Drugs.

Maliban dito ipinakita naman ni Commodore Leonard Tirol, Adviser ng Boracay Action Group ang aktibidad ng BAG at Accomplishments sa pamamagitan ng video presentation.

Ilan naman sa mga naging panauhin sa nasabing Conference ay sina PCSupt Jose Gentiles,  Acting Regional Director ng PRO 6; BGen Harold Cabreros, Commanding General 3ID Philippine Army; at NICA 6 Regional Director Col Aldred Limoso, LGU Malay at iba pang PNP Officials sa Rehiyon at gobyerno.

Samantala, nagpasalamat naman si Gentiles at Cabreros sa LGU-Malay dahil sa ipinakitang hospitality bilang host habang hinikayat naman nito ang mga partisipante lalo na ang business sectors na suportahan ang gobyerno sa kanilang laban kontra sa lahat ng masasamang elemento.

Probinsya ng Aklan may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancies sa Western Visayas

Posted July 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ang probinsya umano ng Aklan ang may pinakamataas na kaso ngayon ng teenage pregnancies sa Western Visayas.

Ito ang sinabi ni Paul Adrian Pelayo, Adolescent and Youth Development Program focal person ng Aklan Provincial Population and Gender Office (AkPPGO).

Nagpapakita umano na noong 2015, ay merong kabuuang total na 1,566 teenage pregnancies sa probinsya, habang noong 2014, ay meron namang 1,514 ang nai-rekord ang ahensya.

Ayon dito ang age group umano na may mataas na kaso ay mula sa 10 taong gulang hanggang 19-anyos kung saan isa umano itong napaka crucial na edad mula sa napakabatang babae.

Ito din umano ang dahilan kung bakit ang mga babae ngayon ay nahaharap sa napakaraming hamon sa kanilang buhay sa kaso ng teenage pregnancies dahil sa nawawalan umano ang mga ito ng pagkakataong makapag-aral, problema sa kalusugan at kawalan ng trabaho.

Samantala, sa ngayon umano sa Southeast Asia, ang lahat ng bansa ay mayroong mababang numero ng teenage pregnancies maliban na lamang sa Pilipinas.

Friday, July 22, 2016

Regular Session ng SP, gaganapin na tuwing Lunes

Posted July 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Inilipat na tuwing araw ng Lunes ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Session ng bagong administrasyon sa probinsya ng Aklan.

Ito ay base sa naaprobahang Internal Rules of Procedures ng 17th Sangguniang Panlalawigan.

Gaganapin ang regular session tuwing alas-3 ng hapon mula sa dating alas-9 ng umaga.

Nabatid na inanusyo ng bagong Bise Gobernador na si Reynaldo Quimpo ang Internal Procedures noong Inaugural Session Hulyo 13 taong kasalukuyan.

Samantala sa ginanap na 2nd regular session ng SP nitong Lunes ay inilatag naman ng SP Officials ang komitiba na hahawakan nila.

SB Member mula sa isang bayan sa Aklan, patay ng matagpuan sa isang Pension House

Posted July 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for deadTanging boxer short na lamang ang suot ng isang SB member mula sa ibang bayan sa Aklan ng matagpuan na wala ng buhay sa kwarto ng isang pension house sa bayan ng kalibo kagabi.

Ayon kay Kalibo PCINSP. Ulysses Ortiz, chief ng Scene of the Crime Operatives, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa Kalibo PNP na mayroong nakitang patay na lalaki sa isang pension house na agad naman nilang nirespondihan.

Sa imbestigasyon ng SOCO bandang alas-12:15 ng tanghali ng mag-check in ang SB Member kasama ang isang babae sa loob ng tatlong oras.

Makaraan ang tatlong minuto ay lumabas umano ang babae base sa nakita sa CCTV ng pension house kung saan hindi na ito dumaan sa reception area.

Bandang alas-8 kagabi ng magtaka ang mga empleyado na hindi parin nakalabas ang SB Member at lumagpas na umano ito sa tatlong oras na kanyang binayaran.

Dito na pinuntahan ang kwarto ng biktima at sa pagbukas ng room-boy sa pinto ay doon tumambad ang patay at nakatihayang biktima na soot lamang ang boxer at nakakalat na sa sahig ang mga damit nito na wala manlang nakitang mga sugat sa katawan.

Samantala, hiniling naman ngayon ng pamilya ng biktima na huwag na munang pangalanan ang SB member na nasa edad 52-anyos.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng SOCO tungkol sa nangyaring insidente habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng babaeng nakasama nito.

RD ng PRO-6 personal na dumalo sa 2nd Boracay Island Integrated Coordinating Security Conference

Posted July 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Personal na dumalo sa ginanap na 2nd Boracay Island Integrated Coordinating Security Conference si Acting Regional Director of Police Regional Office 6 PCSupt Jose Gentilles sa La Carmela de Boracay Hotel and Convention Center kaninang umaga.

Kasama nito sa mga dumalo sina BGen. Harold Cabreros, Commanding General ng 3rd ID Phil Army at Col Aldred Limoso (Ret), NICA 6 Director.

Mainit naman ang mga itong sinalubong ni BAG Adviser Commodore Leonard Tirol, BTAC PSInsp Nilo Morallos, TGB-Phil Army Commander Capt. Niño Tornalejo at Boracay Aqua Sports Asstn VP Russell Cruz sa pagdating nila kahapon sa isla ng Boracay.
Dumalo din sa nasabing conference ang ibat-ibang organic agencies mula sa Western Visayas, at LGU-Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling kasama ang ibang stakeholders at ilang miyembro ng Boracay Action Group.

Ang naturang conference ay naka-pokus naman sa peace, order at security update ng isla ng Boracay.

Para iwas traffic mga butas-butas na kalsada sa Boracay aayusin

Posted July 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalsada sa boracay
“Iwas dito, iwas doon.”

Ganito ang kadalasang ginagawa ng mga sasakyan sa mga sira-sira at butas-butas na mga kalsada sa isla ng Boracay.

Sa isang pulong nitong Lunes sinabi ni Executive Assistant II Rowen Aguirre ng Office of the Mayor na aayusin nila ito kasabay ng re-routing upang hindi na maabala ang mga motorista.

Nabatid kasi na isa sa mga problema sa Boracay ay ang mga sira-sirang kalsada na siyang nagpapabagal sa mga sasakyan hanggang sa magkakaroon ng trapiko.

Kaugnay nito nakipag-ugnayan naman si Aguirre sa Boracay Island Water Company (BIWC) para sa gagamiting bakal na pantakip sa aayusing kalsada upang tuloy-tuloy paring magamit ang daan kahit hindi pa tuyo ang semento.

Samantala, ang re-routing ay magsisimula na ngayong Martes at inaasahang magtatapos hanggang sa ikalawang linggo ng Agosto.

Boarding house ng mag-live-in partner, nilooban ng magnanakaw

Posted July 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nilooban ang bahayIsa na namang ngayong boarding house ang nilooban ng magnanakaw sa Sitio Tulubhan Manoc-manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang nag-rereklamo na si Romel Berina, 35-anyos residente ng Negros Occidental habang ang suspek naman ay kinilalang si alyas Bito.

Salaysay ng biktima sa mga pulis nakita umano ng kanyang live-in partner na pumasok ang suspek sa loob ng kanilang kwarto at binuksan ang kanilang bag kung saan tinanong naman umano nito ang suspek kung ano ang ginawa nito sa loob ng kanilang kwarto.

Dahil dito, agad naman siyang ginising ng live-in partner nito at ng suriin nila ang laman ng kanilang bag ay nawawala na ang perang mahigit P1 libong piso.

Nabatid na kinumpronta ng biktima si alyas Bito sa nangyaring insidente subali’t ikinagalit naman niya ito at itinangging hindi siya ang kumuha ng pera.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa lugar kung saan hindi na nila mahagilap ang kinaruruonan ng suspek.

Thursday, July 21, 2016

Lalaki patay matapos barilin ng riding in tandem

Posted July 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for investigationBinaril-patay ang isang lalaki ng mga sinasabing riding in tandem sa San Isidro, Ibajay, Aklan pasado alas-8 kagabi.

Sa report ng Ibajay PNP, papauwi na umano ang biktima na si Joseph Espirito, 25-anyos mula sa isang birthday ng pinag-babaril ito ng hindi pa makilalang mga suspek.

Nabatid na habang pinapa-andar ng biktima ang kanyang motor ay bigla nalang itong pinagbabaril ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo kung saan tumama ito sa kanyang likod.

Samantala, sinubukan pang i-revive si Espirito ng mga doktor sa Ibajay District Hospital subali’t makalipas ang ilang minuto ay binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Ibajay PNP kung sino at ano ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

Bilang ng mga sumukong drug personality ngayon sa Aklan, nasa mahigit 1 libo na

Posted July 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dahil sa ekstensyon ng mga pulis para sa pagsugpo ng mga drug personality sa probinsya ay nadagdagan pa ngayon ang mga sumuko dito.

Nabatid kasi na kung hindi umano sumuko ang mga ito, lalong-lalo na ang mga nasa drug watchlist ay pinapasumite sila ng report kung bakit hindi nila ito nakumbinse.

Sa pakikipag-ugnayan kay PO3 Nida Gregas, Public Information Officer (PIO) ng Aklan Police Provincial Office (APPO) nasa 1,182 na ngayon ang mga sumukong gumagamit  at nagtutulak ng iligal na droga.

Nabatid na kahit tapos na ang programang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Philippine National Police (PNP) ay pwede paring sumuko ang mga drug personalities subali’t sila na mismo ang pupunta sa kanilang abogado para mag-file ng kanilang affidavit katulad sa ginawa ng mga sumukong drug surenderees.

Malaysian national nagtamo ng hip dislocation dahil sa cliff diving activity

Posted July 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Boracay Action Group photo
Hindi naging matagumpay ang pagtalon ng isang turistang Malaysian national sa ginawa nitong cliff diving activity sa Magic Island katabi ng isla ng Boracay kahapon ng alas-3:15 ng hapon.

Ito’y matapos makaramdam siya ng sobrang pananakit ng likod o Hip dislocation makaraang talunin nito ang 10 metrong taas ng cliff diving sa nasabing isla.

Ayon kay PO1st Condrito Alvarez ng Philippine Coastguard Boracay, agad nilang nirespondihan ang biktima gamit ang kanilang rubber boat at dinala sa Tambisaan Port kung saan sinakay naman ito sa ambulansya ng BFRAV at dinala sa AMC Clinic.

Ang biktima ay kinilalang si Josephine Chew 34-anyos na agad namang nakalabas ng ospital matapos masuri ng doktor ang kanyang kundisyon.

Nabatid na hindi umano maganda ang pagtalon ng biktima kung kayat nagtamo ito ng seryosong pananakit ng likod.

Ang cliff diving ay isa ngayon sa mga itinuturing na delikadong aktibidad dahil sa maaari kang madisgrasya kung hindi tama ang iyong pagtalon sa tubig.

Caticlan ES nagpasaklolo sa maputik at binabahang daanan ng paaralan

Posted July 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpasaklolo sa pamamagitan ng pag-post ng larawan sa facebook account ang ilang guro ng Caticlan Elementary School sa bayan ng Malay.

Hiling ng mga ito na sana ay masemento ang kanilang dinadaanan sa gilid ng Caticlan Airport na kung saan ay nararanasan umano ng mga ito ang grabeng putik tuwing tag-ulan.

Maliban dito, bingi na umano ang mga guro at estudyante sa tuwing mayroong paparating at papaalis na eroplano sa paliparan.

Nabatid kasi na balak sanang e-relocate ang naturang paaralan dahil nga sa ingay na dinadala rito ng mga eroplano na katabi lang ng paaralan.

Wednesday, July 20, 2016

Dahil sa sunod-sunod na brown-out sa Boracay, AKELCO at NGCP isasalang sa SB Session

Posted July 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for brown out
Pagkasira ng mga appliances, perwesyo sa mga turista at mga negosyo, ilan lamang ito sa mga daing ng mga residente at stakeholders sa Boracay dahil sa sunod-sunod na nararanasang brown-out sa isla.

Sa 3rd regular SB Session ng Malay nitong Martes, hindi pinalagpas ni SB member Nenette Aguirre Graf sa kanyang privilege speech ang sitwasyon ng operasyon ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa isla.

Dahil dito naglabas ng motion si Aguirre na naglalayong imbitahan ang service provider na National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) at ang distributor na AKELCO sa araw ng Martes para sa isasagawang imbestigasyon.

Ayon kay Aguirre nais niyang magkaroon ng presentasyon ang Akelco tungkol sa kanilang mga plano para sa Boracay at kung bakit nga ba nangyayari ang sunod-sunod na brown-out.

Nabatid kasi na patay-sindi ang ilaw sa Boracay na siyang dahilan ng pagkasira ng mga appliances lalo na pagsapit ng gabi kung saan buhay na buhay ang negosyo sa isla.

Petro Wind Energy muling ipapatawag sa Session ng Malay

Posted July 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pattern wind energy aklanNakatakdang ipatawag sa susunod na SB Session ng Malay ang kumpanya ng Petro Wind Energy tungkol sa kanilang itinayong windmill sa bayan ng Nabas at sa Napaan sa Malay.

Sa 3RD Regular SB Session ng Malay kahapon, naging privilege speech ni SB member Dante Pagsuguiron ang tungkol dito kung saan concerned nito ang mga ilog na naapektuhan ng windmill project.

Ayon kay Pagsuguiron nais niyang humingi ng update sa naturang kumpanya kaugnay sa water discoloration na umpekto sa mga ilog sa nasabing lugar.

Nabatid na dalawang ilog ang natamaan ng itinayong windmill sa Napaan kung saan nangako naman ang nasabing kumpanya na gagawan nila ng paraan ang water discoloration sa mga ilog.

Matatandaang ipinatawag na rin noong nakaraang taon sa Session ang Petro Wind Energy dahil rin sa nasabing kaso kung saan ilang residente ay nagreklamo dahil sa hindi na nila magamit ang kanilang ilog dala ng kulay putik na dumadaloy mula sa construction.

Ang windmill ay itinayo bilang pandagdag suplay ng kuryente sa probinsya ng Aklan lalo na sa isla ng Boracay.