YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 13, 2016

ANCOP-USA, nagsagawa ng medical mission sa tatlong bayan sa Aklan

Posted February 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagsagawa ngayon ang “Answering the Cry of the Poor” (ANCOP) USA ng Surgical at Medical mission sa tatlong bayan sa Aklan.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Aklan at sa pangunguna ni Governor Joeben Miraflores, Congressman Ted Haresco at Vice Governor Billie Calizo-Quimpo.

Layunin umano ng nasabing (ANCOP) ng couple of Christ ay para matulungan ang mga taong mahihirap na hindi kayang magpagamot.

Nabatid na ang nasabing Medical Surgical Mission ay bukas para sa lahat ng mga Aklanon kung saan libre ang operasyon kagaya ng minor surgical katulad ng cysts at breast mass sa major surgical cases naman ay goiter, gallstone, mayoma, uterine prolapsed, ovarian cyst, ovarian mass at hernia.

Ang Medical mission ay ginawa sa tatlong bayan sa Aklan na kinabibilangan ng Altavas, Batan at Balete na nag-umpisa noong Pebrero 11 at magtatapos bukas Pebrero 14, 2016.

Lalaki patay, matapos bumunggo ang minamanehong motorsiklo

Posted Febuary 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patayWala ng buhay ang isang lalaki matapos bumunggo ang minamaneho nitong motorsiklo sa Sitio. Ambulong, Boracay Manoc-manoc kaninang 2:15 ng madaling araw.

Nakilala ang namatay na si Eric Lorenzo 37-anyos habang sugatan naman ang angkas nitong si  Dande Padayao 40- anyos.

Sa report ng Boracay PNP, papauwi na umano ang dalawa mula sa isang bar ng bigla bumunggo ang kanilang sinasakyan sa isang semento sa gilid ng kalsada.  

Mabilis namang naisugod ang dalawang sa pinkamalapit na pagamutan para mabigyan ng karampatang medikasyon ngunit idiniklara namang dead on arrival si Lorenzo habang si Padayao ay ini-refer ng mga doktor sa isang ospital sa Bayan ng Kalibo.

Napag-alaman na lasing ang driver na si Lorenzo ng maganap ang aksidente na siya namang naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Mock Election sa Balabag Boracay, bahagyang nagka-aberya

Posted February 13, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Bahagyang nagkaroon ng pagkaantala ang ginawang Mock election ng Commission on Election (Comelec) sa Brgy.Balabag isla ng Boracay kaninang umaga.

Itoy matapos magka-aberya ang dalawang Voting Counter Machine o (VCM) kung saan isinusuka nito ang mga balota dahil sa naglihis na maliit na bakal sa loob o scanner kung saan dadaan ang mga balota.

Makalipas ang isang oras ay agad namang naayos ng mga technician mula sa Comelec national office ang naturang machine kung saan nagtuloy-tuloy naman ang pagboto ng isang daang mga botante.

Sa kabila nito humingi naman ng paumanhin si Election Officer ng Buruangga at ngayon ay acting officer ng Malay na si Antero Arboleda sa mga botante dahil sa nasabing aberya kung saan posible din umanong maranasan ang ganitong sitwasyon sa May 9 eleksyon kung hindi agad maisasayos.

Samantala, present naman sa nasabing Mock election ang Comelec national office, BEI, Watcher, Smartmatic at PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting para saksihan ang paghahanda sa nalalapit na halalan.

Paghinto ng sahod ng BFRAV ipinaliwanag ng LGU Malay

Posted February 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for salaryNaglabas ngayon ng paliwanag ang Human Resource (HR) Department ng Local Government Unit ng Malay kaugnay sa pagtigil sa pagbibigay ng sahod ng ilang staff ng BFRAV ng Boracay Action Group (BAG).

Ayon kay LGU Malay HR Head Dinky Maagma, hindi pa umano kasi naaprobahan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang budget sa mga nasabing staff kung kaya kinakailangan munang ipinatigil ang kanilang serbisyo.

Sinabi nito na huling nakatanggap ng sahod ang BFRAV na kinabibilangan ng tatlong nurse, ambulance driver at ambulant speedboat captain nitong Enero 15.

Tiniyak naman nito na sakaling matapos na ang deleberasyon ng SB para sa kanilang sahod ay maibabalik naman ito sa normal.

Sa kabila nito ikinalungkot naman ni Commodore Leonard Tirol, Adviser/Consultant ng Boracay Action Group ang nasabing balita.

Sa ngayon 24/7 parin ang operasyon ng mga medical responders matapos magbigay si Commo Greg Barnes ng PCGA ng (P80, 000) bilang sweldo sa mga ito sa loob ng isang buwan habang inaantay din ang tulong mula kay Governor Miraflores para maipagpatuloy ang operasyon.

Bagong sistema sa Cagban at Caticlan Jetty sumailalim na sa dry run

Posted February 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nitong nakaraang Huwebes ay sumailalim sa dry run ang ibat-ibang force multipliers sa isla ng Boracay para sa bagong sistema sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Ito ay pinangunahan naman ng BFRAV ng BAG, Municipal Auxiliary Police, Philippine Army, Boracay PNP, Maritime Police at iba pang organic group sa isla.

Dito sinanay ang mga nakapilang pasahero kung papano mag fill-up sa Manifesto habang wala pang bangka na siyang regulasyon naman na itinakda ng Marina sa ilalim ng implementasyon ng Philippine Coast Guard.

Maliban dito binigyan ng color coding na card ang mga pasaherong nakapila habang paparating palang ang bangka na kanilang sasakyan para sasakay nalang ang mga ito at agad na magde-depart.

Nabatid kasi na ang dating sistema sa nasabing pantalan ay pipila pa ang mga pasahero habang wala pang bangka at kung sasakay na rin ang mga ito ay saka palang papasulatin sa manifesto na inaabot ng ilang minuto bago makaalis.

Samantala ang bago umanong planong ito ay gagawin lamang sa tuwing rush hour at kung marami ang dagsa ng pasahero para hindi na sila abutin ng mahabang oras sa pantalan.

Friday, February 12, 2016

Dalawang Chinese National, sugatan matapos mabangga ng truck ang sinasakyang service

Posted February 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit: RB Bachiller
Sugatan ang mag-asawang Chinese National matapos na mabunggo ng truck ang kanilang sinasakyang service sa Balabag, Boracay kaninang alas 2:30 ng hapon.

Sakay ang mag-asawa kasama ang tatlo pang kaanak at tour guide ng mga ito sa isang pampasaherong sasakyan sa Boracay papuntang Puka Beach ng aksidenteng mabangga ang mga ito ng nakasalubong na truck.

Base sa salyasay ng tourguide ng mga biktima, mabilis umano ang naging impact ng pagbangga na naging resulta ng pagkasira sa harapan ng sasakyan habang hindi naman umano nadamay ang driver nito.

Nagtamo naman ng sugat sa kanyang kaliwang kilay si Huang Ya Qin 50-anyos na agad namang isinailalim sa anim na tahe sa pinagdalhang pagamutan sa Boracay kung saan ang asawa naman nito ay nagtamo din ng gasgas sa kanyang binte.

Samantala, inimbitahan naman ng Boracay PNP ang driver ng truck para sa embistigasyon kung saan hindi naman umano magsasampa ng kaso ang mga biktima.

Ika-limang anibersaryo ng pagbalik ng imahe sa grotto ginunita

Posted February 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Napuno ng mga deboto ng Mahal na Birheng Maria ang harapan ng Boracay Rock kagabi matapos gunitain ang 5th year anniversary nito.


Magmula sa Balabag Holy Rosary Parish Church ay iprinosisyon ang imahe ng Mahal na Birhen papunta sa nasabing grotto saka nagkaroon ng taimtim na pagdarasal bago ibinalik ang imahe nito sa Boracay Rock.

Nabatid na kahapon ng umaga ay sumailalim muna sa construction ang grotto kung saan muling inayos ang lalagyan ng imahe ng virgin Mary.

Bago mailagay sa kanyang lalagyan ay nagkaroon muna ng candle lighting ang mga deboto nito at ibat-ibang idibidwal kung saan maging ang mga turista ay nakisali na rin sa nasabing religious activity.

Maalalang ninakaw noong taong 2014 ang imahe ni Virgin Mary kung kaya pinalitan ito ng bago ng mga namamahala sa simbahan ng Boracay.

Samantala, nagtapos ang okasyon sa makulay at nakakamakhang fireworks display na sinabayan ng pagdarasal ng mga nagmamahal sa grotto at sa isla ng Boracay kung saan ito rin ang isa sa mga tanyag na landmark ng isla.

Buong probinsya ng Aklan at isla ng Boracay apektado ng brownout ng NGCP bukas

Posted February 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for NGCP
Anim na oras umanong makakaranas ng brownout ang buong probinsya ng Aklan kabilang na ang isla ng Boracay bukas araw ng Sabado.

Ito ay dahil sa magkakaroon ang National Grid Corporation (NGCP) ng de-energize 138KV Panit-an-Nabas at associated feeders sa Panit-an at Nabas substations.

Ayon kay Engr. Pedro Nalangan, IV OIC General Manager ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO), magsisimula umano ang power outage ng alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Maliban sa Aklan apektado din umano dito ang dalawang bayan sa Antique na kinabibilangan ng Pandan at Libertad kung saan sa Akelco rin ang mga ito kumukuha ng suplay ng kuryente.

Samantala, tiniyak naman ng Akelco na agad na ibabalik ang suplay ng kuryente sa sandaling matapos ang nasabing pagdi-de-energize.

Puka Beach muling kinilala ng Conde Nast bilang isa sa pinakagandang Beach sa buong mundo

Posted February 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for puka beachMuli na namang kinilala ang Puka Beach sa Yapak sa isla ng Boracay bilang isa sa pinakamagandang beach sa buong mundo.

Pasok ang Puka Beach sa pang-13 puwesto sa Top 20 most beautiful beaches in the world base sa survey ng Conde Nast Traveler.

Nanguna naman rito ang El Nido Palawan sa Pilipinas na sinundan naman ng Honokalani Beach, Wai'anapanapa State Park, Maui.

Ang Puka Beach ay tanyag sa pagiging magandang beach dahil sa makikita ito sa isla ng Boracay at sa napakalinaw na tubig dagat kung saan tahimik lamang ito at walang makikitang imprastraktura katulad ng long beach ng Boracay.

Thursday, February 11, 2016

Comelec Malay may paalala sa mga mangangampanyang pulitiko

Posted February 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

May paalala ngayon ang Commission on Elections (Comelec) Malay sa mga mangangampanyang kandidato sa local position sa darating na March 25, 2016.

Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, ito umanong paalala nila ay hinggil sa mga bawal pagkabitan ng mga streamers, posters at kung ano pang gamit para sa pangangampanya ng mga pulitiko sa darating na halalan.

Aniya, ang mga bawal umanong paglagyan na mga lugar ay patrol cart, waiting shed, tulay, side walk, government agencies, public utility vehicle at motorsiklo.

Sinabi pa nito na pwede namang maglagay ng posters o streamers sa mga pribadong lugar kung may pahintulot ng may-ari nito.

Layunin umano nito na mapanatiling malinis ang lugar kung saan may itinalaga namang mga lugar kung saan puwideng maglagay ang mga pulitikong mangangampanya kagaya ng public plaza sa lahat ng brgy. sa Malay.

Sa kabila nito, umaasa naman si Cahilig na susundin ng mga tatakbong kandidato ang mga patakaran na inilabas ng Comelec.

BAG naglabas ng plano sa problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port

Posted February 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by: Boracay Action Group
Naglabas ngayon ng plano ang Boracay Action Group (BAG) sa sistema ng problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa sinasabing mabagal na operasyon.

Sa ipinatawag na meeting kahapon ni Commodore Leonard Tirol, Adviser/Consultant ng BAG ay napag-usapan ang mga hakbang na kanilang gagawin.

Ayon kay Philippine Coastguard Caticlan Lt. Edison Diaz na isa sa dumalo sa nasabing meeting, magbibigay na umano sila ng color coding na card sa tuwing mahaba ang pila sa port.

Halimbawa umano rito na kung paparating palang ang bangka na kanilang sasakyan ay bibigyan agad ang 30 pasahero ng card na may kulay at ipapasulat sa manifesto para pagdating ng bangka ay sasakay nalang sila sabay alis.

Dahil dito, magkakaroon umano sila ng simulation exercise ngayong alas-4:30 ng hapon kung saan dito nila gagamitin ang kanilang plano kung magiging epekto ito tuwing madaming pasaherong dumadagsa sa dalawang pantalan.

Samantala, sinabi pa ni Diaz na nagiging mabagal umano at humahaba ang pila ng mga pasahero sa Caticlan at Cagban Port dahil sa problema tuwing low-tide gayon din ang kaharipan sa pagdaong ng mga bangka dahil sa kakulangan ng rampa.

MS Seven Seas Voyager muling dadaong sa Boracay bukas

Posted February 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for 7 seas voyagerTinatayang nasa mahigit anim na raan ang sakay na pasahero ng MS Seven Seas Voyager na dadaong sa isla ng Boracay bukas araw ng Biyernes.

Alas-7 ng umaga ang arrival ng naturang cruise ship mula sa Kota Kinabalu Malaysia patungong Boracay bago tumulak ng Maynila ng alas-5 ng hapon ng kapareho ring araw.

Nabatid na ang barko ay mayroong tatlong daan at limampung crew kung saan ilan sa mga ito ay mga Pinoy.

Ang MS Seven Seas Voyager ay ang ikalawang pagkakataon na bibisita sa Boracay kung saan nauna itong dumaong sa isla noong Huwebes Santo ng nakaraang taon.

Samantala isang island hopping activity ang nag-aantay sa mga pasahero nito sa Boracay bilang isa sa kanilang mga itinerary kung saan karamihan naman sa mga ito ay ipapasyal sa white beach ng isla.

Lalaki, kulong matapos ireklamo ng pang-iiskandalo

Posted Febuary 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongSa kulungan na inabot ng umaga ang isang lalaki matapos itong ireklamo ng pang-iiskandalo sa Sitio Pinaungon Balabag, Boracay kagabi.

Sa report ng Boracay PNP , ini-reklamo ni Ryan Panilagao ang sariling bayaw na si Roy De Asis na parehong residente ng nasabing lugar dahil sa ginagawang panggugulo kung saan nang-hamon pa ito ng away na nagresulta naman ng takot sa mga tao sa lugar.

Dahil dito, nagdisisyon naman ang nag-rereklamo na ipakulong ang bayaw nito sa Boracay PNP para matigil na ang ginagawang pag-iiskandalo.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang iki-nustudiya sa himpilan ng mga pulis para sa karampatang disposisyon.