Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Natuwa man ang Sangguniang Bayan ng Malay dahil tumaas ang budget ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa taong 2012, nakita naman ng konseho sa isinagawang committee hearing sa pangunguna ng Chairman ng Committee on Appropriation na si SB Member Rowen Aguirre na hindi maganda ang kondisyong inilatag para sa alokasyon na gagastusin ng LGU Malay na siyang isinumite ng kasalukuyang adminitrasyon sa konseho para sa pag-a-apruba.
Pinuna at inihayag ni Aguirre sa inilatag nitong Committee Report na ang kaniyang mga obserbasyon sa mga inilagay na alokasyon, matapos nitong sabihing “not healthy” ang mga nakalatag na halaga para sa guguguling pondo sa buong taong, sapakat ayon sa konsehal, “not balance” aniya ang nakasaad sa 2012 annual budget.
Nadiskubre ni Aguirre at ilang miyembro ng kumitibang kasama sa pagdinig na ang malaking pondo sa taong 2012 ay halos napunta sa pagpapasahod ng mga empleyado ng munisipyo at mga opisyal ng bayan.
Maliban dito, nakita rin ng konseho na konti lang ang pondong mapupunta sa imprastraktura, bagay na nasabi ng ilang konsehal na hindi ito kagandahan para sa bayan.
Matatandaang sa kasalukuyan ay dinidinig na sa SB ang annual budget ng Malay para sa pag-a-apruba ng konseho, kung saan tumataas ang pondo para sa susunod na taon mula sa P185M nitong 2011, at inaasahang sa 2012 ay aabot na ito sa mahigit P220M, mas mataas ng P35M kumpara noong nagdaang taon.