YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, March 21, 2015

Lalaking wanted sa kasong rape, arestado matapos ang 23 taong pagtatago

Posted March 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Arestado ang isang lalaki matapos ang halos 23 taon na pagtatago dahil sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Edison Absalon, 47-anyos ng Brgy. Dumlog, Malay, Aklan na naaresto sa Ilijan, Bago City, Negros Occidental.

Ayon kay Malay PNP Police Officer 3 Jaime Nerviol, naaresto ang akusado nitong Huwebes ng alas-9 ng umaga na isinagawa ng Malay, Aklan operatives at ng local police ng Bago City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Nestor Bartolome ng Regional Trial Court Branch 8 sa Kalibo, Aklan.

Sa ngayon umano ay nasa kustudiya ng Malay Police Station si Absalon para sa karampatang disposisyon.

Mga E-Trike sa Boracay, hindi exempted sa “No Permit, No Sticker Policy” - MTO

Posted March 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for traffic codeNilinaw ngayon ng Municipal Transportation Office (MTO) Malay na hindi exempted ang mga E-Trike sa Boracay sa “No Permit, No Sticker Policy” ng LGU.

Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr., kailangan pa rin ng  mga accredited E-Trike sa isla ng Boracay na siguradohing kumpleto ang kanilang mga hinahawakang dokumento.

Paglilinaw nito, binibigyan nila ng temporary permit ang mga E-Trike at ngayong taon ay bibigyan na rin ang mga ito ng franchise.

Anya, ang mga dokumento pa rin ng isang tricycle na nag-convert sa E-Trike ang sya pa pa ring gagamitin at walang pagbabago sa pag-proseso sa mga dokumento rito.

Samantala, magugunita na ipinag-utos ni Malay Mayor John Yap ang paghuli sa mga sasakyang walang Mayor’s permit at sticker sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 2015-14.

Ito’y bilang bahagi umano ng epektibong transport and traffic management sa territorial jurisdiction ng Malay.

Nabatid na mahaharap sa karampatang penalidad ang sinumang mahuli na walang kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan.

Napag-alaman naman na isang E-Trike ang inimpoud nitong nakaraang Linggo lang.

Aklan nakapagtala ng pinakamalaking kita sa turismo sa Western Visayas

Posted March 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nanguna ang probinsya ng Aklan sa may pinakamalaking kita sa buong Western Visayas na 87.7 bilyong piso para sa taong 2014 dahil sa turismo.

Ayon kay DOT Regional Director Helen Catalbas, nakapagtala umano ang Aklan ng 43.78 bilyong piso kung saan ang malaki umanong kita ng lalawigan ay nagmula sa halos 1.6 milyong turista na nagbakasyon sa isla ng Boracay sa bayan ng Malay.

Pumapangalawa naman umano dito ang siyudad ng Bacolod na may 12. 8 bilyong pisong kita, pumapangatlo ang Iloilo City na may 12. 26 bilyong piso base na rin naitalang kita ng Western Visayas sa turismo sa taong 2014.

Sa kabilang banda ang nalalabing 18.88 bilyong piso ay nagmula sa pinagsama-samang kita ng probinsya ng Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental.

Friday, March 20, 2015

Lalaking may warrant of arrest sa Boracay, arestado dahil sa kasong rape

Posted March 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kulong ngayon ang isang lalaking may warrant of arrest sa Boracay Police Station matapos na maaresto ng mga pulis kaninang tanghali.

Kinilala ang akusadong si Wildon Gala y Ignacio na inaresto dahil sa kasong 2 counts of rape under article 266-A of RA 8353.

Pinangunahan mismo ni Police Senior Inspector Frensy Andrade OIC ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang paghuli sa nasabing akusado.

Nabatid na walang piyansa si Gala na inisyo ni Judge Bienvenido Barrios Jr. ng RTC 6th Judicial Region, Branch 3. Kalibo, Aklan na may petsang Marso 3, 2015.

Sa ngayon pansamantala muna itong nasa kustudiya ng Boracay PNP Station at nakatakdang dalhin sa bayan ng Kalibo para sa karampatang disposisyon.

Preventive maintenance, dahilan umano ng pag-apaw ng maruming tubig sa sewer ng BIWC nitong Lunes

Posted March 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for sewerPreventive maintenance umano ang dahilan ng pag-apaw ng maruming tubig sa sewer ng BIWC nitong Lunes.

Sa text message ni Boracay Island Water Company (BIWC) Costumer Service Officer Acs Aldaba, sinabi nito na patuloy ang kanilang ginagawang flow management bilang paghahanda sa mga summer activities sa isla ng Boracay.

Kasabay nito, malaking volume ngayon ng waste water ang hino-hold ng kanilang network kung kaya’t umapaw ang kanilang sewer sa Sitio Bolabog nitong Lunes ng gabi.

Magkaganon paman, siniguro ni Aldaba na mahigpit nilang imo-monitor ang lugar at iba pa nilang lift stations upang hindi na maulit ang pangyayari.

Magugunitang dalawang beses bumulwak ang mabahong tubig mula sa sewer ng BIWC sa Sitio Bolabog nitong Lunes na nagdulot ng pagbaha sa kalsada.

Pumasok din ang mabahong tubig sa ilang mababang bakuran doon na labis namang ikinainis ng mga residente.

16-anyos na menor de edad, sugatan matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang truck kagabi

Posted March 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for police blotterSugatan ang isang 16-anyos na menor de edad matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang truck kagabi.

Ayon sa blotter report ng BTAC, papuntang Sitio Diniwid ang menor de edad na si “Rafael”, subalit nang makarating sa Sitio Pinaungon Balabag Boracay, may isa namang truck na minamaneho ng 31 anyos na si “Eddie” na magpa-parking sana.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nawalan ng control ang biktima dahilan upang sumalpok ito sa magpa-parking sanang truck at nahulog sa sinasakyan nitong motorsiklo.

Maliban sa ilang minor injuries, ilang sira din ang naidulot ng nasabing aksidente sa dalawang sasakyan.

Samantala, nang magharap sa Boracay PNP Station ay nagkaayos naman ang dalawang partido tungkol sa nangyaring aksidente.

Lolo, inireklamo sa BTAC matapos umanong magpaputok ng baril

Posted March 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for police blotterInireklamo ng alarm and scandal sa Boracay PNP Station ang isang lolo matapos na umano’y magpaputok ng baril kagabi sa Sitio Hagdan Balabag Boracay.

Sumbong ng nagrereklamong si “Clark”, nasa loob ito ng kanilang bahay alas onse kagabi nang makarinig ng sigaw mula sa lolo na si “Pedrito”.

Ayon sa nagrereklamo, pinagsabihan umano sila ng lolo na sipsip at makalipas ang ilang minuto ay doon na di umano ang mga ito nakarinig ng dalawang putok ng baril.

Mapalad naman na walang nasugatan sa insidente, kahit sinasabing may tinamaang tubo ng isang construction company sa lugar.

Samantala, isinangguni naman ngayon ng mga pulis ang kaso sa Barangay Justice System ng Balabag Boracay.

Pantalan sa Boracay kabilang sa minamadaling e-develop para sa Cruise Tourism sa bansa

Posted March 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakipagtulungan ngayon ang Department of Tourism (DOT) sa Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa pagpapaunlad ng ilang pantalan para sa Cruise Tourism sa bansa.

Ayon Kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., kabilang umano sa mga pantalan na kanilang aayusin ay ang sa Manila, Puerto Princesa, Subic, Davao, Bohol, Cebu, Zamboaga at Boracay.

Sinabi din nito na masyado umanong malakas ang demand ng mga Cruiship sa bansa kung saan kinakailangan pa nilang madaliin ang oras ng trabaho sa kanilang mga kaakibat para masiguro na maganda, matiwasay at maayos ang magiging karanasan ng mga foreign tourist na mag to-tour sa bansa sakay ng ibat-ibang Cruship.

Aniya, ang pag- upgrade umano at pagpapaganda ng Airport ay halos katulad ng pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng mga Sea Port sa bansa.

Sa kabilang banda sinisimulan na rin umano ngayon ng gobyerno ang pag-develop ng mga passenger Terminal sa Mactan sa Cebu at Kalibo International Airport sa probinsya ng Aklan upang lalo pang mapalakas ang turismo sa buong bansa.

Pagpapatibay ng ordinansang nagtatatag ng Public-Private Partnership Code sa Aklan, isinusulong

Posted March 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for public private partnershipNakatakdang pag-usapan sa isang public hearing ang ordinansa na magpapatibay ng Public-Private Partnership (PPP) Code sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan (SP) Secretary Odon Bandiola, ang PPP ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng gobyerno at mga pribadong sektor.

Anya, base na rin sa naging opinyon ng Department of Justice (DOJ), isang pambansang layunin ang magkaroon ng maunlad na ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng aktibong paglahok ng mga pribadong sektor.

Dagdag pa rito marami na rin umano ngayong potensyal na investors lalong-lalo na sa isla ng Boracay na malaki ang maitutulong sa mga proyekto ng lalawigan.

Samantala, naniniwala naman ang SP Aklan na mas maliwanag ang mga kalakarang sumasaklaw sa PPP kung ihahambing sa mga nakalipas na panahon.

Napapaloob din dito ang pagpapagandahan ng mga programa at insentibo upang magkaroon ng mga kabakas sa mga programang mula sa mga lansangan at iba pang mga pagawaing-bayan.

Ang pinakamahalaga lamang ay ang paglalagdaan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa mga proyektong ipatutupad.

Ang malalagdaang partnerships ang magiging pamantayan at posibleng mapamarisan.

Nakatakda namang gawin ang public hearing sa ika-26 ngayong Marso.

6 pulis ng Boracay PNP Station, dumalo sa 3 araw na Communication Development Seminar

Posted March 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image by Boracay PNP Station
Anim na mga pulis mula Boracay PNP Station ang dumalo sa tatlong araw na Communication Development Seminar sa Police Regional Office 6.

Ayon sa BTAC, kabilang sa mga dumalo sina P03 Christopher Mendoza, P03 Conrado Espino Jr, P01 Iriel Fernandez, PO1 Kristina Dajay, P01 Joner Bandies at P01 Jeanbee Carcole.

Sinasabi na ang pantas-aral ay dinaluhan din ng 53 iba pang mga pulis mula sa Aklan PPO, Iloilo City PO, Bacolod City PO, Negros PPO at Iloilo PPO.

Image by Boracay PNP Station
Nagsilbi naman bilang mga lecturers ng iba’t-ibang paksa ang mga staff ng Police Community Relations Groups at opisyal mula sa PRO-6.

Ayon pa sa BTAC, ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang paghahanda ng mga papasok na pagpupulong para sa 2015 Asia Pacific Economic Cooperation Meeting na gaganapin sa Abril 29-30, 2015 sa Bacolod City; Mayo 15-24, 2015 sa Boracay Island at September 2015 sa Iloilo City.

Nabatid na nasa dalawang libong delegado mula sa 21 bansa ang inaasahan namang dumalo sa sinasabing internasyonal na pagtitipon.

Kaugnay nito, ang 59 na mga nagtapos ng Communication Development Seminar ay itinalaga sa ilalim ng Sub-Task Group Community Project Management (CPM) sa panahon ng APEC Meeting.

Samantala, ginanap ang nasabing Seminar nitong ika-16 hanggang 18 ng Marso.

Thursday, March 19, 2015

Babae sa Boracay,nabangga ng motorsiklo

Posted March 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Masuwerteng hindi nagtamo ng grabeng sugat ang isang babae matapos itong mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki sa Boracay.

Kinilala ang biktimang si Shiela Vargas, 20-anyos ng Sitio. Hagdan Brgy. Yapak, Malay, Aklan na nagtamo ng pinsala sa kaliwang paa nito.

Sa salaysay ng biktima sa pulis tinatahak umano nito ang mainroad sa Boracay kung saan aksidente itong nabangga ng motorsiklo na walang plate number.

Nagharap naman ang dalawa sa pulis kung saan kinilala ang suspek na si Richard Tenorio, 35-anyos at tubong Masbate at presenting nakatira sa Manoc-manoc.

Ngunit sa pagharap ng dalawa sa Boracay PNP, nagkaayos naman ang mga ito matapos humingi din ng tawad ang suspek sa biktima at nangakong siya na ang gagastos para sa medical expenses nito.

Samantala, ang motorsiklo naman ay naka-impound sa Boracay PNP matapos bigong makapagbigay ng drivers license at kaukulang dokumento ang nakabanggang lalaki.

Napag-alaman din na nasailalim ng nakakalasing na inumin ang suspek ng mangyari ang insidente.

Kriminalidad dulot ng mga construction workers sa Boracay, ikinabahala ng kapulisan

Posted March 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for boracay pnp stationPagnanakaw, pambubugbog at alarming scandal.

Ilan lamang ito sa mga kasong kagagawan umano ng mga construction workers sa isla ng Boracay na madalas maging sakit sa ulo ng mga kapulisan.

Subali’t mas nakakabahala dito ang kasong pagpatay nitong Linggo, kung saan itinuturong suspek ang isang construction worker.

Bagay na tinututukan ngayon ng Boracay PNP, katunayan, sinabi ni Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade na makikipagdayalogo siya sa mga contractors and builders sa isla.

Bagama’t aminado si Andrade na hindi naman talaga maaaring pagbawalang lumabas ang mga construction workers.

Sinabi nito na kailangang may polisiya ang mga contractors at builders para sa kanilang mga trabahador, lalo na sa mga lumalabas sa kanilang barracks sa gabi at nakikipag-inuman na kadalasang nauuwi sa kriminalidad.

Samantala, payo naman ni Andrade sa mga construction workers na itabi ang kanilang kita para sa kanilang pamilya sa halip na ubusin lamang sa alak.

Nabatid na hindi lamang sa mga nabanggit na kriminalidad nagiging sakit sa ulo ng mga otoridad ang mga naturang trabahador kungdi maging sa paglabag sa mga odinansa sa isla katulad ng pag-ihi sa dagat, paninigarilyo at pagtapon ng upos nito sa dalampasigan.