Posted March 25, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Sa 10th Regular Session nitong Martes ay pinuna
ni Vice Mayor Abram Sualog ang problema sa drainage sa isla ng Boracay.
Inilarawan ni Sualog ang nakikitang maitim na tubig na
lumalabas sa drainage system na
posibleng epekto ng illegal connection.
Ang drainage raw na ito ay naglalabas ng maruming tubig
na nagiging sanhi ng pagbaha sa mga kalsada maging sa Bolabog area.
Dahil dito, nais ngayon ng Bise-Alkalde na maagapan na dapat ito ng Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) kung hindi man ay ibigay
na lamang ito sa Boracay Island Water Company (BIWC) para sa mabilisang aksyon.
Kung maalala, inilatag na ng TIEZA ang unang bahagi ng
proyekto ng drainage system sa Bolabog
na bahagi ng Phase 2 para hindi
na bahain ang nasabing lugar kabilang ang Boracay National High School.
Sa paliwanag ng TIEZA, nasa bidding process na ito at
inaantay na lamang umano kung sino ang contractor na tatrabaho sa proyekto na
inaasahang maumpisahan bago ang panahon ng tag-ulan.