Posted August 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Pinag-aaralan pa umano ang susunod na hakbang para sa
drainage ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa
Boracay.
Sa ginanap na Contractors and Builders Forum kahapon,
sinabi ni Malay Mayor John Yap na nag-usap na rin sila ni DOT o Department of
Tourism Usec. Jasmin tungkol sa estado ng nasabing proyekto.
Ayon pa sa alkalde, tinitingnan na rin umano kung ano ang
magandang gawin bago i-testing ang pump ng flood control project ng TIEZA.
Hindi rin umano kasi pwede na basta na lamang mag-pump
dahil marumi na ang drainage.
Samantala, sinabi naman ni DOT 6 Regional Director Atty.
Helen Catalbas sa isang press briefing kahapon na hindi pa handang sumagot ang
TIEZA sa mga katanungan tungkol sa estado ng kanilang proyekto sa isla.
Magugunitang pinamamadali na rin ng mga stakeholders sa
isla ang nasabing proyekto, matapos makaranas ng nakakahiyang pagbaha ang
Boracay nitong nakaraang buwan.
No comments:
Post a Comment