YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 08, 2017

Kaununa-unahang Advocacy Run ng KBP-Aklan Chapter, aarangkada na

Posted April 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Kapayapaan, Buhay at Pag-asa”

Ito ngayon ang tema sa kauna-unahang Advocacy Run ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP- Aklan Chapter) na gaganapin bukas alas-sais ng umaga Araw ng Kagitingan.

Nabatid na magkikita-kita ang mga kalahok sa Magsaysay Park, kung saan sisimulan ang pagtakbo na liliko sa Mabini Street at dederetso papuntang Kalibo International Airport (KIA) liliko sa Martilino St. bago daanan ang Roxas Avenue pabalik ng Magsaysay Park.

Ang unang makaka-balik sa Magsaysay Park ay siyang makakatanggap sa inihandang pagkilala ng mga miyembro ng KBP kung saan bibigyan ng plake ang top 3 finishers na babae at lalake maliban pa sa oldest at youngest finisher award.

Inaasahan naman ang mahigit sa 400 na mga sasali sa naturang pagtakbo kung saan ito ay kinabibilangan ng mga Media sa Aklan na miyembro ng KBP, mga pulis, teachers sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan, Non Government Organization (NGO’S), Commercial Establishments at marami pang iba.

Inaasahan din ang pagdalo ni APPO OIC PSSupt. Lope Manlapaz kasama ang mahigit isang-daang pulis na sasama rin sa pagtakbo.

Layunin ng Advocacy Run na maging positibo ang lahat sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan ng Pilipinas sa usaping
pang-kapayapaan, pagpapahalaga sa buhay sa pamamagitan ng pag-iwas sa droga at paghikayat na mag-ambag para sa ikakabuti ng bayan na tatalima sa selebrasyon ng Araw ng Kagitingan.

Ang KBP-Aklan Chapter ay pinamumunuan ni Chairman Alan Palma Sr. na Manager ng 91.1 YES FM Boracay.

Friday, April 07, 2017

Korean at Chinese, nangunguna parin sa tourist arrival sa Boracay

Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for korean at chinese sa boracay
Korean at Chinese tourist parin ang siyang nangunguna sa tourist arrival sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Marso taong kasalukuyan.

Sa kalatas na inilabas ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, muling nanguna ang Korean Tourist na may record na 27,223 at sinundan naman ng Chinese na may 25,127.

Sumunod naman dito ang Taiwanese na may 4, 164, pang-apat ang United States na merong 2, 820.

Samantala, pang-lima naman ang U.K. na may 2,221, pang-anim ang Malaysia na may naitalang 2,119, pang-pito ang Russia 2, 096, pang-walo ang Australia  1,903, siyam ang Germany 1,732 at pasok naman sa pang-sampu ang Saudi Arabia na may 1, 187 tourist arrival.

Dahil summer season at papalapit na ang mga major events sa Boracay inaasahan namang dadagsain ng marami turista mula sa ibang bansa ang number one tourist destination na isla ng Boracay.

Mga establisyementong nag-violate sa Boracay, pinatawag ng SB Malay

Posted April 7, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for violation
Naging panauhin sa ginanap na 12th Regular Session ng SB Malay ang mga establisyementong nakitaan ng paglabag sa ordinansa sa pagpapatayo ng building sa isla.

Ayon kay Zoning Officer Alma Belejerdo, lumabag ang pitong establisyemento dahil sa bigo ang mga ito na ma-comply ang proseso sa pagkuha ng clearance at permit na kailangan sa pagpapatayo ng building.

Komento ni SB Member Jupiter Gallenero, sana bago umano gumawa ng hakbang sa pagtatayo ng building subukan munang tingnan ang ordinansa ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Kaugnay nito, kabilang sa mga nilabag ng mga ipinatawag ay ang no build zone, no business permit, no zoning clearance dagdag pa ang setback at ang classification ng area ng pinag-tayuan ng straktura.

Dahil sa kontrobersya, nagbigay ng pahayag si SB Member Frolibar Bautista na sana ay magsilbi na itong babala sa lahat ng mga violators sa isla na hihigpitan pa nila ang pag-iinspeksyon ng mga bagong itinatayong gusali.

Dagdag naman ni SB Dante Pagsuguiron, suhestyon nito na limitahan ang pagpapatayo at ingatan ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng establisyemento sa isla para hindi na maging over-developed ang Boracay.

Samantala, nabatid na permanente man o temporaryo ang isang itinatayong istraktura ay mahigpit pa ring ipapatupad ang pagkuha ng permit base na rin sa ordinansa.

MTO Malay, pina-alalahanan ang mga motorista ngayong Semana Santa

Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for tricycle
Bunsod ng inaasahang dagsa ng mga turista na magbabakasyon ngayong Semana Santa sa isla ng Boracay.

May paalala ngayon ang Municipal Transportation Office sa mga motorista na bumabyahe sa bayan ng Malay partikular sa isla ng Boracay.

Image result for semana santa 2017Upang maka-iwas umano sa disgrasya dapat maging alerto ang mga motorista pagdating sa kanilang mga minamanehong sasakyan kung saan dapat i-check nila muna itong mabuti kung may depekto ba o wala bago bumyahe.

Kaugnay nito, mahigpit niya ring paalala na bawal maggamit ng cellphone kapag nasa pasada.

Samantala, mahigpit naman ang kanilang ginagawang pagbantay sa mga kalsada upang mabantayan ang daloy ng trapiko.

Sangguniang Panlalawigan Aklan, tutol sa STL

Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sp aklanTila hindi pumasa sa panlasa ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang pag-operate ng Small Town Lottery o STL sa probinsya.

Sa SP 33rd Regular Session nitong Lunes, pinag-usapan ng mga ito ang naturang isyu kung saan isang resulosyon naman ang kanilang ibinaba na hindi sila sang-ayon sa nasabing betting-game.

Nabatid kasi na nitong mga nakaraang araw ay nagsimula na sa pag-operate ang small town lottery (STL) sa probinsya.

Samantala, nagpasa din ng board resolution ang Philippine Chamber of Commerce and Industry Aklan Chapter sa Sangguniang Panlalawigan na mahigpit din ang kanilang pagtutol sa operasyon ng STL sa Aklan.

PCG Boracay, naka-alerto na para sa Semana Santa

Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for semana santa 2017Nakaalerto na ang Philippine Coast Guard o (PCG) Boracay Substation para sa inaasahang pagdagsa ng daan-daang mga pasahero sa pantalan ng Caticlan Jetty Port ilang araw bago ang Semana Santa.

Sa panayam kay PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, all set na ang kanilang ginagawang preparasyon pagdating sa seguridad ng mga turista na papasok at palabas ng isla.

Naka-alerto din umano ang kanilang hanay sa kahabaan ng long beach para sa pagbantay ng mga naliligo kung saan sasabayan rin nila ito ng seaborne patrol sa karagatan.  

Kaugnay nito, nakatakda namang magtayo ng Passengers Assistance Center (PAC) booths ang PCG sa Caticlan Jetty Port para mas maging madali sa mga pasahero na idulog ang anumang insidente o krimen na posibleng mangyari.

Samantala, payo naman ni Alvares sa mga pasahero na sundin ang rules and regulation dito upang hindi sila madelay sa port at hindi na mahirapan sa ipapatupad na seguridad ng PCG.

Dagdag pa nito na kung meron man umanong mga problema ay idulog agad sa kanilang opisina dahil 24/7 naman silang bukas sa pagseserbisyo.

Thursday, April 06, 2017

British National, nalunod sa Boracay

Posted April 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for DEAD ON ARRIVAL
Idineklara ng Dead on Arrival o DOA ang isang turistang British national matapos umanong malunod sa ginawang diving activity sa Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isa umanong biktima ng pagkalunod sa baybayin ng Balabag.

Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar para magsagawa ng imbestigasyon kung saan kinilala ang biktimang si Jose Miguel Samonte Arenas, 50- anyos isang bakasyunista at nanunuluyan sa isang hotel sa Balabag.

Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang dalawang babaeng anak na edad 9 at 13-anyos ng maganap ang insidente sa kasagsagan ng kanilang Scuba Diving Activity.

Nabatid na dalawang minuto pa lamang ng sila ay bumaba sa tubig ng mapansin umano ng Dive Master na nag-papanic sa ilalim ang biktima kung kaya’t agad nila itong inahon at dinala sa shoreline ng beach para lapatan ng CPR.

Kaugnay nito, dumating agad ang ambulansya para isugod ang biktima sa pinakamalapit na klinika subalit idineklara din na DOA ng nagsilbing physician nito.

Napag-alaman na ang ikinamatay umano ng biktima ay Cardiopulmonary Arrest.

Habang nakalagak sa isang punerarya sa Malay ang bangkay ng Briton ay balak umano ng pamilya na ipa-autopsy at magsagawa ng sariling imbestigasyon.

Wednesday, April 05, 2017

Road Construction sa West Cove, muling pinag-uspan sa SB Malay

Posted April 5, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Nagharap-harap sa Sangguniang Bayan ng Malay ang mga kinatawan EMB-DENR Region 6, PENRO Aklan, mga LGU Officials at si West Cove Manager Ben Hur Mobo para sagutin ang isyung kinasasangkutan ngayon ng West Cove Resort sa Boracay.

Sa ginanap na 12th Regular Session ng SB Malay, ipinaliwanag ni Atty. Remar Neil Pascua ng EMB- DENR Region 6 na sa kasagsagan ng kanilang Technical Conference ay nabanggit na umano ni Mobo na ititigil na nila ang konstruksyon ng umano’y kalsada doon sa beachline ng lugar.

Bilang tugon dito, ani Mobo naglagay sila ng Retaining wall matapos ang demolisyon na naganap noong taong 2012 kung saan nagbigay umano ito ng sulat sa Brgy. Captain ng Yapak, sa Kapitang ng Balabag at kay dating BRTF Glenn Sacapaño para sa pagpapatag ng lugar dahil sa panahon ng habagat umano ang mga natitirang debris na nagsisislbing panganib sa mga turista.

Nagtataka naman si Zoning Officer Alma Belejerdo kung bakit patuloy pa rin ang kanilang ginagawang aktibidad dito matapos na wala silang business permit dagdag pa ang pagkansela ng Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes o (FLAGT), wala rin silang municipal permit at ang isyu pa ngayon tungkol sa konstruksyon ng daan at ang reclamation area kung kaya’t patunay umano ito na sila ay nag-violate.

Sa pag-uungkat ni Vice Mayor Abram Sualog, inamin ni Mobo na wala silang permit sa ginagawang development doon.

Ayon naman kay Engr. Casidsid, nasa anim hanggang walong metro ang haba at aabot naman sa sampung metro ang lapad ng reclaimed area na halos tinambakan na ang puting buhangin ng beach area.

Suhestyon ni SB Gallenero na isara na lamang ang naturang lugar ng magka-alaman na kung sino ang magre-reklamo dito.

Samantala, napagkasunduan na kapag natapos na ang mitigating procedures na isinasagawa ng West cove ay isasara na ang nasabing lugar.

Helper sa Boracay, sinaksak ng kasamahan

Posted April 5, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Isinugod sa isang klinika ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kasamahan kagabi sa isang establisyemento sa Boracay.

Nakatanggap ng tawag ang Boracay PNP mula sa isang klinika matapos doon dalhin ang biktima na kinilalang si Ronie Ugayon Awhagan, 22-anyos, stay-in helper at tubong Negros Occidental.

Ayon sa blotter report, natutulog na umano ang biktima ng pasukin ng isa pang helper na kinilalang si Rodson Ronilla ang kwarto nito at bigla na lamang itong sinaksak ng icepick kung kaya’t nagtamo ang biktima ng sugat sa iba’t- ibang bahagi ng katawan nito.

Agad naman isinugod sa klinika si Awhagan para sa paunang lunas subalit ini-refer ito sa pagamutan sa Bayan ng Kalibo.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga otoridad para sa pag- aresto sa sa itinuturong suspek.

19 na sumailalim sa Basic Lineman and Meter Reader Training Course ng Akelco, nagsipagtapos na

Posted April 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

ImageNatapos o grumaduate na ang labing-siyam na estudyante sa Basic Lineman and Meter Reader Training Course ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) Inc. nitong Lunes.

Tinawag naman ang mga ito na “The Titans”.

Sa report ni AKELCO Engr. Joel Martinez, sa 98 umano na nag-apply sa AVM for Engineering, 25 dito ang nakapasa sa criteria na ibinigay ng Engineering at Human Resource na sumailalim sa isinagawang training.

Sa isinagawang training itinuro sa kanila ang aktwal na pag-akyat at pagtrabaho sa itaas ng poste, Theories at Principles of Electricity at Basic Safety Requirements of Lineman.

Bagamat may anim na hindi nagpatuloy, lubos naman ang pasasalamat ng mga grumaduate sa naturang training dahil nakayanan at nalagpasan nila ito at maging opisyal na kabahagi na sila ng Aklan Electric Cooperative para mag-serbisyo sa mga konsumidor.


HRP Boracay, inilatag na ang schedule para sa Semana Santa

Posted April 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Inilatag na ng simbahan ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay ang schedule para sa Semana Santa.

Sa inilabas na kalatas ng HRP Boracay, nakalatag na ang schedule sa susunod na linggo simula April 9 Palm Sunday na mag-uumpisa ng alas 6:30 ng umaga na susundan naman ng tatlo pang misa.

Araw ng Lunes April 10, may misa sa kapareho ring oras at “ Kumpisalang Bayan” sa alas 8:30 ng umaga.

April 11 naman sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang umpisa ng House Visitataion of Apostoles, sa Holy Wednesday April 12 dalawang misa ang gaganapin, 6:30 ng umaga at alas-5 ng hapon maliban sa House Visitation of the Apostles na naka-schedule ng alas 8 ng umaga.

Samantala, sa Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass of the Last Supper sa alas-4:30 ng hapon.

Sa Marso 25 naman o Good Friday, araw kung kelan namatay ang panginoon ay sisimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Live Station of the Cross mula sa Brgy. Manoc-manoc Chapel hanggang sa Brgy. Balabag na susundan ng Confession at Siete Palabras sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Ang Commemoration naman sa pagkamatay ng panginoon ay mangyayari alas 3 ng hapon.

Sa April 15, Black Saturday naman ng alas-7:30 ng gabi ang Procession of Soledad at susundan naman sa alas-8 ng misa ng Easter Vigil Mass, at sa araw ng Linggo o Eastern Sunday sa alas-5 ng gabi ang pagsalubong o paggunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo Hesus.

Ang Semana Santa ay isa sa pinakamahalagang relihiyosong debosyon ng mga Pilipino kung saan isinasagawa ang lahat ng ito upang alalahanin ang mga paghihirap at ang pagkamatay ni Hesus para sa sangkatauhan.