YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 24, 2018

Upgrade ng Sewer at Drainage Network, pinasiguro ng TIEZA sa DENR

Posted May 24, 2018
Yes The Best NEWS ---  Pinasiguro ngayon ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA sa DENR na may nakalatag na silang plano sa pag-upgrade ng sewer system at drainage network para maiwasan ang overflow ng wastewater sa dalampasigan ng Boracay.

Image result for tiezaAng pahayag na ito ng TIEZA ay nag-ugat sa naging reaksyon ni DENR Secretary Roy Cimatu ng magsagawa ng ito ng inspeksyon na ikinagulat ng kalihim ang pagkakaroon ng sewerage pipe at manhole malapit sa beach dahil isa umano ito sa posibleng dahilan kung bakit mataas ang coliform level sa dagat.

Paliwanag ng TIEZA, ang sewerage system sa beachfront ay proyekto ng gobyerno na inaprobahan isang-dekada na ang nakalipas.

Ipinunto rin ng TIEZA na ang sanhi ng water pollution at overflow sa mga manhole ay ang pagtanggi ng ilang establisyemento na kumonekta sa sewerage system at ang iba naman ay illegally tapped sa drainage line.

Ayon kay TIEZA Technical Assistant to COO Michelle Vivo, nagpasiguro na sa kanila ang BIWC na tatapusin sa loob ng apat na buwan ang Balabag Sewer Network Rehabilitation Project para maibsan ang daloy mataas na volume ng waste water sa beach front area.

Bagamat nais ngayon ni Cimatu na tanggalin ang mga nasa pitumpong sewer manholes na nakalatag mula Sitio Angol sa ManocManoc papunta sa hilagang bahagi ng Balabag subalit ayon sa TIEZA ay “physically impossible” pa ito at pag-uusapan pa kasama ang technical team ng BIWC.

Samantala, nakatuon din ngayon ang TIEZA kasama ang DPWH sa pagsagawa ng mga flood control infrastructures at drainage system program na ilalatag sa tatlong Barangay sa isla ng Boracay.
Ikakabit na rin umano ang nasa 800-meters extended discharge pipe na idudugtong sa Bolabog outfall upang malayo na ang lalabasan ng drainage water mula Central Boracay at para maiwasan ang pagbabaha lalo na at malapit na ang tag-ulan.

Apela ng TIEZA sa mga establisyemento, gawin ang kanilang ambag para sa mabilisang rehabilitasyon ng Boracay sa pamamagitan ng pag-konekta sa sewerage system para masiguro na ang lahat ng maruming tubig ay maaayos at pumasa sa standard ng DENR.

Ang sewerage system ng TIEZA ay nasa pangangasiwa ng BIWC sa pamamagitan ng Joint Venture Agreement na napagkasunduan noong 2009.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation

Pagkuha ng Transporatation Assistance dagsa parin sa DSWD

Posted May 24, 2018
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting and indoor
Mag-iisang buwan matapos i-anunsyo ang anim na buwang rehabilitasyon ng isla ng Boracay, dagsa parin ngayon ang pagkuha ng transportation assistance ng mga uuwing displaced workers sa opisina ng DSWD.

Sa panayam kay DSWD Focal Person Beverly Salazar, ayon sa kanilang datos nasa mahigit 8, 021 na ang natulungang displaced workers at tinatayang 19Million na ang halaga ng pera ang naipamahagi sa mga apektadong workers.

Sa ngayon aniya, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng assistance ng DSWD sa mga apektado ng Boracay Closure basta’t kumpletuhin lang ang requirements para madaling makakuha ng assistance.

Image may contain: 1 person, indoor
Apela ni Salazar sa mga nakakuha na ng transportation assistance na kung maaari ay huwag ng pumila ulit para maka-avail ng tulong pinansyal dahil makikita at makikita parin ito sa kanilang data kung sino na ang nabigyan.

Dagdag pa ni Salazar, marami na kase silang nahuling hindi parin naka-uwi sa kani-kanilang lugar pagkatapos na nabigyan ng pamasahe at ang iba ay pumipila parin.

Nilinaw din nito na mahigpit ang ginagawa nilang monitoring ngayon sa mga mag-a-avail pa ng assistance para mapunta ang tulong sa dapat mabigyan nito.

DSWD magbibigay ng “Educational Assistance” para sa apektado ng Boracay Closure

Posted May 22, 2018
Yes The Best NEWS --- Dahil malapit na ang pasukan ay magbibigay ng “Educational Assistance” ang DSWD sa mga residente na apektado ng pagsara ng Boracay dahil sa patuloy na rehabilitasyon.

Ang financial assistance ay ibibigay sa mga magulang na may estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo na nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon kay DSWD Operation Center Focal Person Beverly S. Salazar, ang estudyante sa elementary at high school ay makakatanggap ng P 1,500 bawat isa at may karagdagang P 500 sa bawat kapatid na i-enroll ng magulang.

Halimbawa, kung may tatlong anak ang hihingi ng assistance ay makakatanggap ito ng kabuuang P 2,500.

Ang estudyante sa kolehiyo ay makakatanggap ng hanggang P 5,000 na ayuda mula sa DSWD.

Ito ang mga kailangang i-sumite na dokumento para maka-avail ng “Educational Assistance”:

1) COLLEGE STUDENT - Enrollment Form o Registration Form with stamp

ELEMENTARY OR HIGH SCHOOL - Certificate of Enrollment with School Seal mula sa Principal o paaralan.

2) School ID ng mag-aaral o kahit anong patunay na siya ay nag-aaral

3) Barangay Indigency o Certificate mula sa Barangay Captain na nagpapatunay na ang iyong pamilya ay apektado ng Boracay Closure. Dapat nakapangalan sa kliyente o magulang.

4) Valid ID ng kliyente o magulang.

5) Ang estudyante ay dapay “enrolled muna” bago mag-apply ng Educational Assistance.

Samantala, nilinaw ni Salazar na ang lahat ng mga nag-avail ng Cash for Work o kahit anong assistance ay pwede pa ring maka benepisyo nito.

Agad namang ibibigay ang cash assistance kapag naipasa ang lahat ng requirement at pumasa sa evaluation ng DSWD.

#YesTheBestBoracayNEWS
#DSWDEducationalAssistance

Tuesday, May 22, 2018

Insedente ng nakawan sa Boracay, dahil sa Closure - PNP

Posted May 22, 2018
Ni Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY

“Ilang insedente ng nakawan na naitala ay marahil dahil sa Boracay Closure”.

Ito ang pahayag ni PSUPT Ryan Manongdo ng Metro Boracay Police Task Force pagkatapos na nagkaroon ng mga insidente ng nakawan nitong mga nakalipas na linggo.

Ani Manongdo, tinitinganan nila ang posibilidad na ang mga sangkot dito ay mga dating suspek na minor de edad na ang modus ay pagsira at pagnakaw sa ilang tindahan.

Naghahanap na umano sila ng konkretong impormasyon na magkokonekta sa naunang mga kaso at sa oras na mapatunayan nila ito, dito na nila sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

Samantala, sa naging pahayag naman ni Police Chief Inspector Terrence Paul Sta. Ana, Information And Action Commander ng MBTF, base sa kanilang tala ay bumaba ang Crime Rate sa Boracay.

Katunayan, simula ng closure may rekord silang walong theft incident at isang robbery sa kanilang crime statistics monitoring.

Bagamat maganda ang peace and order situation sa isla, patuloy ang pagpapatupad nila ng curfew at ilang municipal ordinance para maiwasan ang insedente ng nakawan.

Sa ngayon ay nakikipag-coordinate na sila sa tatlong barangay para mapaigiting ang pagroronda lalo na sa madilim na bahagi ng isla.

Apela ni Sta. Ana sa publiko lalo na ang mga negosyante na mag doble ingat at panatilihing i-secure ang kanilang mga gamit upang hindi masalisihan ng magnanakaw.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayClosure

Impounded na sasakyan mula Boracay, i-public auction kapag hindi inasikaso – LTO

Posted May 22, 2018
Yes The Best NEWS --- “ After 6-months lahat ng na-impound na sasakyan will be forfeited in favor of the government”.

Ito ang pahayag at babala ni Land Transportation Regional Director Roland Ramos sa mga may-ari ng mga sasakyan na hinuli sa Boracay at kasalukuyang naka-impound sa mainland Malay.

Ayon kay Ramos, ibebenta ito pagkatapos ng anim na buwang taning para mabawi ng gobyerno ang gastos ng ahensya.

Sa mahigit isang daan na hinuli at na-impound, karamihan dito ay mga sasakyan na walang franchise mula sa LGU o Motorize Tricycle Operators Permit (MTOP) at walang rehistro mula sa LTO.

Maliban sa mga vans, mini-dumptrucks, e-trikes at mga tricycle, hindi rin pinalagpas ng LTO ang ilang sasakyang pagmamay-ari ng MAP, pulis, at iba pang enforcers kasama na ang mga nagmamaneho na walang helmet at lisensya.

Tuloy-tuloy din daw ang operasyon ng LTO sa loob ng tatlong buwan pero nilinaw ni Ramos na mananatili silang naka-antabay hanggang sa muling pagbubukas ng Boracay.

Sa ngayon, pina-plantsa na rin ni Ramos na magkaroon ng LTO-Malay District Office sa mainland para magsi-serbisyo sa Malay at Boracay.

#YesTheBestBoracayNEWS
#LTOImplementationInBoracay