Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
PESO Malay |
Pinabulaan ngayon ni PESO Malay Administrative Officer IV
Jona Solano ang mga balitang lumalabas na “No Comelec Registration, No Work” sa
Boracay oras na magbukas ito sa October 26.
Ani Solano, walang katotohanan itong mga balita dahil
sila mismo sa kanilang opisina ay walang ganitong adhikain lalo na at sila ngayon sa mga aktibidad tulad ng Job Fair.
Pahayag pa nito na wala silang ipinalabas na order na ang
mga workers ay kailangang lumipat o dito magparehistro o dapat ay maging
botante ng Malay bago makapasok ng Boracay.
Dinagsa kasi ang Comelec Malay sa mga huling araw ng
registration dahil sa kumalat na haka-haka.
Lumalabas din na may nagpapakalat ng balita hindi
maka-avail sa mga boarding houses na paupahan sa Mainland, Malay ang hindi
botante sa Malay.
Sa katunayan, ani Solano kaya nga nagsasagawa sila ng
“Job Fair” para matulungan at mabigyan ng pagakakataon ang mga workers na
makabalik at makatrabaho ulit sa isla.
“To vote in Malay should be voluntary, and should never
be mandatory” ani pa ni Solano.