Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling inungkat ni Malay SB member Rowen Aguirre kung
ano-anong benipisyo ang nakuha ng mga residente ng brgy. Napaan sa Malay
matapos ang itinayong Windmill sa lugar.
Ito ang sinabi ni Aguirre sa ginanap na SB Session ng
Malay nitong Martes matapos niyang mapansin ang kulay putik na tubig na
dumadaloy sa Napaan River.
Nabatid na mismong sa nasabing ilog itinayo ng PetroWind
ang kanilang wind turbine kung kaya ganito lamang ang pagkabahala ni Aguirre sa
epekto nito sa mga residente sa lugar at sa kalikasan.
Ayon naman kay Napaan brgy. Captain Ruben Sullano hindi
naman gaano naapektuhan ang nasabing ilog kung saan din kumukuha ng maiinom na
tubig ang mga residente sa lugar.
Ngunit dahil sa nagkaraon umano ng kaunting discoloration
ang tubig sa Napaan ay binigyan naman sila ng maiinom na water supply ng
PetroWind hanggang sa hindi bumabalik sa normal na kulay at kalinisan ang tubig
nito.
Maliban dito nabigyan din umano ng serbisyo ang kanilang
komununidad kung saan ang ilan sa mga residente lalo na ang mga kalalakihan ay
napabilang sa ginawang construction ng wind turbine at sa paglalagay ng
coco-fiber at erosion mat installation sa lugar.