Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinasok ng hanggang bewang na tubig baha ang ilang
kabahayan sa Yapak Boracay kaninang madaling araw partikular sa Sitio Ilawod
dulot ng Low Pressure Area (LPA).
Base sa mga may-ari ng apektadong bahay ito umano ang
kauna-unahang pagbaha sa kanilang lugar kahit na mababa ang kanilang area.
Nabatid na wala umanong drainage system sa apektadong
lugar dahilan para walang madaluyan ang tubig papalabas ng dagat.
Samantala, pinaniniwalaan naman ng mga ito na galing sa
mga ginagawang development sa taas ng bundok ang tubig na dumadaloy papunta sa
kanilang mga tahanan.
Samantala, hiniling naman ng mga apektadong pamilya sa
Local Officials ng Malay at sa mga kinauukulan na sana ay mabigyang ng pansin
ang kanilang problema.
Napag-alaman na maging ang mga paaralan sa Yapak ay
pinasok din kagabi ng rumaragasang tubig mula sa bundok dahilan para maantala
ang klase ng mga mag-aaral.