Posted August 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ang pagtalaga ng
isang representante mula sa bayan ng Malay ang isa sa mga naisip na paraan ngayon ni SB member Nenette Aguirre-Graf tungkol
sa problema sa kuryente.
Ayon kay Graf ito
umano ang magiging taga-abot ng mga concerned sa Aklan Electric Cooperative
(AKELCO) pagdating sa problema sa suplay ng kuryente sa nasabing bayan para sa
mas mabilis na pag-aksyon.
Nabatid kasi na
nitong mga huling araw ay tila napaaga ang pasko dahil sa patay sindi na ilaw
na mistulang Christmas light dahilan para maghimutok sa galit ang mga taga
Boracay dahil sa dinudulot nitong pagkasira ng kanilang mga appliances.
Samantala kung
sakali naman umanong matuloy ito ay bubuo muna sila ng isang grupo para lamang
sa suplay ng kuryente sa isla saka ang pagtalaga ng representante.