Posted August 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Puspusan na ang ginagawang preparasyon para sa Asia
Pacific Economic Conference (APEC) Summit na nakatakdang gawin sa isla ng
Boracay sa 2015.
Kaya naman, hinimok ngayon ng Department of Tourism
(DOT) ang iba’t-ibang sektor sa Boracay na isulat at ipadala ang mga napunang
problema sa isla.
Sa ginanap na press briefing kahapon, sinabi ni DOT
Regional Director Helen Catalbas na walang ibang makakatulong dito kundi ang
mga sektor mismo na andito sa isla na personal na nakakakita ng mga problema.
Anya, maging sila sa hanay ng DOT ay maglilista rin
ng mga dapat ayusin at ipapadala kay Malay Mayor John Yap bilang Chairman sa
Local Organizing Committee ng APEC Summit.
Iginiit din nito na ang responsibilidad sa
pagho-host ng nasabing aktibidad at posibleng magiging obserbasyon ng mga
deligado ay hindi lang sa Boracay kundi sa gobyerno ng Pilipinas mismo.
Samantala, nabatid naman na malaki ang maitutulong
ng pagkakaroon ng APEC Summit sa isla ng Boracay upang makita at mabigyang
pansin ang mga problema dito.
No comments:
Post a Comment