Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
ctto |
Hindi napigilan ni Malay Vice Mayor NiƱo Cawaling na
magpahayag ng kanyang saloobin at pagkadismaya matapos nitong malaman na may
nag-peke ng kanyang pirma.
“Forgery is a crime”.
Ito ang bungad ni Cawaling nang ipaalam sa kaniya ng
kanyang sekretarya na may nag-release ng resolution na nag-iendorso ng proposal
sa pag-operate ng Aqua Sports Incorporated at may pirma na.
Pagtatanong ni Cawaling bakit may pirma na gayong for
signatory palang ang orihinal na kopya ng resolution.
Dahil sa pangyayari, nais nitong pa-imbestigahan ang SB
Secretary Office at Licensing Office sa pamamagitan ng committee hearing ng SB
Committee on Good Governance.
Napag-alaman kasi na nabigyan na ng “special permit” ang
Aqua Sports Incorporated dahil sa pekeng pirma.
Dagdag pa ni Cawaling, isa umano itong insulto sa
kaniyang opisina at bilang presiding officer.
Aniya, pag mapatunayang may nagkasala ay hindi siya
mag-aatubaling magsampa ng kaso.
Samantala, ini-rekomenda naman ni SB Member Nenette Graf
na ipatigil muna ang operasyon ng Aqua Sports Incorporated hangga’t hindi pa
ito aprobado.