YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 05, 2018

DTI Mobile Business Name Registration, bibisita sa Boracay

Posted January 5, 2018
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay
Image may contain: text
Aasahan ang pagbisita ng DTI Mobile Business Name Registration sa isla ng Boracay sa ika-10 hanggang 11 ng Enero taong kasalukuyan.

Layun ng rehistrasyon na ito na magbigay ng gabay para sa mga potensyal at umiiral na MSME’s o Micro Small and Medium Enterpreneurs sa Bayan ng Malay sa pag-renew o pag-rehistro ng kani-kanilang mga business name.

Nabatid na ang Business Name Registration ang unang hakbang para sa isang business enterprise at masiguro ng mga may-ari nito ang legal na pamamaraan ng paggamit ng pangalan ng kanilang negosyo.

Kaugnay nito, may nakalatag naman na mga babayaran para sa rehistrasyong ito kalakip na rin ang mga kakailanganing Government ID’s para sa mga may nais.

Samantala, naging daan ang Negosyo Center ng Malay sa aktibidad na ito upang hindi mapalayo pa ang mga negosyante at makakuha na rin ng counselling mula sa Negosyo Center Business Counselor.

Thursday, January 04, 2018

Biktima ng paputok sa Probinsya ng Aklan, bumaba ng sampung Porsyento Ayon Sa Pho

Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Bumaba ng sampung porsyento ang biktima ng paputok sa Probinsya ng Aklan ayon sa Provincial Health Office .

Sa panaym kay Provincial Health Office 1, Dr. Cornelio Cuachon, nakapagtala sila ng labing pitong kaso ng firecracker incident ngayong taon kung saan itong rekord ay nagsimula December 21 hanggang January 2, 2018.

Ang tatlo umano s alabing-pito na biktima ng paputok ay nangyari sa mismong selebrasyon ng bagong tain, habang ang labing-apat ay bago ang bagong taon.

Kaugnay nito sa labing-pitong biktima, sampu rito ang nananatiling confine sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital.

Image result for iwas paputok 
Ayon pa kay Cuachon base sa kanilang naitala, itong mga naputukan ay nabiktima ng mga paputon na whistle bomb, kuwitis, boga, at ligaw na bala na nangyari sa bayan ng Buruanga.

Nabatid, ang labing tatlong biktima ng  ay nagtamo ng sugat sa kanilang kamay, tatlo ang sa mata, at isa ang ligaw na bala.

Samantala, magtatagal pa hanggang bukas January 5 ang kanilang monitoring sa mga biktima ng paputok.

Staffhouse ng Chinese Restaurant, nasunog kaninang madaling araw

Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for bfp malayPatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay sa nangyaring sunog sa isang staffhouse ng Chinese Restaurant sa may Sitio Manggayad Balabag kaninang madaling araw.

Sa panayam ng himpilang ito kay Fire Officer 3 Franklin Arubang ng BFP-Boracay, alas- kwatro y singko ng makatanggap sila ng tawag mula sa Security Guard ng D’ Talipapa na mayroon umanong nasusunog na restaurant malapit sa lugar.

Aniya, mabilis nilang pinuntahan ang lugar at sa kanilang pag-responde doon ay naapula na ang sunog dahilan ginamitan ito ng fire extinguisher ngunit minabuti parin nilang buhusan ng tubig upang masigurong wala nang apoy.

Base sa inisyal na imbestigasyon, electrical wiring ang tinitingnan nilang dahilan kung bakit sumiklab ang naturang sunog.

Ayon pa kay Arubang, partially damage itong nasunog na staffhouse at nagkakahalaga naman  ng siyam na libong piso ang danyos.

Kaugnay nito, nagpa-abot ng pasasalamat ang opisina ng BFP Boracay sa mga responders team ng BFRAV, Kabalikat Civicom at iba pang force multipliers na tumulong.

Paggunita ng bagong taon sa probinsya ng Aklan, generally peacefull –APPO

Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Aklan Police Provincial Office (APPO)Naging generally peacefull ang kabuuang selebrasyon ng bagong taon sa probinsya ng Aklan base sa rekord ng Aklan Police Provincial Office ().

Ayon kay PO2 Jane Vega ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Office , bagama’t mayroong mga nabiktima ng paputok at nabiktima umano ng ligaw na bala na kanilang ini-imbestigahan pa hanggang sa ngayon sa pang-kabuuan ay naging matiwasay ang paggunita ng bagong taon sa probinsya.

Sinabi pa ni Vega, isang dahilan kung bakit naging tahimik at mapayapa ang pagsalubong ng bagong taon ito’y dahil sa nagong maulan ang panahon.

Samantala, hangad naman ng APPO na sa mga susunod pang bagong taon na maging matiwasay at wala nang mabiktima ng paputok.

Naging katuwang ng APPO sa seguridad sa pagsalubong ng bagong taon ang Provincial Health Office, Bureau of Fire Protection Unit (BFP) at ibang force multipliers.

Homemade Shotgun, tinurnover sa Boracay PNP

Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Homemade ShotgunIsang Homemade Shotgun ang tinurover sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kahapon ng umaga.

Sa blotter report ng BTAC, kinilala ang nakakita na si Margareta Ramos, isang Manager ng Catering Service.

Nabatid nakita umano nito ang Homemade Shotgun sa loob ng sako sa dalampasigan ng Ilig-iligan Beach sa Yapak kung saan agad naman nitong ini-report sa pulis ang nakitang armas.

Kaugnay nito, temporaryong nasa-kustodiya ng Boracay Crime Laboratory Satellite Office ang ang nasabing Homemade Shotgun.

Tuesday, January 02, 2018

MDRRMO Malay, naka-heightened alert dahil sa bagyong Agaton

Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Naka-heightened alert ngayon ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Malay dahil sa bagyong Agaton.

Sa panayam kay Catherine Ong ng MDRRMO, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring upang masigurong anumang oras ay handa sila sa pagbibigay ng tulong sa mga residente sa bayan ng Malay.

Aniya, bagama’t wala naman ang sentro ng bagyo sa probinsya ng Aklan ay pinag-iingat parin nito ang mga nagbabakasyon sa isla lalo na ang mga maliliit na mangingisda na huwag munang pumalaot upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Dahil dito, ilang local agencies na ang nagpatawag ng pulong para paghandaan ang pananalasa ng nasabing bagyo lalo na at lubog sa ngayon ang malaking bahagi ng probinsya ng Capiz.

Kaugnay nito, inalerto na rin ang lahat ng mga munisipalidad sa Aklan na maging handa sa lahat ng oras at manatiling alerto at umantabay sa lagay ng panahon.

Samantala, naka-monitor ngayon ang publiko at ibat-ibang response team sa posibleng pagtaas ng tubig baha sa Aklan River dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.

Sa kabilang banda, naka-alerto rin ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan at Boracay sa lagay ng panahon na makakaapekto sa mga bangkang papunta at palabas ng isla.

Ayon sa PCG, patuloy parin ang byahe ng bangka subali’t ang ibang Roro Vessel ay nagkansela na ng kanilang byahe dahil sa hindi nila kaya ang malakas na alon.

2-million tourist arrival naabot ng Boracay bago matapos ang taong 2017

Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for TOURIST ARRIVAL BORACAYBago matapos ang taon, masayang ipinaabot ng opisina ng Municipal Tourism Office (MTour) Malay na umabot sa dalawang milyon ang kanilang naitalang tourist arrival para sa taong 2017.

Patunay lamang ito ayon sa MTour na hindi naging hadlang sa mga turista ang kahit anumang kalamidad na dumaan dahil mas pinili parin nilang magbakasyon sa isla ng Boracay.

Base sa record, nakapagtala sila ng 1,052, 975 bilang ng mga foreign tourist habang umabot naman sa 906,939 ang domestic tourist at 42,060 sa mga OFW’s.

Sa pagtapos ng taon nakapagtala ng kabuuang 2,001,974 ang Malay Tourism Office na may 16% na pagtaas kumpara sa nakaraang taon.