YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 05, 2020

Boracay Business group pabor sa temporaryong pag-ban ng turistang Chinese

Posted February 5, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person Pabor si Boracay Foundation Incorporated (BFI) Chairman Dionisio “Jony” Salme na pansamantalang i-ban muna ang turistang Chinese sa Boracay dahil sa Novel Coronavirus o 2019-nCoV.

Sa panayam kay Salme, kung ito ang nararapat ay sang-ayon ang kanilang grupo sa gagawing banning.

Dagdag pa nito, ang hakbang  makakatulong para masiguro na maprotektahan ang publiko at mga turistang nagbabakasyon laban sa naturang sakit.

Aniya, batid niya na malaki ang epekto ng nCov sa bansa lalo na sa ibang tourist destination kabilang na ang Boracay lalo at bumaba ang tourist arrival sa mga nakalipas na araw.

May mga nagsara na rin aniya na mga establisyemento dahil wala masyadong bisita.

Ayon pa kay Salme, nasa employer parin ang desisyon at katunayan aniya ay nakipagpulong na sila sa Department of Labor and Employment para sa mga gagawing hakbang patungkol sa mga empleyado.

Samantala, payo nito sa publiko, makinig ng balita patungkol sa naturang sakit para malaman kung ano ang mga dapat gawin at sundin ang precautionary measure na ibinibigay ng DOH.

Sa naging panayam kay Malay Acting-Mayor Frolibar Bautista, sinabi nito na temporaryo paring naka-ban ang pagtanggap ng mga turistang galing sa bansang China, Hong Kong at Macau na may kaso ng nCoV matapos itong ipinatupad ni Pangulong Duterte.

Malay wala pang kaso ng nCoV -LGU Malay

Posted February 5, 2020
Teresa Iguid, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: textWala pang kompirmadong kaso ng Novel Coronavirus (2019 NCov) sa bayan ng Malay.

Ito ang ibinahaging impormasyon ng LGU Malay sa inilabas nilang NcOV Bulletin ngayong araw.

Paglilinaw pa nila, wala ring PUI o Person Under Investigation sa Mainland Malay at isla ng Boracay.

Sa ngayon ay mayroon umanong 429 na Persons Under Monitoring o PUM dahil sa kanilang travel history mula China sa nakalipas na labing-apat (14) na araw.

Paliwanag pa ng LGU Malay, ang 2,000 Chinese maliban sa Wuhan ay arrival record na naitala ng Municipal Tourism Office mula January 25 hanggang February 3, 2020.

Taliwas ito sa lumabas na balita na ang 2,000 na Chinese umano ay nasa PUM o Persons Under Monitoring pa rin.

Anila, karamihan sa mga ito ay nakalabas na ng bansa at nasa 429 na lang ang imo-monitor.

Samantala, nakapagbuo na ang Lokal na Pamahalan ng Malay ng Inter-Agency Task Force Against the 2019 Novel Coronavirus at mas pinaigting ang Education and Information Campaign sa lahat ng sektor para maka-iwas sa naturang sakit.

WVRAA Meet sa Aklan kinansela dahil sa 2019-NCOV

Posted February 4, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
CTTO
Ire-reschedule nalang ang Western Visayas Regional Athletic Association Meet (WVRAAM 2020) na gaganapin sana sa Aklan dahil sa 2019 nCov.

Ito ang ikinumpirma sa panayam kay Rebecca Ibarreta, Education Program Supervisor in MAPEH at Athletic Manager in Sports ng DepEd-Aklan.

Aniya, ang pag postpone at pag re-schedule ng WVRAA Meet 2020 ay atas mismo ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Magpupulong din aniya ang mga Schools Division Superentindent sa buong rehiyon para mapag-usapan ang final schedule ng WVRAA 2020.

Samantala, maliban sa WVRAA ay pansamantala ring pinostpone ang iba pang regional events kasama na ang Palarong Pambansa.

Ang inisyatibo ay para masiguro na ligtas at hindi ma-expose sa pampublikong lugar ang mga estudyante, atleta, coaches, guro at mga magulang lalo’t may kaso na ng 2019-nCoV sa bansa.