Posted June 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa ang bayan ng
Malay sa napiling maging benipisyaryo ng Handog Titulo program ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) sa probinsya ng Aklan.
Ito ay sa
pakikipagtulungan sa Land Registration Authority sa pamamagitan ng Registry of
Deeds at ng Department of Education (DepEd) nitong Hunyo 10.
Kasama sa mga
nabigyan ng libreng titulo ang 19 na mga paaralan sa bayan ng Altavas, Banga,
Balete, Batan, Kalibo, Tangalan at Nabas at 14 naman na agricultural land recipients mula sa
mga bayan ng Numancia, Malay, Balete, Tangalan, Madalag, Altavas at Banga.
Nabatid na ang
distribusyon ng patent titles ay may kaugnayan sa DENR’s Environment Month
celebration na may temang “Go Wild for Life, Combat Biodiversity Loss, #GreenEnvironmentGawingForever.”
Matatandaang
nitong nakaraang taong 2015, ay namahagi rin ang DENR ng special patents sa 22 paaralan
sa siyam na bayan sa Aklan sa ilalim ng pangalan ng Department of Education, alinsunod
sa Republic Act No. 10023 o ang Residential Free Patent Act of 2010.