Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Ito ang hamon na binitawan ni Malay Acting Mayor Frolibar
Bautista sa mga department at unit heads ng LGU-Malay sa ginawang Inaugural
Session nitong Martes.
Inisa-isa ng alkalde mga dapat pagtuonan ng pansin ng
bawat departamento dahil hindi umano ramdam ng taga-mainland Malay ang pagiging
1st Class Municipality ng Malay.
Tinukoy nito ang ilang problema tulad patubig sa ibang
barangay, makitid na kalsada at health services sa mga Malaynon.
Aniya masakit isipin na ang Boracay ay sagana sa tubig
dahil sa Nabaoy River subalit ang mga barangay tulad ng Naasug ay walang
mapagkukunan ng maiinom.
Hindi rin daw binigyan ng sapat na atensyon na mapalapad
at mapaganda ang kalsada ng ibang mga destinasyon tulad ng Nabaoy gayundin ang
paakyat na kalsada sa Naasug.
Ipinunto ni Bautista na dapat mag-ikot ang mga department
heads ng LGU-Malay at pagtuunan ito ng pansin dahil may pera naman aniya ang
Malay.
Pinuna niya rin ang suliranin sa mga buildings sa Boracay
na ayon sa huli ay hindi nasusunod at na-iimplementa ng tama rason na
nagkaproblema ang isla.
Sa pangkalahatan, layunin umano nito na madevelop din ang
mainland Malay.
Samantala, hinikayat nito ang mga bagong miyembro ng SB
Malay na magtulungan upang unti-unting maresolba at mapaganda ang lokal na
pamamahala.