(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Maging si Jetty Administrator Nieven Maquirang ay nagtataka kung bakit ngayon palamang nai-sampa ang kaso laban sa pamahalaang probinsya may kaugnayan sa makontrobirsyal na reklamasyon sa Caticlan.
Sapagkat sa pahayag nito sa panayam ng YES FM, sinabi ng administrador na nasa walongpung pursienyento na ang natatapos sa ginagawang pagtatambak sa proyektong ito na 2.6 hectar.
Aniya, sa kasalukuyan ay ang pag papatag at pagtambak upang tumaas nalamang ang ginagawa ng kontraktor samantala ang lay out ay patapos na rin.
Dagdag pa nito, na nasa estado na rin sila ng pag-gawa ng desinyo para sa gusaling ilalagay dito at iyon at ekslusibo lamang para paglilipatan ng passenger terminal upang magkaroon na rin ng kakayahang makatanggap ng milyong turista o pangmaramihan bisita ang pantalan.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi rin maiiwasan na magtanong ang nakakarami kung ano pa ang epektong dala ng pagkaso ng BFI gayong patapos na rin ang reklamasyon.