Posted May 23,
2015
Ni Bert Dalida/Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasunod nito, pormal na ring binuksan kanina ang opening
session ng MRT o Ministers Responsible for Trade Meeting na isinagawa sa Sagana
Ballroom, Shangri-La.
Ang MRT ang siyang itinuturing na pinakamahalagang
pagpupulong sa mga events ng APEC meetings sa taong ito.
Dito kasi tinutukan ng mga delegado lalo na ng APEC
Business Advisory Council ang tungkol sa multilateral trading system, regional
economic integration at ang partisipasyon ng MSME o Micro, Small and Medium
Enterprises sa regional at global markets.
Kaugnay nito ngayong ala-sais naman ng gabi magaganap ang
welcome dinner ng mga delegado na gaganapin rin sa Shangri-La Boracay.
Ayon naman kay Trade and Industry Secretary Gregory
Domingo sa isa umano at kalahating araw na MRT bukas ay ilang serye ang
magaganap na meeting kasama na ang ilang social functions.
Nabatid na ang MRT ay nakatuon sa tatlong main areas kung
saan ito ay ang pagsuporta sa multilateral trading system, regional economic
integration na kadugtong ng agenda sa APEC at ang fostering MSMEs’
participation sa regional at global markets kung saan ito ang proyoridad ng
Pilipinas.
Samantala, bukas na rin magtatapos ang Asia Pacific
Economic Cooperation (ASEAN) sa Boracay na ginanap sa loob ng dalawang linggo.