Posted March 2, 2018
“Parusahan ang violators at hayaang bukas ang mga
compliant”.
Ito ang isa sa mga rekomendasyon ni Senate Committee Chairman on Environment and Natural Resources Senator Cynthia Villar sa ginanap na pagdinig ng komite patungkol sa mga problema ng Boracay.
Ito ang isa sa mga rekomendasyon ni Senate Committee Chairman on Environment and Natural Resources Senator Cynthia Villar sa ginanap na pagdinig ng komite patungkol sa mga problema ng Boracay.
Ayon sa senadora, imbes na isara ang Boracay bakit hindi
i-demolish ang mga lumabag sa environmental laws at hayaang makapag-operate ang
mga establisyementong sumusunod sa batas.
Ang pahayag na ito ni Villar ay sinang-ayunan ni Senator
Loren Legarda sabay ang paalala sa DENR na dapat kasuhan ang mga umabuso at
nagpatayo ng straktura lalo na sa mga wetlands at forestlands sa isla.
Lumalabas sa datos ng DENR na lima sa siyam na classified
wetland ay napatayuan na ng mga resorts at buildings.
Dahil dito ,nais ng mga senador na bigyan sila ng kopya
kung sino-sino ang mga nagpatayo ng straktura at kung sino ang mga nanungkulan
sa DENR sa mga panahon na iyon.
Ayon sa mga senador, kung isasara ang Boracay ay malaki
ang epekto nito hindi lamang sa mga naghahanap-buhay dito kundi maging sa
turismo at imahe ng Boracay.
Ito rin ang kahilingan at apela ni Aklan Governor
Florencio Miraflores kung saan ayon sa gobernador ay meron na silang action
plans ni DENR Secretary Roy Cimatu kung paano ito solusyunan sa loob ng anim na
buwan.
Samantala, nagpasaring naman si Senator Joel Villanueva
sa DOT, DILG, at DENR na dapat magkaroon ng communication protocol para hindi
malito ang publiko at tama ang impormasyon na makakarating kay Pangulong
Duterte lalo na kung sensitibo ang isyu.
Sa usapin naman ng sewerage, nais ni Villar na mag-usap
ang dalawang water utility na BIWC at Boracay Tubi kung ano at saan sila
pwedeng mag-serbisyo at maglatag ng sewer network dahil naniniwala ang huli na
walang free enterprise sa serbisyo ng tubig at waste-water.
Sa pagtatapos ng pagdinig, nais ng mga senador na
pag-aralang mabuti ng DILG, DOT, at DENR ang gagawing rekomendasyon sa pangulo
dahil hindi sila pabor sa pagsasara ng Boracay.