Posted December 14, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
“I-segregate ng mabuti”.
Ito ang sinabi at nais ipaabot ni Engr. Jan Michael Tayo
ng Solid Waste Enforcer and Educator Team Leader-Environment Management Bureau
Region 6 sa mga Boracaynon upang ma-resolba ang suliranin sa solid waste.
Nitong Sabado sa panayam sa kanya sa Boracay Goodnews,
kailangan umano ng pauli-ulit na edukasyon sa mga tao upang sundin nila ang mga
regulasyon na ipinapatupad at dapat mag-umpisa talaga ito sa mga kabahayan.
Iginiit nito dapat sa mga bahay palang simulan na ang
pag-segregate ng maayos kung saan inihalintulad nito ang isang plastic bottle
na tumatagal ng dalawang daan hanggang apat na raang taon bago matunaw kung ito
ay nakakalat.
Sinabi pa nito na ang basura ay hindi problema ng isa o
ibang tao kundi problema ng lahat na kailangang resolbahin.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan sila sa mga Barangay pero
bago nito ay isinasailalim muna nila ito sa mga seminar upang malaman nila ang
implementasyon, regulasyon at ordinansa.
Hinihikayat din ni
Tayo ang mga Barangay dahil sila ay nagsasagawa ng house to house visit kung
saan nasa proyekto nila ngayon ang tatlong taong aksyon na malinis ang Boracay.
Katuwang ng kanilang adbokasiya ay naglaan ng budgetang
DENR para sa mga machine na gagamitin ng sa gayon ay makatulong sa MRF operation.