YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 14, 2011

Kultura ng limang bansa, ipapakita sa Boracay kasabay ng pagpapailaw sa streetlights

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ipapakita ng limang bansa sa paraan ng pag-sayaw ang kanilang kultura dito sa isla ng Boracay bukas.

Bilang patikim, magtatanghal ang mga ito sa oras na alas kwatro ng hapon sa Balabag Plaza at libreng itong mapanuod.

Inaasahan na masasailayan ang umang bahagi ng kanilang pagtatanghal bukas  bago paman nila ipakita ang lahat ng kanilang inihandang palabas sa darating na ika labin anim ng Disyembre sa isaang Resort dito sa isla.

Bukas din mismo darating na ang grupo ng mga performer na kinabibilangan ng Korea, Italy, Rome, Finland at Russia, gayon din ng Pilipinas para ipakita ang kanila kultura.

Layunin ng pagtatanghal na ito ay maipakita at maipabatid sa publiko sa Boracay ang kani-kanilang kultura para kahit papano ay malaman din ng mga ito.

Kasunod nito ay ang pormal na pagbubukas ng programa kaugnay sa Lantern making contest na lalahukan ng iba’t ibang Baranggay na inorganisa ng Solid Waste Management at LGU Malay.

Maliban dito, magiging maliwanag na ang kalye ng isla, dahil bukas din ng takip silim, ay pormal nang papailawin ang mga street lights sa Boracay. 

Yapak Punong Brgy. Hector Casidsid, magpapaskong may kaso!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kung matutuwa ang mga empleyado at opisyal ng bayan ng Malay dahil makakatanggap ng bonus ngayong Pasko, mistulang hindi naman ito kagandahan sa bahagi ni Yapak Punong Brgy. Hector Casidsid na kakabalik lang mula sa pagkasuspende nito ang akisyong gagawin ng Sangguniang Bayan.

Dahil kung mapatunayang balido ang kasong administratibo na isinampa laban dito ng limang miyembro ng Brgy. Kagawad nito sa Yapak, muli itong i-imbestigahan ng konseho.

Sa isinagawang sesyon noong Martes, kasama sa pinagdebatihan ang hinggil sa reklamong natanggap ng SB Malay laban kay Casidsid dahil sa paggamit nito sa mga lagdang nakalap mula sa kampaniya ng No to Casino na siya di umanong ginamit ni Casidsid na depensa sa pagpapahiwatig umano ng suporta ng publiko sa Yapak sa kaniya bilang Punong Brgy kaugnay sa kasong isinampa ni Island Administrator Glenn Sacapaño dito.

Dahil dito, ang Sangguniang Bayan ay bubusisiin naman ang reklamo na ito para mabigyan ng kaukulang aksiyon. 

Bonus ng LGU Malay, abot P11M!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inaasahang magiging maligaya ang Pasko at Bagong Taon ng mga empleyado ng LGU at mga opisyal ng Malay sapagkat aabot sa P11 million ang inilaan para sa Productivity Enhancement Incentives (PEI) o bonus ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay isinasabatas na ang proposisyon ng Akalde sa Sangguniang Bayan para mailabas na mula sa kaban ng bayan at pormal nang maipamigay sa mga empleyado at opisyal ng bayan.

Ayon kay SB Member Rowen Agguire, ang pondong P11 million na siyang ipamamahagi sa mga empleyado ay nagmula sa savings ng bayan, partikular ito ay inilaan sana sa pangsahod ng buong taon sa  bagong gawang mga posisyon, pero hanggang sa ngayon ay bakante parin at hindi nagamit ang pondo.

Ito ay ayon naman din sa deklarasyon ng Municipal Accountant bilang savings ng bayan.

Nabatid mula sa konsehal na ang makakatanggap ay lahat ng appointed, permanent, casual na empleyado at halal na opisyal.

Samantala, ayon naman kay SB Member Esel Flores, ang mga empleyadong nasa job order ay hindi na saklaw ng pondong ito, sa halip ang matatanggap aniya ng mga ito yaong dagdag sa sahod nilang P20 pesos, pero hindi pa naibibigay sa kanila kaya ngayon ito ang magiging bonus nila. 

Tuesday, December 13, 2011

Boracay PNP, isinailalim sa random drug testing

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Pansamantalang natigil ang karaniwang operasyon ng mga taga Boracay PNP kaninang umaga, nang sorpresang dumating ang mga taga SOCO o Scene of the Crime Operatives doon.

Isinailalim kasi ang mga ito sa Random Drug Testing, kung saan aktuwal na isa-isang pinagbawas ng duming tubig sa katawan ang mga pulis upang mabatid kung gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang mga pulis dito sa isla.

Ayon kay Police Supt. Macario Taduran, provincial chief ng SOCO Aklan.

Layunin umano ng naturang random drug testing na linisin ang mga kapulisan kaugnay sa Integrated Transformation Program ng Philippine National Police.

Samantala, ayon pa kay Taduran, dapat na lahat ng mga pulis ay sumailalim dito upang mapanatili ang tiwala ng  kumunidad.

Kaugnay nito, nagbabala naman si Taduran sa mga pulis na kakasuhan ang sinumang  tumangging sumailalim sa random drug testing.

“Kaso ng pagkalunod sa Boracay, aksidente lang.” --- Glenn Sacapaño

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Wala naman may gustong may malunod sa Boracay, dahil ang mga insidenteng katulad nito sa isla ay pawang aksidente lamang.”

Ito ang naging pahayag ni Island Administrator Glenn Sacapaño, kasunod ng panibagong naitalang pagkalunod ng isang Chinese National kamakailan lang.

Naniniwala si Sacapaño na walang pagkukulang ang life guard sa nang-yaring iyon sapagkat aksidente lang ito.

Nang matanong kung kailangan pa bang dagdagan ang bilang ng life guard mayroon sa isla upang mas mapa-unlad ang kanilang trabahong bantayan ang baybayin para makaiwas sa sakuna ng pagkalunod.

Aniya madali lang ang magsabing dadagdagan ang mga life guard dito, ngunit ang aniya ay wala pang pundo para sa mga ito.

Samantala kaugnay sa usaping ito, para mapagtibay sana ang ordinansa ng bayan na nag-uutos na lahat ng mga resort sa isla ay dapat magkaroon ng life saver o rescuer lalo na sa mga establishementong may swimming pool.

Nagpahayag naman kahandaan ang Red Cross Boracay na magsanay ng staff ng mga resort na ito, upang may tutugon sa insidente ng pagkalunod na hindi na umasa pa sa Life Guard.

Ayon kay Ma. Josepha Rebustes Volunteer Instructor ng Red Cross Boracay, inihayag nito ngayong na marami na rin ang humiling sa kanila para sanayin ang ilang sa mga empleyado, gayong mahalaga ito para sa kaligtasan ng mga bisita sa isla.

Christmas light na binibenta sa Aklan, ligtas gamitin

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi lamang mga pang Noche Buena products ang masusing binabantayan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan kundi pati na mga christmas lights na ibinibenta sa pamilihan.

Gayon pa man, ikinatuwa ni DTI-Aklan Director Diosdado Cedena ang ginawang nilang pag-iikot sa mga pamilihan.

Tanging ang mga nasa listahan na “certified brands” at mula sa otorisadong dealer lamang aniya nagmula ang mga umiikot ngayon sa establishemento sa bayan ng Kalibo at isla ng Boracay na may tatak na Import Commodity Clearance (ICC).

Ibig sabihin, “safe” o ligtas ang mga Christmas light na ibenibenta dito.

Ayon kay Cadena, malaki ang naitulong ng maaga nilang pagpapalabas nila ng listahan ng mga otorisado at certified na brands, mula pa lang noong Setyembre, dahil maaganmg nalaman ng publiko at mga establishimiyento ang bibilhin at titingnan nila. 

Resulta ng pagmonitor sa presyo ng Noche Buena products, nakakatuwa ba? --- DTI-Aklan

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ngayong mataas pa ang presyo ng bilihin at mataas ang demand sa mga Noche Buena products, todo bantay umano ang ginagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga presyo ng mga produkto sa mga pamilihan, ayon kay DTI-Aklan Director Diosdado Cadena, para hindi manamantala ang mga negosyate sa ganitong panahon.

Subalit sa kabila ng kanilang mahigpit na pagbabantay, hindi aniya nila malaman kung ikakatuwa o ikakalungkot nila ang naging resulta ng pagmonitor nila noon nagdaan taong hanggang ngayon.

Ito ay dahil simula pa man noong wala aniya silang nakitang may lumabag sa batas ukol dito o nahuling na may nag-over price at hindi sinusunod ang suggested retail price (SRP) na ipinapatupad ng DTI.

Aniya, dalawa lamang ang ibig sabihin ng ganitong resulta, maaaring maging “good” sapagkat walang silang nahuhuli na nagpapatunay aniyang sumusunod ang mga negosyante sa batas.

“Bad” naman ito sapagkat, sa kabila ng magandang resulta ng kanilanag paghihigpit, pero nalulungkot sila na baka may nangyayari nang over pricing sa ilang establishemento, subalit hindi nila nahuli dahil isinasawalang bahala at wala naman nagsusumbong mula sa mga mamimili.

Dahil dito, humiling ng kooperasyon sa publiko si Cadena na maging listo sa pamimili nila ngayong Pasko.

Samantala, kung ngayong Disyembre ay sobra mahal ng mga bilihin lalo na sa Noche Buena products, inaasahang sa Enero ng taong 2012 tinatanaw ng DTI -Aklan na baghayang baba umano ang presyo ng mga produktong ito. 

Empleyado ng Provincial Tourism, pinag-aaralan mag-salita ng Chinese

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi lamang English at Korean language ang sinisubukan ipakilala sa mga Pilipino dito sa Aklan. Katunayan, pati ang salitang Chinese ay pinag-aaralan na rin.

Ito ay kasunod ng hindi na maawat na pagdagsa ng turista sa Aklan dahil na rin sa lulmalakas na industriya ng turismo sa Boracay.

Dahil dito, inutusan ngayon ng pamahalaang probinsiya ng Aklan, partikular ni Aklan Governor Carlito Marquez, ang mga opisyal ng Provincial Tourism at mga empleyado nito na mag-aral ng salitang Chinese.

Sa paghihikayat ng gobernador, hiniling nito na kahit basic lamang umano ay matutunan nila nang sa gayon ay maintindihan ng mga empleyado ang salitang Chinese para mas mapadali ang komunikasyon sa gitna ng mga Intsik, gayong sila ang front liners sa mga turista, lalo pa at inaasahan na mas dadami pa ang Chinese arrivals sa isla.

Matatandaang sa kasalukuyan ay ang mga Chinese ang pumapangalawa sa pinakamaraming bilang ng turista sa Boracay, samantalang ang mga Koreans naman ang nangunguna.

Ang nasabing datos na batay sa ulat ng Municipal Tourism ng Malay, at inaasahang dadami pa ito sa mga susunod na panahon.

Layunin ng paghikayat ng gobernador na mag-aral ng Chinese langage ang mga empleyado upang makapag-bigay ng magandang serbisyo sa mga turista.

Sunday, December 11, 2011

Masangsang na amoy sa Manggayad, tutugunan na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Totoo naman nagiging hindi maganda ang amoy sa area ng Sitio Manggayad, Brgy. Balabag, subalit walang umanong umaako kung saan ito nagmumula.

Subalit sa pulong na isinagawa noong a-nuebe ng Disyembre sa Malay Action Center na ipinatawag ni Island Administrator Glenn Sacapaño kasama ang mga establishemento na  pinaghihinalaang pinagmulan ng masangsang na amoy sa nasabing area, ay wala namang umaamin dahil hindi naman umano nagmula sa kanila ang hindi kanais-nais na amoy.

Mariin naman itinaggi ng Boracay Island Water Company (BIWC) na may kinalaman sila sa problemang ito.

Dahil dito, nagkasundo at nagpasya ang mga dumalo sa pulong  na bigyan na lang muna ito ng panandaliang solusyon: mag-lagay ng gamot sa pinagmulan ng hindi kanais-nais na kulay ng tubig at amoy na tila mula sa septic tank.

Maliban dito, magsasagawa na lang umano ng inspeksiyon sa drainage ang LGU Malay sa lalong madaling panahon at ipapa-monitor ang area na nakitaan ng problema.

Isinagawa ang nasabing pulong dahil tila napapadalas na ang mga reklamo sa nasabing area at nagiging kahiya-hiya na sa mga dumadaang turista ang masangsang na amoy na nanggagaling sa nasabing lugar.

Presyo ng e-trikes, hindi nagustuhan ng BLTMPC

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mukhang hindi magkasundo ang Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC at kumpanya ng electric tricycles o “e-trikes” na kasalukuyang isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Malay sa presyo ng electric tricycle na ito para planong ipalit sa tradisyunal na tricycle sa isla.

Dahil dito, hindi pa makakapag-desisyon ngayon ang kooperatiba ayon kay Ryan Tubi, Chairman ng Board of Directors ng BLTMPC kung sa kumpanyang isinusulong ng SB ngayon sila kukuha ng mga unit ng e-trike.

Ito ay sa kabila ng alok ng kumpaniyang sa ilalim ng Asian Development Bank (ADB) at Department of Energy (DoE) na bibigyan ng sampung unit ng e-trike ang BLTMPC para i-test drive ito sa isla at sampu rin ang para sa konseho.

Pero dahil sa namahalan ang kooperatiba sa presyong P200,000 piso bawat unit na babayaran sa loob ng 3 taon mula sa kikitain araw-araw na P600.00, tila hindi umano ito kinagat ng kooperatiba, ayon kay Tubi, dahil nagdududa ang mga ito kung kakayanin ng tricycle driver na kitaan sa isang araw lamang ang anim na daang piso.

Nakadagdag pa sa pagdadalawang isip ng BLTMPC na tanggapin ang sampung e-trike, dahil may iba pang kumpaniya ang  intresadong ring pumasok at magsuplay ng mga katulad na sasakyan, na nakapag-prisenta na rin sa kooperatiba at sa mas murang presyo sa parehong kalidad.

Sampung e-trikes para sa BLTMPC, hindi matutuloy?

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bunsod ng nakitang suliranin ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC sa e-trike na ini-endorso ng konseho, tila mapupurnada ang delivery ng sampung e-trikes ng kooperatiba, sapagkat hindi pa nagpahiwatig ng pagkumpirma ang BLTMPC na tatanggapin nila ang mga sasakyang ito.

Ito ay sa kabila ng inihayag ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron na handa na ang mga e-trike o electric tricycle para i-deliver sa Boracay anumang oras noong unang lingo ng Disyembre.

Subalit sa panayam kay Ryan Tubi, Chairman ng Board of Directors ng BLTMPC, sinabi nitong hindi na siguro matutuloy muna ang sampung e-trike para sa kooperatiba kasabay ng sampung e-trikes ng konseho.

Bunsod nito ay posibleng ang sampung unit para sa Sangguniang Bayan lang ang matutuloy kung saka-sakali.

Matatandaang unang nang nagpahayag ang kooperatiba na bukas sila sa ibang kumpaniya ng e-trikes na nagnanais na mag-presenta ng produkto para makapili ng dekalidad, mura at makakayang ng mga drivers ng traysikel. 

Friday, December 09, 2011

Pamamasko ng mga tricycle drivers sa mga pasahero sa Boracay, BAWAL!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Kung dapat suklian, suklian talaga.”

Dahil dito, tila hindi makakapamasko sa pasahero ang mga tricycle driver sa Boracay.

Ito ang nilinaw ni Ryan Tubi , Chairman ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC, para sa mga tricycle driver sa isla, kaugnay sa hindi pagbigay ng tamang sukli sa mga pasahero sa dahilang magpapasko naman, kaya ang mga barya ay hindi na ibinibigay.

Subalit mariing inihayag ni Tubi na hindi dahilan ang Pasko para hindi magbigay ng sukli.

Nilinaw din ng BLTMPC Chairman na ang sinusunod na taripa o pamasahe sa gabi ay pareho lang dapat sa taripang sinusunod sa araw kaya pareho lang din ang pamasahe sa gabi at araw.

Ang pahayag na ito ni Tubi ay kasunod ng ilang obserbasyon na ang ibang tricycle driver ay naniningil ng pamasahe ng sobra sa gabi.

Pero para mabigyan umano ng solusyon ang problemang ito, idinulog nila sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Bilang aksiyon ng LGU, binuksan ang tanggapan ng Municipal Auxiliary Police (MAP) ng 24 oras para may mapagsumbungan ang mga pasahero kung sino man ang mga driver na namamantala at may mahingan ng tulong ang mga pasahero.

LGU Malay, nakakaramdam na ng hiya sa sitwasyon ng drainage sa Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nahihiya na diumano, sa totoo lang si Engr. Elizer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay, dahil sa pababalik-balik na isyu tungkol sa problema ng drainage system sa Boracay.

Pero wala umano silang magagawa kundi ang tumanggap ng mga negatibong reaksyon at reklamo mula sa publiko.

Gayon pa man, mariin nitong sinabi na ang tanggapan nila ay bukas sa anumang reklamo at nakahandang sumagot sa mga katanungan hinggil sa nasabing isyu kahit pabalik-balik pa ito.

Ito ay sa kabila sana, ayon sa enhinyero, ng katotohanan na ang drainage na ito sa isla ay hindi pa saklaw ng kanilang responsibilidad.

Saad nito, minsan na umanong nai-turn over ito sa lokal na pamahalaan ng Malay sa dati nitong adminastrasyon, at bagamat tinanggap na ito ay gumawa umano sila ng sulat sa Philippine Tourism Authority (PTA) na ibinabalik nila sa nasabing ahensiya ang drainage.

Ito ay dahil nakitaan aniya nila ito ng napakaraming problema at ang PTA ang may hawak ng plano dito at sila din ang mas nakaka-alam sa mga detalye nito.

Subalit dahil sa naipit na sa sitwasyong ito ang LGU Malay at ang Boracay din naman ang apektado dito at kasama na ang mga pinuno ng bayang ito ang masisi, gagawan pa rin aniya nila ng paraan para mabigyan ng pansamantalang solusyon, kaya maluwag nilang tatanggapin ang anumang reklamo tungkol dito.  

Mga nagrereklamo tungkol sa drainage, hindi masisisi ng LGU Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay


Hindi rin umano masisi ng lokal na pamahalaan ng Malay ang mga establishimiyento sa Boracay kung bakit may mga nagrereklamo hinggil sa sitwasyon ng drainage system, at kung bakit kanya-kanyang gawa ng solusyon ang mga establishimiyentong ito para maibsan ang suliranin nila ukol dito, dahil naiintidihan naman nila umano ang mga ito.

Bagamat bawal umamo sanang gamitan ng motor para ipa-isipsip at idispatsa ang laman ng drainage sa kung saan partikular ang pagtatapon nito sa dagat lalo na kung baha.

Hindi rin naman umano masisi ang mga gumagawa nito sapagkat iyon lang ang tanging naisip nilang “band-aid solution” sa ganitong problema kahit hindi dapat ayon kay Engr. Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay.

Gayon pa man, ang mga problema umanong ito na nararanasan sa isla ay nasa plano na rin ngayon ng lokal na pamahalaan para mabigayan ng solusyon ang drainage system pagdating sa pagma-mentina ng proyektong ito.

Pero magagawa umano nila ito kung pormal nang mai-turn over ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na dating Philippine Tourism Authority (PTA) ang proyektong ito.

Thursday, December 08, 2011

Disenyo ng seawall para sa Boracay, hindi pa naisumite

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hanggang sa kasalukuyan ay walang pang naisusumeteng plano ang mga stakeholder sa Boracay kaugnay sa pinag-uusapan noon hinggil sa planong disenyo ng beach protection o sea wall para hindi mapasok ng tubig ang mga establishemento sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Engr. Elezer Casidsid, kung saan layunin na magkaroong ng isang disenyo lamang nang sa gayon ay maging kanais-nais sa paningin ng mga turista ang baybayin ng isla.

Napagkasunduan na ito ng lokal na pamahalaan ng Malay at nangako ang mga stakeholder na sila ang gagawa ng akmang disenyo sa isinagawang pulong tungkol sa nasabing usapin ilang buwan na ang nakakalipas.

Ngunit magtatapos na ang 2011 ay hindi pa ito naisusumite sa Engineering Department upang mai-presenta at ma-aprubahan sana ng konseho.

Ang akmang desinyo sana ng seawall sa Boracay ay para sa proteksiyon ng mga establishimiyento sa front beach, at pinapaniwalaan isa sa mga solusyon para maiwasan ang sand erosion dito.

Matatandaang noong nakaraang summer ay nagkaroon ng problema sa baybayin ng Boracay kung saan lumitaw ang mga tubo ng tubig, sewer at kuryente kasabay ng naranasang beach erosion dito.

Samanatala, ayon kay Engr. Casidsid patuloy pa nilang hinihintay ngayon ang disenyo na isusumite mga stakeholders.

Wednesday, December 07, 2011

Coast Guard, naghahanda na para sa ligtas na baybayin ng Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bilang tulong ng Coast Guard sa Life Guard para mapanatiling ligtas ang mga maliligong publiko sa baybyain ng isla, gayong magpapasko at bagong taong kasabay ng pagdagsa ng bakastunistang turista mapa lokal man ito o dauyhan.

Naghahanda na ang Coast Guard para sa gagawin umano nilang maritime Patrol na magsisimula sa ika labin pito ng Disyembre ayon kay Chief PT  Officer Arthur Egina, Station Commander ng Coast Guard Boracay.

Dahil dito inaasahan na rin ayon kay Egina na magpapadala ng karagdagang tao ang Higher Head Quarters nila para matulungan sila dito sa pagbabantay sa kaligtasan ng publiko mula sa pagkalunod.

Samantala, aminado naman si Egina na bahagi din ng obligasyon nila ang magbantay baybayin katuwang ang Life Guard.

Matatandaang, nitong nagdaang taon ng 2010 kasabay ng pagdiriwang ng Pasko, nakapagtala ng nalunod sa mismong araw ng pasko dito sa Boracay, maliban pa sa mga huling kaso nang pagkalunod kamakailan lamang sa naging sentro ng pagbatikos sa Life Guard.

Boracay Hospital, tataasan na ang level sa 2012

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Taon na rin ang hinintay bago nagamit ang x-ray machine sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital o mas kilala sa Boracay Hospital.

Ngunit matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas, ay pormal na nga itong mapapakinabangan ngayon.

Sa pagkukumpirma ni Dra. Mishelle Depacakibo, Adminstrador ng Boracay Hospital sa isang panayam, may isang linggo na rin umanong ginagamit ng ospital ang x-ray machine, subalit, dinadahan-dahan nila ang paggamit nito, lalo pa at nasa estado palang ito ng dry run o pagsubok sa ngayon.

Maliban sa x-ray, may ECG, mga gamot, at may tatlong doctor na rin aniyang naka duty dito.

Dagdag pa nito, aasahang aniyang sa susunod na taon ng 2012, may mga bagong mangyayari pa para mapa-unlad ito, kung saan mula sa primary hospital, i-aakyat na ito sa mataas na level.

May mangyayari ding expansion at dadagdagan ang mga kwarto, pasilidad at mga staff dito, na siyang makakatulong  para lalong mai-angat ang antas ng kanilang serbisyo.

Mga media, lulusob sa Boracay para sa 16th National Press Congress at Global Media Forum

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inaasahang lulusubin ng mga media ang Boracay, hindi lamang  ng mga mamamahayag mula sa Pilipinas, kundi inaasahang mayroong ding mga darating mula sa ibang bansa para makibahagi sa 16th National Press Congress (NPC) na gaganapin dito sa isla sa darating na a-otso hanggang a-diyes ng Disyembre.

Pangungunahan ni Sen. Edgardo Angara, Presidential Communications Secretary Ramon Carandang at ng ilang lokal na opisyal ng Aklan ay Malay ang programa.

Inaasahang dadaluhan naman ng mga prominenteng mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa bilang mga delegado ang 16th NPC at Global Media Forum (GMF).

Maliban kila Angara at Carandang, inaasahan din ang pagdating sa Boracay para dumalo si Malaysian Ambassador Dato Seri, Dr. Ibrahim Saad, at Ethan Sun na deputy chief ng embassy ng China.

Inaasahan din ang pagdalo ng bureau chief ng American Broadcasting Company na si Choto Sta. Romana, Albay Governor Joey S. Salceda, Manila Overseas Press Club president and Philippine Daily Inquirer publisher Isagani Yambot, National Press Club president Jerry Yap, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) president Roberto J. Nicdao  Jr., Ms. Girlie Linao, pangulo ng Foreign Correspondent Association of the Philippines (FOCAP), at Allan T. Siaon, Pangulo ng Federation of Provincial Press Club of the Philppines (FPPCP), na kapwa mga speaker din sa NPC.

Sa gagawing 16th NPC at Global Media Forum (GMF), inaasahang halos lahat ng isyu sa lipunan, kapaligiran at pamahalaan ay tatalakayin sa okasyon ito.

Nakumpuning streetlights sa Boracay, nasa 80% na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi man mapapa-ilaw ng sabay-sabay sa akinse ng gabi ang streetlights sa Boracay, pinasiguro naman ni Engr. Elizer Casidsid Municipal Engineer ng Malay na matutuloy na ang pagpapa-ilaw nito kasabay ng ilulunsad na programa ng alkalde sa nasabing petsa ding iyon kaugnay sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kung saan sa kasalukuyan ay nasa walongpung pursiyento na umano ng mga streetlight na ito ang umi-ilaw ngayon, pero sabay-sabay aniya itong bubuksan sa a-kinse.

Ayon kay Casidsid, natagal ang pagsasa-ayos nila dito, dahil marami talaga ang napinasala sa mga linya dahil nagkanda putol na.

Sa kasalukuyan ay nasa area na aniya sila ng Manoc-manoc , kung saan kinukumpuni ng mga linya para malagyan na ng ilaw at makumpleto ang mahigit dalawang daang posteng  ito para maihabol at maisabay sa pormal na pagbubukas ng streetlights.

Istraktura ng BSTPO, ipinababago ng SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

May plano ngayong umapela ang Sangguniang Bayan ng Malay sa mataas na tanggapan ng Philippine National Police (PNP) para kilalanin din ang Punong Ehekutibo ng Malay pagdating sa pagpili ng hepe na ilalagay sa Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO).

Sa pagkakabuo kasi ng BSTPO noong 2005, batay sa General Order ng Pulisya, direkta ito sa nasyonal at ang Regional Office, Provincial Office at ang gobernador lamang ang maaari makapili ng ilalagay na Hepe dito.

Subalit, sa pagdalo kanina sa sisyon ni Atty. Wilfredo Sereño, ang representante ng National Police Commission (NAPOLCOM), tila nalinawan din ang konseho ukol sa pagkakabuo ng BSTPO.

Gayun paman hindi, mistulang hindi parin nasagot ang ilam sa mga matagal nang katanungan hinggil sa konplikto ng Malay PNP at BSTPO gayong sa iisang bayan lamang dalawang himpilang ng pulis na ito.

Naitanong din ng konseho kay Sereño kung papano umano mapasunod ng Alkalde ang mga Pulis sa Boracay pagdating sa pagpapatupad ng ordinansa, gayong nasa ilalim ng kapangyarihan ang mga ito ng nasyonal at probinsiya.

Bunsod nito matapos matanong ng opisyal ng NAPOLCOM kung ano ang plano ng SB.

Kinumpirma mismo ng miyembro ng Sanggunian na magpapasa sila ng resulosyon para ikunsidera din ang kanilang mga kahilingan.

Subalit, gayong wala pang pormal na mosyong nabuo ang SB sa bagay na ito, mariin pa umano nilang pag-aaralan ang hinggil dito dahil General Order ang naging basihan ng pagkakabuo sa BSTPO.

Monday, December 05, 2011

Karne sa Aklan, ligtas mula sa sakit

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sakaling kulangin ang suplay ng karne sa Aklan ngayong Pasko at Bagong Taong at may papasok na pruduktong katulad nito dito, ipinagmalaki ni Uldurico Las Peñas, Senior Agriculturist ng Provincial Agricultures Office, na ligtas ang probinsiyang ito mula sa Double Dead at kung anong sakit na madadala ng karne katulad ng “Foot And Mouth Disease”.

Ayon dito, lahat ng karne at process meat na pinapasok dito ay masusi nilang sinisiyasat at idinadaan sa “quarantine” sa tulong din ng DTI o Department of Trade and Industry.

Wala din dapat ikabahala ang publiko sa karne na dito lang din sa Aklan nagmula, sapagkat wala naman sakit ang mga hayop na nasa buong probinsiya, kaya ligtas ang mamili ng karne dito.

Maliban dito, naka-linya na rin umano sa mga gagawin nila ngayong sa tulong ng ilang ahensiya  sa mga bayan sa Aklan ang pag-siyasat sa mga kiluhang ginagamit sa palengke, para masigurong nasa eksakto ang timbang ng mga mabibili ng publiko.

Gayon pa man, sa kabila ng pahayag ni Las Peñas, mariing nitong sinabi na maging mapag-masid pa rin sana ang publiko lalo na sa pagpili at bantayan kung nasa  tamang timbang ng kanilang binibili.

Presyo ng karne, prutas, at gulay sa Aklan, hindi tataas

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inaasahang hindi na umano tataas ang presyo ng gulay, bigas, prutas at mga karne sa probinsiya ng Aklan ngayong Disyembre.

Ito ang inihayag ni Uldurico Las Peñas, Senior Agriculturist ng Provincial Agricultures Office, sapagkat may sapat umanong suplay ng mga produktong ito sa Aklan na hindi na kailangan mag-import pa sa ibang lalawigan.

Sakaling kulangin naman, ayon dito, hindi naman ito tataas ng ganong talaga kalaki, sa halip ay bahagya lang umano ang pag-galaw sa presyo, dahil hindi naman umano ganoon kahirap ang mag-transport ng mga produktong ito papuntang Aklan dahil may Roll-On-Roll-Off (RORO) naman.

Idinagdag pa nito na ang kalimitan aniyang probinsiya na pinagkukunan ng Aklan ng mga pruduktong ito ay Mindoro, Cebu at ilang pang kalapit probinsiya.

Samantala, sa kabila ng naranasang mga pag-ulan kamakailan lamang, hindi naman umano apektado ang mga palayan dito, kaya halos sobra sa makokonsumo ng Aklanon ang bigas mayroon dito ngayong ayon kay Las Peñas, katunayan ay nag-e-export pa umano tayo sa ibang kalapit lalawigan katulad ng Antique at Capiz.

Pagtutulungan laban sa papautok ngayong Pasko, ikinampanya ng RHU Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi lang ang nagtitinda ng paputok ang dapat sisihin kung may mga batang naputukan ngayong malapit na ang Pasko at Bagong Taon, dahil ito ay pangunahing resposibilidad ng mga magulang.

Ito ang inihayag ni Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay.

Bagamat sinabi nito nasa magulang na dapat ang pagmonitor sa kanilang mga anak, iginiit nito na mas mainam pa rin para maka-iwas sa pagkadisgrasya sa paputok ang publiko kung ang lahat ay magtulungan.

Hindi lamang ang magulang, ang Department of Health (DoH), kundi maging ang awtoridad, opisyal ng bayan at Barangay ay dapat makiisa din sa kampanya kontra paputok.

Ayon dito, ang pagbibigay babala at paalala sa publiko para mag-ingat sa paputok at ang mahigpit na pagpatupad sa batas at regulasyon ukol dito ay malaking tulong para maka-iwas sa sakuna kasunod ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. 

Umaasa din si Salaver na magkakaroon ng inspeksyon sa mga tindahan na hindi pinahihintulutang magbenta nito para makumpiska at maka-iwas disgrasya.

Aminado din ang nasabing mangagamot, na bahagi din ng kampaniya ng Rural Health Unit ng Malay ang mapanatiling ligtas ang publiko laban sa mga paputok.  

Monday, November 28, 2011

Malay 2012 Budget: “NOT HEALTHY”

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Natuwa man ang Sangguniang Bayan ng Malay dahil tumaas ang budget ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa taong 2012, nakita naman ng konseho sa isinagawang committee hearing sa pangunguna ng Chairman ng Committee on Appropriation na si SB Member Rowen Aguirre na hindi maganda ang kondisyong inilatag para sa alokasyon na gagastusin ng LGU Malay na siyang isinumite ng kasalukuyang adminitrasyon sa konseho para sa pag-a-apruba.

Pinuna at inihayag ni Aguirre sa inilatag nitong Committee Report na ang kaniyang mga obserbasyon sa mga inilagay na alokasyon, matapos nitong sabihing “not healthy” ang mga nakalatag na halaga para  sa guguguling pondo sa buong taong, sapakat ayon sa konsehal, “not balance” aniya ang nakasaad sa 2012 annual budget.

Nadiskubre ni Aguirre at ilang miyembro ng kumitibang kasama sa pagdinig na ang malaking pondo sa taong 2012 ay halos napunta sa pagpapasahod ng mga empleyado ng munisipyo at mga opisyal ng bayan.

Maliban dito, nakita rin ng konseho na konti lang ang pondong mapupunta sa imprastraktura, bagay na nasabi ng ilang konsehal na hindi ito kagandahan para sa bayan.

Matatandaang sa kasalukuyan ay dinidinig na sa SB ang annual budget ng Malay para sa pag-a-apruba ng konseho, kung saan tumataas ang pondo para sa susunod na taon mula sa P185M nitong 2011, at inaasahang sa 2012 ay aabot na ito sa mahigit P220M, mas mataas ng P35M kumpara noong nagdaang taon.

Sunday, November 27, 2011

Passenger Terminal ng Caticlan Airport, ilalagay sa Nabas

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kinumpirma ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre sa Committee Report na kanyang inilatag nitong Martes na sa bayan na ng Nabas ilalagay ang Passenger Terminal, ayon na rin sa inihaing bagong plano ng pamunuan ng Caticlan Airport sa isinagawang committee hearing.

Ayon kay Aguirre, ipinaliwanag umano ng kumpanya ng paliparan na wala nang espasyo sa area ng Caticlan kaya doon na lang ito ilalagay sa Nabas.

Subalit sa pananaw ng konsehal, ginawa ito ng developer sapagkat mahal ang halaga ng propidad sa Caticlan kung ikukumpara sa Nabas.

Isa lang umano ito sa mga pagbabagong ginawa ng developer mula sa planong una nilang ipinrisenta.

Gayon pa man, sinabi nito na ang malaking bahagi ng runway ay Caticlan naman ilalagay.

Subalit dahil sa mga nasabing pagbabago ay ang kabuhayan naman ng mga tricycle driver ang lubos na maapektuhan.

Dahil dito, naiwan naman sa mga opisyal ng bayan ng Malay at Caticlan ang magiging kalagayan ng mga tricycle drivers sa mga nasabing lugar.

Dahil sa malaking suliraning ito ay ipinaabot na rin ila ito sa pamunuan ng paliparan, at nagmungkahe naman ang kampo ng Airport na dapat mapag-usapan ito ng masinsinan ng LGU Nabas at Malay para mabigyang solusyon.

Samantala, maliban sa nabangit na pagbabago, aasahan din ayon kay Aguirre na magkakaroon at gagawa ng bagong mga daan ang developer, kasama na ang pag-constract ng “bypass” para mapanatili ang national high way kung saan ang ilalim ng runway ang ang magsisilbing kalsada.

Ngunit dahil sa may bahagi ng paliparan na ito ay malapit sa baybayin, i-u-urong nal ang umano ang kalsadang ito, gayong hindi naman maaaring lagyan ng “bypass”, dahil malambot ang lupa.

Friday, November 25, 2011

Pag-e-endorso sa expansion ng Caticlan Airport, tinatrabaho na ng SB

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inilatag na ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre sa konseho ang kaniyang Committee Report bilang bahagi ng pag-aksiyon at pagpapasa ng resulosyon ng Sanggunian ukol sa hinihinging pag-endorso ng Trans Aire sa proposisyong development na gagawin sa Caticlan Airport.

Bagamat may katanungan mula sa mga miyembro ng konseho kung bakit nila ito i-e-endorso gayong may bahagi naman ng paliparang ito na sakop ng bayan ng Nabas, ipinaliwanag ni Aguirre na kailangan pa rin nilang gawin ito dahil ang malaking bahagi ng runway ng paliparan ay nasa loob at sakop ng Malay.

Dagdag pa nito, lalo pa aniyang nila itong kailangan na ma-i-endurso dahil “Caticlan Airport” pa rin ang pangalan ng paliparan kaya hindi nila ito pwedeng balewalain.

Gayun pa man, sinabi nito na ang magiging saklaw lang ng resolusyong ipapasa nila ay ang hanggang sa hurisdiksiyon lamang din ng bayan ito.

Dahil dito ay inaasahan umano na ang bayan ng Nabas ay magpapasa din ng sarili nilang pag-i-endorso.

Chief Executive Assistant-IV sa plantilya ng LGU Malay, bakante pa?

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kapwa kinumpirma ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa at Municipal Human Resource Management Officer (MHRO) Dinky Maagma na may posisyon talagang Chief Operation Officer (COO) sa plantilla ng LGU Malay.

Ayon kay Maagma, COO ang tunay na posisyon na hinahawakan sa ngayon ni Island Administrator Glenn Sacapaño.

Matatandaang sinabi ni Sadiasa na napalitan na ito ng bagong tawag at ginawa na ito Chief Executive Assistant-IV o (CEA-IV), na ang ibig sabihin ay iisang posisyon lamang ang CEA-IV at COO.

Ngunit, nabatid naman mula sa MHRO na bakante pa ang posisyong Chief Executive Assistant-IV (CEA-IV) hanggang sa ngayon.

Gayon pa man, limitado lang ang ibinigay na impormasyon ni Maagma nang makapanayam, ng YES FM Boracay, at sa halip ay tumanggi na itong magbigay pa ng karagdagang pahayag kaugnay sa usaping ito.

Kasabay nito ay binigyang-diin ng opisyal na magpapa-interview lamang siya kung mayroon nang basbas mula sa Alkalde. 

Posisyong Chief Operation Officer, nasa plantilya naman ng LGU Malay --- Sadiasa

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Taliwas sa inihayag ni Sangguniang Bayan Member Rowen Agguire sa sisyon ng SB Malay nitong martes  na di umano ay  walang item o posisyon sa plantilla ng lokal na pamahalaan ng Malay na Chief Operation Officer (COO) na siyang kasalukuyang posisyon ni Island Administrator Glenn Sacapaño.

Dahil dito, nilinaw ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa, na mali ang interpratasyon ito, kung sasabihing walang COO sa plantilla ng LGU Malay, sapagkat ang totoo ay mayroon namang ganito.

Katunayan umano ay napasama at naipasok ito nitong taong 2011 at pinondohan pa ang posisyong ito.

Maliban dito, ang COO aniya ay pinalitan na rin nila ng bagong titulo ngayon sa plantilya at ginawa na itong “Chief Executive Assistant-IV”, na naglalaman ng mga kuwalipikasyong naayon sa level na itinakda ng Civil Service.

Kaya para sa kaniya, hindi isyu ang usaping ito dahil may COO naman talaga sa plantilya ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Gayun pa man, ipinaliwanag din nito na ang pag-likha ng posisyon ng isang namumuno sa bayan, lalo na kung ito ay nakakatulong sa magandang pagpapatakbo ng pamahalaan, kahit hindi prescribed o itinakda ng Civil Service, ay possible namang mangyari at walang problema dito dahil pinahihintulutan naman ito ng batas.

Subalit kung pagbabatayan at babalikan ang pahayag ni Aguirre, hindi lamang ang isyu sa posisyon ang problema doon, dahil tila kuwestiyunable din ang kuwalipikasyon ng taong nakaposisyon o naluklok dito.

Ngunit nang matanong ito ukol sa sinabi ni Aguirre na di umano ay hindi kuwalipikado si Sacapaño, tumanggi itong magbigay ng pahayag hinging sa nasabing usaping, at sa halip sinabi ni Sadiasa na hindi siya ang tamang tao para sumagot, dahil ang mga record umano ay nasa Municipal Human Resources at sila ang nakaka-alam nito.

Pamunuan ng Caticlan Airport, may suhestiyon sa estado ng Caticlan Elementary School

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa ginawang Committee Report ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre sa konseho nitong Martes, inilatag ng konsehal ang suhestiyong ipaabot ng pamunuan ng Caticlan Airport ukol sa magiging estado at plano sa Caticlan Elementary School.

Sa ulat ni Aguirre, sinabi nitong kumpirmadong tatamaan ng gagawaing expansion ang nasabing paaralan, bagay na inihayag aniya ng kampo ng airport na bibilhin na lang sa LGU Malay ang lupa at hahanapan ng mapaglilipatan ang elementaryang ito, o kaya ay sila na lang din mismo ang maghahanap ng lugar at gagawa ng gusali ng paaralan at hindi na babayaran ang LGU Malay.

Pero para sa konsehal, kung siya aniya ang papipiliin, nais nitong ang kumpanya na ng paliparan ang gumawa ng buong gusali at maghanap ng mapaglilipatan, at hihintayin na lang nila na ma-i-turn over ito upang agad na magamit kaysa bayaran pa ito ang LGU Malay.

Subalit ganon paman, sinabi ni Agguire na nasa Alkalde pa rin kung ano ang magiging pasya niya dito.

Negosasyon sa relokasyon ng Caticlan Elementary School, malabo pa rin

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Katulad ng mga naunang pahayag ni Caticlan Punong Barangay Julita Aron, Principal ng Caticlan Elementary School, at ni Ginang Arlyn Regalado, District School Supervisor ng Malay, na hindi pa nila alam kung kaylan mangyayari ang paglipat o maililipat ba talaga ng Caticlan Elementary School, gayong ang mga ito ay nagsabing nakasalalay ang negosasyon hinggil dito sa lokal na pamahalaan ng Malay at pamunuang Godofredo P. Ramos Caticlan Airport, kasunod ng pagpapalapad na ginagawa ngayon sa nasabing paliparan, ngayon ay sa bahagi naman ng lokal na pamahalaan ng Malay na siyang tumutulong at nangunguna sa negosasyong ito ay tila wala pa ring linaw ang mga bagay ukol sa usaping ito.

Ito ay dahil ayon sa ulat mula sa tanggapan ni Mayor John Yap na inihayag ni  Malay Administrator Godofredo Sadiasa, sa kasalukuyan ay naghahanap palang ng abot halagang presyong relocation site para sa paaralan ang pamunuan ng paliparan.

Kaya sa ngayon ay hindi pa nila talaga alam kung kelan ito maisasakatuparan dahil nasa pamunuan ng Airport o Trans Aire pa rin aniya ang pinal na desisyon, at kung wala aniyang paglalagyan ng gusali ng paaralang ito ay baka doon na lang talaga ito manatili.

Subalit tila sa pagkaka-alam aniya nito, tatamaan ng expansion ang paaralan kaya walang nang magagawa ang Trans Aire kundi maghanap ng paglilipatan.

Gayon pa man, ang Alkalde aniya ngayon ay ginagawa na ang lahat para magkaroon ng magandang negosasyon, sa layuning magkaroon ng magandang resulta.

Matatandaang ang Caticlan Elementary School ay matagal nang hiniling na ilipat dahil na rin sa ingay dala ng operasyon ng paliparan at sa ginagawang expansion dito.

Thursday, November 24, 2011

Dapat manguna sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng Malay, ang pulis o ang MAP?

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Sino ang dapat manguna sa pagpapatupad ng mga ordinansang sa isla ng Boracay ang Pulis ba o MAP?”

Ito rin ang naging katanungan ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay kaugnay sa sitwasyon ng Municipal Auxiliary Police (MAP) at Boracay Pulis lalo na sa kung sino ang dapat manguna sa dalawa sa pagsita at pagbibigay ng citation ticket.

Pero kahapon ay tila nabigyan na ito ng sagot matapos ihayag ni Vice Mayor Ceciron Cawaling at SB Member Rowen Aguirre sa harap ni Malay Chief of Police, Inspector Mark Cordero at Boracay Special Tourist Police Office Chief, Supt. Julio Gustilo Jr. ng dumalo ang mga ito sa sesyon, kung saan nilanaw ng dalawang miyembro ng konseho, na ang Pulisya ang dapat magunga at aalalay lamang MAP.

Subalit dahil sa kinaugalian na at ang MAP ang binuo ng kasalukyang administrasyon ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa pagpatupad ng ordinansa, sinabi ni Cawaling na ngayon ay dapat ang pulis na ang mamuno, gayong sila naman ang dapat.

Ngunit para naman kay Aguirre, mas mainam na lang sa sitwasyong ito na kung sino ang unang makakita ng paglabag mapa Pulis man ito at MAP, ay siya na lang din aniya ang mag-isyu o magbigay ng citation ticket sa mahuhuli.

Kaugnay sa usaping ito, inihayag ni Supt. Gustilo na si Aklan Governor Carlito Marquez ang nag-apoint dito ay pumili para maging hepe ng BSTPO.

Natanong din ito ng konseho kung kaninong ordinansa ba ang priyoridad niyang ipatupad, ang ordinansa ba ng probinsiya o bayan ng Malay.

Bilang sagot nito, inihayag niyang magiging flexible na lang siya, pero pagdating sa mga kumplikadong sitwasyon, susundin nito ang ordinansa ng pamahalaang probinsiyal.

Insidente ng pagkalunod sa Boracay, nagkataon lang. --- Life Guard

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nagkataon lang na nasa life guard station para sa pananghalian ang mga dineploy na life guard nang nagyari ang huling naitalang pagkalunod sa Boracay, nitong lunes kaya hindi agad ito napansin o nakita ng mga rescuer.

Ito ang paliwanag ni Commodore Miguel Mike Labatiao ng Life Guard Boracay kaugnay sa insidente ng sunod-sunod na pagkalunod ng turista sa isla.

Gayun pa man, nilinaw nito na ang mga rescuer na ito ay nagbabantay naman sa baybayin ng isla, pero may pagakakataon talagang hindi maiiwasan ang mga katulad na aksidente.

Inihayag din ng huli na nagkaroon sila ng emergency meeting kung saan pinag-usapan ang tungkol sa nasabing isyu, lalo na sa pagpapatupad nila ng mahigpit na pagbabantay sa baybayin.

Sinabi din nito na para masigurong maipapatupad nga ito ay magpapatulong rin sila sa mga security guards para bantayan ang mga bisita ng kanilang resort, dahil madalas namang sa front beach din naka-guwardiya ang mga ito.

Samantala, sinagot din ni Labatiao ang madalas na tanong ng publiko, kung bakit madalas walang tao sa life guard tower, at aminado na rin siya dito.

Aniya, totoo ang ganitong obserbasyon, dahil ang mga life guard, minsan, ay nasa ilalim ng tower at naka-silong, dahil sa tindi ng init kaya sa lilim sila tumatambay.

Dahil dito ay pinag-aaralan na nila sa ngayon na lagyan na lang ng bubong ang tower.

Samantala, kung mapapansin ay sunud-sunod na pagkalunod na ang nangyayari dito sa isla.

Ayon kay Labatiao, napuna niya na nangyayari ito dahil sa walang nakalagay na babala, lasing ang biktima o napabayaan ang bata ng kanilang magulang.

Sa kabilang banda, mariin naman nitong itinanggi na napabayaan na ng lokal na pamahalaan ng Malay ang life guard dahil nakatuon na sa Municipal Auxiliary Police (MAP) ang atensiyon ng LGU, kung kaya’t tila hindi na sila aktibo ngayon.

Aniya, hindi ito totoo, kasabay ng pagbibitiw ng hamon sa mga kritiko ng life guard na silipin din sila sa Life Guard Station para mabatid kung papano nila isinasagawa ang kanilang operasyon.

SB Wilbec Gelito, nanawagan sa Life Guard

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inihayag ni Sangguniang Bayan Member Wilbec Gelito, Chairman ng Committee on Tourism na makaka-apekto ng bahagya sa industriya ng turismo ang sunod-sunod na insidente ng pagkalunod na naitala sa Boracay.

Naniniwala si Gelito na hindi sana mangyayari ang ganitong ansidente kung pinagtutuonan lang ito ng pansin at prayoridad, lalo na at ang isla ng Boracay ay kilala bilang isang “beach” at ang paliligo sa beach ang ipinunta dito ng mga turista.

Ang mainam umano sa ganitong suliranin ay ang pagtatalaga ng mga karagdagang life guards.

Hiniling din nito na sana ay magusumite ang pinuno ng life guard sa tanggapan ng Alkalde ng listahan kung ano ang kulang at kailangan para ma-aksyunan ito ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Subalit sa ngayon ay dapat na sipagan naman ng mga rescuer at maging alerto sa kanilang pagbabantay.

Samantala, dahil sa mga pangyayaring ito sa Boracay, aminado naman si Gelito na sa dami ng turista sa isla hindi rin maiiwasan ang ganitong aksidente.

Wednesday, November 23, 2011

Videoke bars, hiniling na ipag-bawal sa Boracay!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay


Nakataktang magpatawag ng Committee Hearing ang Sangguniang Bayan ng Malay sa pangunguna ng Chairman ng Peace and Order at Public Safety na si SB Member Jupiter Gallenero para bigyang hustisya ang ipina-abot na reklamo ni SB Member Jonathan Cabrera, kaugnay sa ingay na dala ng ilang videoke bar sa Boracay.

Ito ay makaraang hilingin ni Cabrera na kung maaari ay ipagbawal na ang operasyon ng videoke bar sa Boracay dahil pangit umano ito para sa industriya ng turismo ng isla.

Dahil dito, nagmungkahi si Gallenero na sa darating ng Biyernes, a-bente singko ng buwang kasalukuyan, ay magpapatawag ito ng pagdinig sa mga komitiba ng konseho na may kaugnayan sa pagpapasa ng batas para sa regulasyon ng mga videoke bar sa Boracay.

Iminungkahi naman si SB Member Rowen Agguire, na isama at imbitahan nalang din sa pagdinig sa darating na Biyernes ang zoning officer ng Malay, pulisya, baranggay officials at engineering department ng LGU para makatulong sa pagbibigay-linaw ukol sa pagsasabatas ng regulasyon patungkol sa mga establisimiyentong ito.

Supt. Julio Gustilo Jr., “choice” ni Gov. Carlito Marquez bilang bagong hepe ng BSTPO

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kinumpirma ni Supt. Julio Gustilo Jr., bagong Hepe ng Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO), na si Aklan Governor Carlito Marquez ang nag-apoint at pumili sa kaniya bilang hepe sa isla, dahil ang BSTPO ay nasa ilalim ng Aklan Police Provincial Office (APPO).

Ang pahayag na ito ni Gustilo ay isinatinig ng opisyal kasabay ng katanungan ng Sangguniang Bayan ng Malay sa isinagawang sesyon kung saan dumalo ang huli para sa isang courtesy call.

Kaugnay nito, may ilang mga usaping nilinaw si Gustilo ukol sa kaniya obligasyon sa isla ng Boracay.

Inihayag niya sa konseho kung ano ang kaniyang mga prayoridad sa pag-upo bilng hepe ng pulis sa isla, at iyon ay ang pagpapatuloy umano ng mga sinimulan ni Supt. Sammuel Nacion, ang dating hepe ng BSTPO.

Maliban dito, sinabi din ni Gustilo na mas pag-iibayuhin nito ang “intelligence” para sa seguridad ng Boracay, at palalakasin nito ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan.

Samantala, dahil sa ang gobernador ng probinsya ang nag-appoint kay Gustilo ay hindi rin maiwasang maitanong dito kung kaninong ordinansa ang ipapatupad ng Pulis Boracay, kung ito ba ay ordinansa ng probinsiya o ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Bagamat may agam-agam sa kaniyang pagsagot, inihayag pa rin ni Gustilo na pareho niya itong ipapatupad.

Pero pagdating sa mga komplikadong sitwasyon, ang ordinansa na ng probinsiya ang kanyang susundin.

Sa kabilang banda naman, tila pare-pareho ang wish ng mga miyembro ng konseho para kay Gustilo n asana ay tumagal din ito sa BSTPO, hindi katulad sa ibang mga nagdaang hepe na halos papalit-palit lang.

Matatandaang una nang inihayag ni P/S Supt.Cornillo Defensor, Provincial Director ng APPO, na ang gobernador ng probinsya at alkalde ng Malay ang pipili ng bagong hepe para sa BSTPO.

Ngunit kinumpirma naman ni Gustilo sa konseho na si Governor Marquez ang nag-appoint dito.

Monday, November 21, 2011

Pagtaas sa singil ng Terminal Fee sa Caticlan Jetty Port, dapat unawain --- Maquirang

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila inaasahan na ni Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ang pagtutol ng publiko sa pagtaas ng Terminal Fee sa Caticlan Jetty Port, at naiintindihan naman niya ito, lalo na kung ang pagtutol na ito ay mula sa stakeholders.

Gayon pa man, pag-unawa ang hinihiling ni Maquirang mula sa mga apektadong sektor ng napipintong pagtataas ng singil sa nasabing puwerto.

Ayon dito, hindi lamang umano ang Caticlan Jetty Port ang nagpapatupad ng na may karagdagan singil dahil maging ang Caticlan Airport ay may ihinihirit ding pagtataas sa kanilang mga singilin.

Hindi rin dapat aniya manghinayang sa mangyayaring pagtataas, lalo pa at ang kikitain naman mula dito ay mapupunta sa pagpapa-unlad ng pasilidad ng pantalan para sa maayos na pagtanggap sa mga turista, at hindi naman pwedeng lahat na lang umano ay iasa pa sa kakahingi sa pamahalaang nasyonal.

Samantala, kahit na may mga tumututol, naniniwala pa rin ang administrador na ipagpapatuloy pa rin ng Sangguniang Panlalawigan ang pag-pasa sa ordinansang babago sa Revenue Code ng Aklan.

Subalit ang section o probisyon umano doon na tinututulan at kwestiyunable ay maaring hindi muna ipatupad.

Kita sa pagtaas ng Teminal Fee sa Caticaln Jetty Port, paghahati-hatian

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bagamat kumpirmadong isinusulong na sa ngayon ang planong pagpapataas sa singil ng Terminal Fee sa Caticlan Jetty Port mula sa pitongpu’t-limang piso hanggang ay gagawin na itong isangdaang piso, ihinayag ni Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na kapag naipatupad na ito ay hindi lang naman sa pamahalaang probinsiya mapupunta ang kikitain dito.

Ayon kay Maquirang, 20 porsiyento dito ay mapupunta sa lokal na pamahalaan ng Malay, sa barangay ng Manoc-manoc at Caticlan.

Napag-alaman din mula sa administrador na ang matitirang bahagi na walumpung porsiyento ay gagamitin sa pagbabayad ng 260 milyong pisong bond floation ng probinsiya.

Gayon pa man, ang pagsasabatas sa planong pagtaas sa terminal fee ay kasalukuyang nasa estado pa lang ng pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan, ngunit nakapagsagawa na rin ayon dito ng public hearing.

Ang nasabing proposisyon ay bahagi na rin ng pagbabago sa isinusulong na Revenue Code ng Aklan na siyang pinagdedebatihan ng SP sa kasalukuyan.

Samantala, bagama’t 80 porsiyento ang mapupunta sa pamahalaang probinsiyal, ang matitira naman sa kanila ay mapupunta sa mga gastusin sa operasyon ng Jetty Port, katulad ng pambili ng CCTV Camera para sa Caticlan at Cagban Jetty Port, metal detector o x-ray machine para sa passenger’s terminal ng RoRo, pagpapa-unlad sa mga pasilidad ng pantalan, at ilalaan sa mga inprastrakturang ipamamahagi sa iba’t-ibang bayan sa Aklan.

Inihayag din ni Maquirang na kapag na-aprubahan ang isangdaang pisong Terminal Fee ay maaring manatili hanggang tatlong taon na nang mangyayaring pagtataas o pagdadagdag sa babayaran para sa mga turistang papasok sa Boracay.

Sunday, November 20, 2011

Pagalapit ng BIR-Aklan sa mga Taxpayer, na skedyul na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ipinagmalaki ni Revenue District Officer Ricardo J.  Osorio ng Bereau of Internal Revenue (BIR) Aklan ang matagumpay nilang pakikipag-pulong sa mga taxpayer sa cluster ng Malay, Boracay, at Buruanga nitong ika-siyam ng Nobyembre dito sa isla ng Boracay.

Ikinatuwa nito ang naging resulta sapagkat marami ang dumalo lalo na sa bahagi ng mga stakeholder ng isla, at sa pagtugon nila sa imbitasyon ng kawahihan para makinig sa pulong na iyon.

Nagbigay din umano sila, ayon kay Osorio, ng update sa mga taxpayer hinggil sa koleksyon at ipinaabot ng BIR sa mga dumalo ang adjustment na ipinapatupad nila.

Nabatid dito na halos dalawangdaan din ang dumalo sa nasabing pulong.

Samantala, gayong tapos nang makadaupang-palad ang unang at ikalawang batch ng mga taxpayer sa Aklan ay inaasahang sa susunod na mga araw ay magkakaroon din sila ng skedyul para sa cluster ng Ibajay, Nabas at Tangalan na gaganapin sa bayan ng Ibajay sa darating na ika dalawangpu’t-dalawa ng Nobyembre.

Sa ika dalawampu’t-apat naman ng Nobyembre ang para sa cluster ng Libacao at Madalag, samantalang sa ika-dalawampu’t-siyam ng Nobyembre ang para sa Altavas at Balete.

Sa kabilang banda, tapos na sa kanilang iskedyul ang bayan ng Kalibo at Numancia.

Samantala, dahil sa patuloy pa rin ang kamapanya ng nasabing kawanihan tungkol ukol sa tama at nasa oras na pagbabayad ng buwis, may mga delikuwenteng establishimiyento pa rin umanong naka-hilera ngayon sa BIR para sa “Operasyon Kandado”, ngunit hindi naman nabanggit ni Osorio kung kailan ito ipapatupad.

Negosasyon para mailipat na ang Caticlan Elementary School, wala pang linaw

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Malabo pa rin hanggang sa ngayon ang estado ng Caticlan Elementary School kung maililipat nga ito kasabay ng expansion na gagawin sa Godofredo P. Ramos Caticlan Airport.

Maging si Malay District Supervisor ng Department of Education (DepEd) Arlene Regalado ay nagsasabing hanggang sa ngayon ay hindi pa nila talaga batid kung ano na ang tugon ng lokal na pamahalaan ng Malay, gayong sa pagkakaalam umano nito, ang negosasyon at ang desisyon ukol sa relokasyon ng paaralaan ay nasa kamay ng LGU Malay at pamunuan ng nasabing paliparan.

Subalit hanggang sa ngayon ay wala pang linaw kung may nabuo nang desisyon.

Ang Caticlan Elementary School lang umano ang humiling para sa relokasyong ng nasabing paaralan.

Samalantala, mariin namang sinabi ni Regalado na ang budget para sa hostel na planong itayo sa Balabag Elemtary School ay hindi maaaring galawin kahit na ilalaan ito para sa Caticlan Elementary, dahil ang proyektong ito ay pag-aari aniya ng national level ng DepEd.

Matatandaang matagal nang suliranin ng Caticlan Elementary ang ingay na dala ng paliran sa mga mag-aaral doon, kaya humiling ang mga guro, magulang at opisyal ng barangay at bayan na ilipat ang paaralang ito.

Bagamat noong una di umano ay nangako ang bagong pamunuan ng paliparan na tutulungan sila para mailipat ito.

Hanggang sa dumating ang punto, dahil sa kawalan ng solusyon, naisip ng Caticlan Brgy. Council na magpasa ng resulosyon para ang pundo na inilaan sa tinututulang Hostel sa Boracay ay ibigay nalang sana sa Caticlan Elementary.

Ngunit nilinaw ni Regalado na hindi ito pwedeng mangyari.

Saturday, November 19, 2011

Christmas Party ng mga mag-aaral sa Aklan, magiging “bring-your-own-baon”

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Maglalabas ng kautusan ang Department of Education (DepEd)-Aklan na ipagbabawal ang pangungulekta ng mga kontribusyon o paghingg ng halaga para sa mga gaganaping Christmas party ng mga mag-aaral sa nasabing probinsya.

Ayon kay Dr. Jessie M. Gomez, School Division Superintendent ng DepEd-Aklan, kakatanggap lang umano niya lang ng instraksiyon mula kay Dep-Ed Regional Director Mildred L. Garay na nag-uutos na maglabas ito ng memorandum na magbibigay-paalala sa mga guro ukol sa kampaniyang ito ng nasabing departemento.

Kaugnay nito, hinikayat ni Gomez ang mga paaralan sa Aklan na kung maaari ay iwasan na lang ang pagkakaroon ng “exchange gifts”, at sa halip ay magkaroon na lang ng Christmas party na may mga palaro sa mga bata at salo-salo na walang palitan ng regalo.

Hihimukin din umano nito ang mga guro na kung pwede ay maging “bring-your-own-baon”na lang din sa Christmas party para wala nang kotribusyon sa pagkain, gayong naniniwala ito na ang mga guro ay malikhain din naman kapag dumating na ang ganitong aktibidad.

Kaugnay nito, inihayag ni Gomez na mariing nilang ipapatupad ang kautusang ito ngunit nilinaw ng supervisor na hindi bawal ang pagkakaroon ng Christmas party sa mga paaralan basta’t walang kontribusyon o perang involve katulad sa pag-hiling sa mga mag-aaral ng halagang dapat sundin para sa exchange gift.

Koleksiyon ng BIR-Aklan ngayong Oktubre, tumaas kumpara noong 2010

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Lubos na ipinagpasalamat ni BIR-Aklan Revenue District Officer Ricardo Osorio ang pagtaas ng koleksiyon nila nitong nagdaang buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon na umabot sa mahigit limampu’t-anim na milyong piso ngunit mas mababa kumpara sa sa target nilang koleksiyon na limampu’t-pitong milyong piso.

Gayun pa man, kahit hindi nila naabot ang kanilang target ay ikinatuwa pa rin nito ang naging resulta ng kanilang kampaniya dahil ilang libo na lamang ang kulang upang maabot ang target ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Aklan sa nasabing buwan.

Ngunit kung ikukumpara umano sa koleksiyon noong taong 2010, umakayat ang kasalukuyang koleksiyon ng mahigit limangdaang libong piso.

Dahil dito ay pinuri ni Osorio ang kooperasyong ginawa ng mga taxpayers na nagresulta sa matagumpay nilang koleksyon nitong nagdaang buwan.

Samantala, ngayong Nobyembre ay target din ng BIR na makakolekta ng pitumpu’t-anim na milyong piso.

Kasabay nito ay ihinayag din ni Osorio na ngayong katapusan ng Nobyembre ang deadline ng pagbabayad ng buwis para sa 3rd quarter ng kasalukuyang taon.

Sunday, November 13, 2011

Presyo ng pangunahing bilihin sa Aklan, hindi pa gaanong gumagalaw

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Walang pa naman naitalang malaking pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dito sa Aklan nitong nagdaang buwan ng Oktubre ayon kay Rene Retiro ng Department of Trade and Industry (DTI).

Gayon paman, klinaro nito na nagkaroon nga ng pag-galaw sa presyo, subalit masyadong maliit lang umano ito, na hindi naman naramdaman ng mga mamimili.

Sinabi din nito, na hindi siguro aniya nangyari ang pagtaas ng presyo, sapagkat madalas aniya ang paalala nila mga pangunahing pamilihan dito sa Boracay at Kalibo na sundin at kung maaari at wag nang lumampas pa sa Suggested Retail Price o SRP.

Samantala, para sa buwan ng Nobyembreng monitoring ng DTI, kasama na sa babantayan nila ang mga pang Noche Buenang produkto na siyang mariing pinagtutuunan aniya nila ng pansin.

Malalaman din umano ng publiko kung may paggalaw sa presyong nangyari ngayong buwan sa susunod na linggo, dahil kasalukuyan palang silang nagsasagawa ng pag-monitor sa mga pamilihan.

Kung saan, sa bayan ng Kalibo Monthly aniya ang ginagawa nilang pagmonitor at sa Boracay naman ay Quarterly.

Alegasyon laban kay Glenn Sacapaño, Korte na ang bahala

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nasa korte na ang kaso kaya hayaan nalang na ito ang sumagot sa alegasyon laban kay Island Administrator Glenn Sacapaño, kung may illegal nga bang aksiyong nagawa ang grupo nito sa pagpatupad ng ordinansa hinggil sa Noise Pollution sa Boracay.

Ito ang inihayag ni Sacapaño sa panayam dito kaugnay sa nangyaring eskandalo nitong nagdaang a-kwatro at a-singko ng Nobyembre ng madaling araw, nang aksiyunan nila Boracay Pulis ang problema sa ingay dala ng isang Bar sa Balabag, kung saan doon din hinamak ang pagkatao at hinamon si Chief Inspector Chisthoper Prangan.

Bagay na inireklamo ng Manager ng Bar si Sacapaño sa himpilan ng Pulisya dahil sa di umano ay illegal ang pangugumpiska nila sa ilang kagamitan sa establishemento.

Gayon paman, tila hindi natinag ang administrador kung nai-reklamo man ito, gayong ang usaping aniya ay naisampa na sa korte, kaya ito na ang magdidisisyon.

Nabatid mula sa pahayag ni Sacapaño, na noong a-kwatro ng Nobyembre ay pinuna nila ang paglabag sa ordinansa ng naturang bar at binigyan ito citation ticket, pero walang nagyaring pagkumpisa sapagkat bulontaryong ipinatigil at isinara ng may-ari ang bar.

Ngunit sumunod na araw ng a-singko, tila hindi manlang aniya natuto ang operator ng Bar, na kahit nariyan pa sila ng awtoridad para sitahin ang ingay na likhan ng bar, lalo pa aniyang nilakasan ang tugtog na tila nahahamon pa.

Dahil doon nasubok umano ang pagamit nila ng kanilang karapatan kaya nila ginawa iyon.

Samantala, napag-alaman din na marami na umanong citation ticket ang naibaba nila laban sa bar na iyon, at tatlong beses na rin aniya nilang na sampahan ng kaso ang nabangit na establishementong pero pasaway pa rin.

Tatlong Superintendent na pinagpipiliang maging Hepe ng BSTPO, inilahad na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mistulang malabo na ang inaasahan ng mga Stakeholder at lokal na pamahalaan ng Malay na maibalik bilang Chief of Police ang dating Hepe ng Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO) na si Supt. Sammuel Nacion, makaraang hilingin ng mga sektor na ito na manatili ang dating Hepe dito sa isla bilang pinuno ng kapulisan sa Boracay.

Sapagkat sa ngayon, nasa proseso na ang proposisyon sa pagkakaroon ng bagong Hepe ng BSTPO.

Ito ay matapos mabatid mula kay P/S Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office o APPO ang bagay na ito, at ng sabihin ng opisyal na may tatlong Superentindent na ngayon ang inirekomenda ng Regional Office para mapagpili-an bilang kapalit ni Nacion.

Ayon kay Defensor, ang tatlong pinag-pipilian ngayon ay sina, Supt. Gustilo, Supt. Romeo De Guzman na minsan nang naitalaga dito bilang Hepe ng BSTPO at si Supt Noel Lamses.

Maliban sa nabanggit na mga panagalan ng Provincial Director sa mga nakahilirang pagpilian na maging Hepe ng Boracay.

Tila limitado pa ito ngayon sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa tatlong tinutukoay na Supirentendent na siyang ni-rekomenda ni Regional Director P/C Supt Cipriano Querol.

Samantala kung naging isyu at naging tanong kung sino ang dapat pipili at magtalaga ng Hepe sa Boracay, ngayon ay naisali na rin sa pagpili ng u-upong Hepe sa isla si Aklan Governor Carlito Marquez at Malay Mayor John Yap.

Katunayan ay naisumite na umano sa dalawang opisyal na ito ang biodata ng tatlong Superintendent para si Marquez at Yap na ang pumili mula sa mga nirekomendang ito, ayon kay Defensor.

Samantala, sinabi naman ni Defensor na naghihintay nalang din siya ng feedback mula sa Gobernador kung may napili na sila ni Yap mula sa tatlong ini-rekomenda.

Gayon paman, sa huli ay si sila Marquez parin aniya ang susulat kay Querol para ipa-alam sa Regional Director kung sino ang gusto nila sa tatlo.

PD Defensor, itingging naki-sali sa negosayon ng King at Gelito sa agawan ng lupa

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mahigpit na itinanggi ni P/S Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office na nakisali siya sa negosasyon ng pamilya Gelito at Richard King, kaugnay sa posisyon ng lupa na kahapon kinalapag makaraang ipatupad ang ibinababang  Writ of Demolition ng Aklan Regional Trial Court Branch 1.

Ito ang sagot ng Defensor sa pasaring ng isa sa tagapagmana ng may-ari ng lupang si Lucas Gelito, makaraang di umano ay hindi sila hinarap ni King kahapon sa halip ay tila si Defensor pa ang nasilbing taga pagsalita ni King.

Kasabay ng pagtanggi ng Provincial Director sa alegasyon dito, inihayag ni Defensor bilang paglilinaw na hindi na umano tungkulin niya ang maki-alam sa problema ukol dito, dahil may desisyon na ang korte.

Sa halip ay naririyan lang umano ang awtoridad para masigurong walang gulong mangayayari sa pagpatupad sa kautusan ng Korte.

Katunayan, kung nakipag negosasyon man umano sila ng dating Hepe ng Boracay Pulis na si Supt. Sammuel Nacion sa mga apektadong pamilya na naroroon, iyon ay  para ikumpanya na maiwasan ang gulo at sundin nalang ang batas.

Katunayan dahil sa ginawang ito ni Nacion ayon dito, naging malaking tulong din umano na nagresulta sa mapayapang paglikas ng mga tao doon.

Samantala, sa paliwanag pa ni Defensor, kaugnay sa presensiya ng maraming Pulis doon sa lugar na tensiyunado.

Sinabi nito na wala naman umanong intensiyon na manakit o mang-gipit ng mga tao doon ang mga Pulis na ito, kundi iyon ay upang mabigyan ng supisyenteng bantay para masiguro ang kaligtasan ng mga naroroon.

Klinaro din nito na ang pulis sa pagkakataong iyon ay walang pina-panigan o kinakampihan, at tangging ang pag-ganap lamang aniya sa obligasyon nila ang presensiya nila sa lugar na iyon.

Samantala, inihayag ni P/S Supt. Cornello Defensor na naiintindihan at niri-respeto nito ang damdamin ng mga pamilyang apektado sa konplikto sa lupang pinag-awan ng Gelito at King.

Pero giit ng opisyal, na ang ginawa nilang paglagay na maraiming Pulis sa Area ay pagsunod lamang nila sa batas, na bantayan at masigurong ligatas ang lahat sa gitna ang tensiyon.

Wednesday, September 07, 2011

Dahil sa land dispute sa Boracay, PD Defensor, handang magpaliwanag sa SP

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nakahandang humarap sa Sangguniang Panlalawigan o SP si P/Supt. Cornillo Defensor, Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office o APPO, para malinaw na ang isyu at akusasyon  na umano ay huli o delay sa  pagresponsde ang kapulisan sa Boracay sa mga agawan ng lupang nangyayari sa isla.

Subalit ayon sa opisyal ng kapanayamin ng himpilang ito, sa ngayon ay wala pa naman umano itong natatanggap ng imbitasyon mula sa SP.

Kaugnay nito, idenipensa naman ni Defensor ang Boracay Pulis, dahil ang obligasyon lamang aniya nila sa isyu ng land dispute ay panatilihing mapayapa at walang away na mangyayari, dahil ito ay matatawag na bilang isang sibil na kaso.

Pero pagdating sa pagdidisiyong kung sino ang nagmamay-ari ng lupaing pinag-aawayan ay wala na ito sa saklaw nila, kaya hindi pwedeng makaladkad ng pulis ang mga Blue Guard o representante ng mga kampong nag-aagawan, lalo na at may mga dokomento namang ipinapakita ang mga ito.

Ngunit kapag umabot na sa away at sakitan, doon na sila manghihimasok at dadalhin ang mga ito sa himpilan ng pulisya dahil mapupunta na ito sa kasong kriminal.

Ang pahayag na ito ni Dir. Defensor ay nag-ugat nang magmunkahi si SP Member Nemesio Neron na ipapatawag siya kasama ang hepe ng Boracay Police sa sesyon kaugnay sa mainit na isyung land dispute sa isla kamakailan lang. 

Fiscal’s Office sa Boracay, hiniling ng SB Malay sa DoJ

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Isang mosyon ang napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay para magpasa ng isang resolusyon sa Departement of Justice o DoJ na humihiling na kahit isang araw sa isang linggo ay magkaroon ng opisina sa Boracay sa Fiscal’s Office.

Ito ang napagkasunduan ng konseho sa sesyon nila kahapon, dahil batid ng mga ito na mahirap at magastos sa bahagi ng pulis sa Boracay na magbiyahe dala ang suspek lamang makasampa ng kaso.

Maliban dito, peligroso at isang pakikipagsapalaran sa bahagi ng mga pulis ang ganitong sitwasyon.

Kaya mas mainam kung posible lamang ayon sa mga ito na ang taga prosekyuson na lamang ang pumunta dito.

Subalit hindi lamang ang fiscal  ang target nilang  magkaroon ng opisina sa isla, sapagkat maging ang Public Attorney’s Office o PAO ay gusto din nilang magkaroon ng opisina dito, para ang mga suspek ay maipagtanggol din ang kanilang sarili.

Wednesday, August 31, 2011

Dahil sa perwisyo, Pamahalaang probinsyal ng Aklan, kakasuhan din ang BFI?


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi malayong mangyari na maghabla pabalik ang pamahaalang probinsya ng Aklan laban sa Boracay Foundation Incorporated (BFI), para sa danyos perwisyo na likha ng mga ito, dahil sa naantala ang pagpapatupad ng proyektong reklamasyon sa Caticlan makaraang sampahan ito ng kaso ng BFI.

Ito ngayon ang inihayag ni Atty. Allen Quimpo dating kongresista ng Aklan at tumatayong tagapag-payo ng pamahalaang probinsya batay sa paniniwala nito lalo pa at pinilit umano ng BFI na magsampa ng kaso kahit batid na ng mga ito na walang masamang epekto ang proyekto sa kapaligiran.

Ayon dito, ang ganitong bagay, kung legalidad ang pag-uusapan, ay hindi imposible.

Pero ang hindi umano nito alam ngayon kung gagawin ito ni Aklan Governor Marquez, ang pagsampa ng kaso laban sa BFI, kung mapapatunayan ng probinsya na walang basehan ang alegasyon ng mga negosyanteng ito.

Naniniwala siya na marami ang apektado ng pagkaka-antalang ito ng proyekto lalo na sa kontraktor at mga turistang nakaranas ng kahirapan sa kakadaan umano sa Tabon Port.

Ngunit sa kabila ng pahayag na ito ni Quimpo, nilinaw niyang, nasa kay Gobernor Marquez parin ang disisyong kung kakasuhan pa nila ang BFI, kung sakaling sila ang palarin sa kasong isinampa laban sa kanila.

Samantala, dahil sa mga isyung namamagitan ngayon sa BFI at pamahalaan probinsya ng Aklan, hiniling naman ni Atty. Quimpo  sa BFI na sana ay hindi na nila pag-awayan pa ang mga bagay na katulad nito, sa halip ay magka-isa at magtulungan nalang sa pagpapa-unlad ng Boracay.

Kasabay ng kahilingang ito ng abogado, sinabi niyang ipinagmamalaki at masaya ang pamahalaang probinsya sa mga nagawa ng BFI lalo na sa pagpapaganda ng mga pasilidad at serbisyo nila sa mga turista.

Muslim Community sa Boracay, saganang ipinagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Masaganang ipinagdiwarang ng Muslim Community sa Boracay ang pagtatapos ng Ramadan.

Sa huling araw ng pag-aayuno nila kahapon ng tanghali, sabay-sabay nilang pinagsaluhan ang pagkaing inihanda para sa pagdirawang at pagtatapos ng pinakabanal na araw na ito, batay sa kanilang panampalataya.

Ayon kay Mike Mananos, Board of Director ng Muslim Association sa isla, pinagsaluhan ng mahigit isang libong Muslim ang pagkaing inhanda, na sila din mismo ang nag-ambag ambag para sa naturang pagdiriwang.

Aniya, naghanda ang mga ito ng mga masasarap na pagkain, katulad ng kalabaw, manok, salad at kung anu-ano pa, at masayang pinagsaluhan ito, lalo pa at isang buwan din umano silang walang halos kinain sa loob ng tatlumpung araw, maliban na lang sa gabi kung saan doon lamang sila makakakain at maaring makaka-inom ng tubig.

Pagkatapos ng ng salu-salo, ang ilang umano sa kanila ay kanya-kanyang nagliwaliw kasama ang pamilya, katulad sa paliligo sa dagat, swimming pool sa isla at maging sa labas ng Malay.

Hindi pa dito nagtatapos ang aktibidad nila dahil kinagabihan ay magtatagisan din ang mga ito sa larangan ng basketball para sa midget at senior division, pati na sa sa domino at chess.

Samantala, nabatid rin mula kay G. Mananos na mahigpit na ipinagbabawal sa mga katulad nila ang pagkain ng baboy, hotdog, at maging ang pag-inom ng nakakalasing na inumin, pati na ang pagsusugal at pakiki-apid kung hindi kasal.

Ikinatuwa naman ng mga Muslim na naging mapayapa ang kanilang pagdirawang ng Ramadan.

PNP Regional Director Querol, sa Boracay nagdiwang ng Ramadan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Naging pangunahing pandanggal sa ika-labing apat na taong na pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan sa Boracay si PNP Regional Director PS/Supt. His Excellency Sultan Cipriano Querol, tumatayong pinuno ng mga Muslim Community sa buong rehiyong ito.

Malugod siyang na tinaggap ng mga Muslim sa Boracay lalo pa at mas pinili umano ng opisyal na ito na sa isla pa magdiwang pinakabanal na araw ng mga Muslim kasama ang mga ito.

Maliban kay Querol, nakihalubilo din si Supt. Sammuel Nacion, hepe ng Boracay Police, Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron, SB Member Jupiter Gallenero, Punong Brgy ng Manoc-manoc Abram Sualog at ilan pang opisyal ng nabangit na barangay.

Bagama’t simpleng pagdiriwang lamang ang kanilang ginawa, ikinatuwa naman ng mga Muslim ang pagtatapos ng Ramadan lalo pa at sa labas ng kanilang mosque ay sabay-sabay na pinagsaluhan ang mga nakahain pagkain.

Nabatid naman mula kay Mike Mananos, Board of Director ng Muslim Association sa Boracay, na may mahigit isang libong katao silang mga Muslim sa isla ngayon, na ang ikinabubuhay ay panga-ngalakal o pagnenegosyo.

Samantala, ayon kay G. Mananos, ipinagmamalaki pa rin nila ang pagiging Muslim, at hindi sila nagagalit kung tawagin sila sa ganong pagkilala, maliban na lamang kung ang paggamit sa salitang Muslim ay inihahambing sa mga masamang gawain dahil hindi naman umano totoong masama sila.

Probinsya, hindi nababahala sa kahihinatnan ng kaso


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nilinaw ni Atty. Allen Quimpo, dating kongresista ng Aklan at tumatayong tagapag-payo ng pamahalaang probinsyal ng Aklan, na hindi nangangahulugang nababagabag o nag-aalala na ngayon ang pamahalaang probinsya sa resulta ng oral argument at maging sa disisyon ng Supreme Court.

Ito ay kasunod ng paghiling ni Aklan Governor Carlito Marquez sa BFI na i-atras na lang ang kasong isinampa ng nasabing organisasyon sa pamahalaang probinsyal.

Sa kabila ng pahayag na ito ni Quimpo, kampante pa rin sila at nagtitiwala sa desisyon ng korte, lalo pa at hindi pa umano napapakinggan ng Supreme Court ang panig nila.

Hindi maikakaila na marami ngayon ang nagtataka kung bakit kailangan pang hilingin ni Governor Marquez sa BFI kung malaki ang pag-asa nila na mapanalunan ang kasong isinampa laban sa kanila, kung hindi man lang ito nababahala sa resulta.

Samantala, kinuntra naman ng abogado ang naging pahayag ni Loubell Cann ng BFI Board of Trustees, na nanga-ngamba sila na baka hindi sundin ng probinsya ang 2.6  hectare na reklamasyon at sa halip ay ang apat napung hektarya ang gagawin nila.

Ayon naman sa sagot ni Quimpo, ang apatnapung hektarya ay kasama lamang sa pangarap ng probinsya, pero ang 2.6 hectare lamang umano ang saklaw at sakop ng legal na dukomentong hawak ng probinsya.

Pagpapabawi sa kaso ng BFI laban sa probinsya, ipinaliwanag ni Atty. Quimpo

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“I-withdraw na lang ang kaso para hindi na tayo magkakahiyaan pa”.

Ito ngayon ang sinabi ni Atty Allen Quimpo, dating kongresista ng Aklan at tumatayong tagapag-payo ng pamahalaang probinsya, patungkol sa kasong ihinabla ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) laban sa pamahalaang probinsyal kaugnay pa rin sa makontrobersiyang proyekto sa Caticlan: ang reklamasyon.

Paliwanag ni Quimpo, mas mabuting bawiin na lang ng BFI ang kaso dahil wala namang basehan ang kanilang mga alegasyon.

Ang pahayag na ito ng dating kongresista ay kasunod ng pag-amin nito na totoong hiniling ni Aklan Governor Carlito Marquez na bawiin ang kaso laban sa kanila lalo pa at hindi umano mapapatunayan ng BFI na may masamang epekto ang proyekto ito sa isla dahil sa mga resulta ng tatlong pag-aaral na ginawa sa Caticlan ng mga sayantipiko.

Ito, ayon kay Quimpo, ang rason ng paghihimok ng gobernador, dahil na rin sa kawalan ng basehan ng mga alegasyon ng mga stakeholders kaya dapat na bawiin na lamang ang kaso.

Pero sa kabila ng sinabing ito ng abogado, maaari umanong may maasahang settlement sa gitna ng probinsya at BFI, iyon ay kapag nag withdraw umano ang mga negosyanteng ito.

Samantala, mariin namang sinabi ni Quimpo na magkakaibigan pa rin sila ngayon ng BFI sa kabila ng kanilang kinakaharap sa kasalikuyan, gayong kasama at nagtutulung-tulungan umano sila sa pagpapa-unlad ng Boracay para sa ikakabuti ng isla.

Boracay Dragon Frisbee Team, nakapag-uwi ng silver medal


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa pangalawang pagkakataon ay nakapag-uwi ng silver medal ang Boracay Dragon Team na nagrepresenta sa koponan ng Pilipinas sa larangan ng Frisbee.

Ito ay makaraang napayukod ng mga ito ang India, Ireland, Germany at Currier Island sa eliminasyon pati na din ang Canada sa quarter finals at Italy sa semi finals.

Hinarap ng nasabing koponan ang United States sa finale sa open division, at umiskor ng 13-9, pabor sa Estados Unidos.

Ang pakikipagsagupaang ito ng mga manlalarong mula sa isla ng Boracay ay kaugnay pa rin sa 3rd World Championships of Beach Ultimate sa Lignano Sabbiadoro sa bansang Italy.

Nagsimula ang nasabing kompitisyon nitong ika dalawampu’t isa ng Agosto na magtatapos naman sa ika-dalawampu’t walo ng buwan at taong kasalukuyan.

Matatandaang noong taon ng 2007 ay nasungkit din ng Boracay Dragons ang silver medal, matapos nitong talunin ang bansang Italy sa ginanap na 2nd World Champions of Beach Ultimate sa Brazil.

Samantala, sa text message ni James Yap sa YES FM, isa sa mga miyembro ng nasabing koponan, kinumpirma nitong sa ika-tatlumpu ng Agostyo ng kasalukuyan ay darating ang buong team sa bansa, mula sa Italy.

Pagtalima sa kompromiso, pinagdududahan ni Cann


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Papasok sa kompromiso basta hindi lalampas pa sa 2.6 hectares ang reklamasyon sa Caticlan.

Ito ngayon ang “wish” ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa pamahalaang probinsya, taliwas sa nakasaad sa reclamation plan ng may proposisyon na 40 hectare.

Aniya, maliban dito, kapag pumayag ang kabilang kampo sa hinihiling nila kasama ang pag-aaral ukol sa isyung pangkapaligiran, mistulang nanalo na rin umano ang BFI sa lagay na iyon.

Pero nilinaw nito na itutuloy pa rin nila ang kaso, sapagkat duda pa rin sila na masusunod ito, dahil 40 ektaryang reklamasyon ang nakasaad sa mga dokumento ng probinsya.

Subalit, isinatinig ni Cann na hindi sila tutol sa 2.6 hectare na ito, at maging sa plano nilang itayong gusali mula sa tinamanbakan lugar na ito sa Caticlan. Ang kanila lamang ay kung tatalima sa napagkasunduan nila ang probinsya.