YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 23, 2019

Mga nanalo sa Miss Asia Pacific International 2019 nag-courtesy visit sa bayan ng Malay


Posted October 23, 2019

Nag-courtesy visit ang mga nanalong kandidata sa Miss Asia Pacific International 2019 sa bayan ng Malay nitong Lunes.

Nabatid ang nasabing pageant ay ginanap noong October 9 sa Resorts World Manila kung saan kinoronahang Miss Asia Pacific International 2019 si Chaiyenne Huisman ng bansang Spain.

Narito ang mga pangalan nang nanalong kandidata:

1st Runner-Up – Eoanna Constanza (Dominican Republic)
2nd Runner-Up – Jessica Cianchino (Canada)
3rd Runner-Up – Carolina Schuler (Brazil)
4th Runner-Up – Fiorella Cortez Arbenz (Costa Rica)

Samantala nagkaroon naman ng picture taking sa mga kandidata sina Acting Municipal Mayor Frolibar Bautista, Acting Vice Mayor NiƱo Carlos Cawaling at ibat-ibang department heads.

Dating nakulong dahil sa pagbebenta ng droga, muling nasakote sa buy bust operation


Posted October 21, 2019

Image may contain: 1 person
CTTO
Muling nasakote sa ikinasang buy bust operation ang dati ng nakulong dahil sa pagbebenta ng iligal na droga kaninang madaling araw sa Sitio Angol, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan.

Ang suspek ay si Kim Cahilo, 23-anyos, walang trabaho at residente rin ng naturang lugar.

Naaresto ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Malay PNP, 2ND Aklan PMFC, 605TH Maritime at PDEA 6 matapos itong mabilhan ng dalawang sachet ng suspected shabu nang nagpakilalang poseur buyer kapalit ng P 1, 100.00 na buy bust money.

Samantala, nakuha pa sa ginawa umanong body search ng Malay PNP ang apat pang sachet ng ipinagbabawal na droga.

Nabatid, kasama umano itong si Cahilo sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) at nakalabas ng kulongan sa pamamagitan ng Plea-Bargaining.

Paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kaso ng suspek.

Malay College bubuksan na sa susunod na taon


Posted October 21, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: sky, cloud, house and outdoor
Photo (c) Aireen Dela Torre, MPGO
Kumpiyansa ang LGU Malay na mabubuksan na sa susunod na taon ang Malay College matapos itong ma-aprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Ayon kay Alma Belejerdo, Chairman ng Technical Working Group, papeles na lang sa CHED ang kanilang lalakarin at pwede na silang tumanggap ng enrollees.

Masaya rin nitong ibinalita na may karagdagang budget na ang school building na sa ngayon ay may 15 silid-aralan na pwedeng tumanggap ng mahigit 300 estudyante.

Sa pagbukas ng Malay College, apat na taong kurso na BS in Tourism and Hospitality Management ang kanilang handog sa mga estudyante.

Kaugnay nito, libre rin ang matrikula o tuition fee ng mga Malaynon na mag-aaral.

Sa ngayon ay naghahanap na sila ng mga aplikante na guro at school administrator para sa operasyon ng paaralan.

Ang Malay College ay nasa Balusbos, Malay, Aklan.