YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 12, 2017

TIEZA, kinastigo sa Sangguinang Bayan ng Malay

Posted January 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Muling pinuna ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay ang aksiyong ginagawa ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) hinggil sa problema sa Drainage System sa Boracay.

Ayon kay SB Gallenero, anim na taon na nilang ini-imbitahan ang opisina ng TIEZA para pag-usapan at hanapan ng mabilis na aksyon ang problema ng mga proyekto nila sa Boracay subalit pawing representante lamang ang pinapadalo at hindi naman masasagot at maibigay ang impormasyon na dapat malaman ng LGU-Malay.

Ang usapin ay nag-ugat sa naging pahayag ni SB Member Nenette Aguirre-Graf sa nakaraang sesyon ng SB-Malay, kung saan meron umanong isang grupo na gustong mag-file ng petisyon kaugnay sa problema sa drainage sa Bolabog.

Singit ni SB Fromy Bautista, nagkaroon na ng MOA ang TIEZA at BIWC kaya dapat malaman ng LGU kung saan at ano na ang mga susunod hakbang para sa drainage project.

Sa ngayon, hindi pa rin matapos-tapos ang usapin sa illegal connection sa mga drainage sa isla kung kaya’t nagdulot ito ng panibagong pagbabanta ng online petition dahil sa pangamba na makaka-apekto ito sa dalampasigan ng Bolabog Beach.

Matatandaan na hindi natapos ng noo’y Philippine Tourism Authority at ngayo’y TIEZA ang naunang drainage project rason ng pagbabaha sa ilang lugar at kalsada sa isla.

Online Petition kaugnay sa problema sa Bolabog, ikinabahala ng SB Malay

Posted January 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoor
Labis ngayon ang pangamba ng Sangguniang Bayan ng Malay patungkol umano sa balak na online petition hinggil sa problema ng drainage system sa Bolabog, Boracay.


Sa 2nd Regular Session ng SB-Malay nitong Martes, naging Privilege Speech ni SB Member Nenette Aguirre-Graf ang tungkol umano sa balitang kanyang nakalap na nakatakdang mag-file ng online petition ang mga residente sa Bolabog dahil sa masangsang na amoy na inilalabas sa drainage .

Aniya, hindi lang ang Bolabog ang maapektuhan nito kundi ang industriya ng turismo ng Boracay lalo na sa mga turista na dumadayo dito.

Dagdag pa nito na napakasama sa imahe ng Boracay ang usaping ito oras na umusbong itong issue sa social media na napaka-kapangyarihan ang dala nito sa mga tao sa panahon ngayon. 

Samantala, tinanong ni Vice Mayor Sualog si SB Graf kung na-idulog niya na ba ito sa opisina ng Mayor kung saan sinagot naman ito ni Graf na hindi pa kasi noong nakaraang linggo niya lang narinig ang tungkol sa petisyon.

Sa rekomendasyon ni Sualog, dapat na umanong magpulong o makipagkita si SB Graf sa opisina ng alkalde kasama ang representante ng Boracay Water Company (BIWC) upang pag-usapan ang sulusyon na dapat gawin ukol dito.

Pagkuha ng Police Clearance, inilipat ng muli sa Boracay

Posted January 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police clearanceMagandang balita sa mga kukuha ng Police Clearance sa Barangay Balabag, Yapak at Manoc-manoc.

Ito’y dahil inilipat ng muli ang pagkuha ng naturang Police Clearance sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) simula Enero 16 taong kasalukuyan.

Nabatid kay SPO1 Christopher Mendoza ng BTAC, may itatalaga umanong Police Personnel ang Malay PNP para sa pag-proseso ng mga kukuha ng police clearance sa kanilang himpilan.

Aniya, ito umanong paglipat muli sa Boracay ay pinag-usapan ng LGU-Malay, Malay PNP at Boracay PNP.

Kung matatandaan, marami na umanong natatanggap na reklamo ang LGU mula sa mga manggagawa sa isla dahil sa kailangan pa nilang tumawid ng mainland at gumastos ng mahal upang makakuha ng police clearance.

Nabatid na ang kailangan lamang mag-process ng Police Clearance ay Municipal Police Station at hindi kagaya ng Boracay Tourist Assistance Center na isang Mobile Station na para lamang sa mga turista.

Wednesday, January 11, 2017

Mandatory Drug test sa LGU ng Malay, nakatakda nang simulan

Posted January 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ng kapulisan sa ilalim ng Duterte administration, sisimulan na ngayon ang Mandatory Drug Test sa lahat ng mga organisasyon at kooperatiba at maging ang mga empleyado sa local na pamahalaan sa bayan ng Malay.
Kahapon sa 2nd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay, sa pangunguna ni Honorable Dante Pagsuguiron sinabi nito na kailangan na umanong sumailalim sa drug test ang mga akreditadong establisyemento sa Malay bago ang renewal ng Mayors Permit.

Ani Pagsuguiron, ito ay upang malaman kung sino ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga na mabilis namang sinang-ayunan ni SB Gallenero.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Vice Mayor Abram Sualog na isama na ang mga empleyado ng mga resorts at mga establisyemento total sasailalim na ang lahat ng mga organinasyon at kooperatiba sa requirement na drug test.

Samantala, para ma-abisuhan umano ang lahat sa bagong ipapatupad, nais ni Gallenero ngayon na pasulatan ang mga establiyemento para malaman ito.

Tuesday, January 10, 2017

15 Cruiseships nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ngayong taong 2017

Posted January 10, 2017
Ni Danita Jean A.Pelayo, YES FM Boracay
Tiniyak na ng Caticlan Jetty Port Administration na maraming malalaking cruise ship sa mundo ang bibisita sa bansa partikular sa isla ng Boracay sa 2017.

Nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ngayong taon ang inaabangang 15 mga cruiseships.

Sa panayam ng himpilang ito kay Jettyport Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan at Cagban Port, sa buwan ng Enero 28 ay bibisita ang isang returning vessel sa isla.

Kaugnay nito, inaasahan din ang pagdating ng limang mga cruiseships sa buwan ng Pebrero at may inaasahan pang limang dagdag maliban sa labin-limang darating ngayong taon.

Samantala, ayon kay Pontero patuloy pa rin ang improvement construction sa Cagban Port.

Nitong nakaraang taon, nabatid na nasa sampung cruise ship ang bumisita sa isla.

Selebrasyon ng Ati-atihan sa Boracay, naging matagumpay

Posted January 10, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 2017 atiatihan boracayOkay at naging matagumpay naman ang naging pagdiriwang ng Sto. NiƱo Ati-atihan 2017 sa Boracay.

Ito ang sinabi ni Deputy Chief PSInp. Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP, kung saan wala naman umanong malaking kaguluhan ang nangyari sa buong selebrasyon simula Sabado hanggang linggo ng gabi.

Bagama’t may nai-rekord sa kanilang himpilan na isang kaso ng pag-a-away ngunit ito aniya ay bunga lamang ng kalasingan kung saan sa ngayon nga ay na-inquest na sa bayan ng Kalibo.

Maliban dito, dahil na rin sa pagtutulungan ng mga force multipliers sa pagbabantay ng seguridad kung kaya’t naging matagumpay ang lahat ng mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.

Sa kabilang banda naman, patuloy umano ang kaliwa’t kanan nilang meeting para naman sa pagbibigay ng mga guidelines, rules and regulations sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin para sa mga susunod pang event dito sa isla ng Boracay lalo na ang papalapit na pagbisita ng Miss Universe 2017 Candidates at ASEAN Summit.

Tinuturong drug pusher sa Boracay, patay matapos mabaril ng pulis

Posted January 10, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: one or more people and outdoorBumulagta sa bakhawan ang isang lalaki matapos mabaril sa isinagawang buy- bust operation kaninang madaling-araw sa Sitio Lugutan, Brgy. Manoc- Manoc, Boracay.

Kinilala ang suspek na si Rafe Diamante y Delumpa, 35- anyos, tubong Nueva Valencia, Guimaras at temporaryong nanunuluyan sa nasabing lugar.

Image may contain: one or more people, tree, plant, outdoor and natureNangyari umano ang pamamaril pagkatapos matunugan ng biktima na ang pulis na si BTAC Chief PSI Jess P. Baylon ang poseur buyer rason na naglabas ito ng 38 revolver at akmang barilin si Baylon subalit hindi raw ito pumutok.

Dahil nadama ng pulis na nasa panganib na ito kaya pinutukan niya ito kung saan nagtamo ang biktima ng mga tama sa dibdib na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa imbestigasyon, narecover ang isang suspected drugs sa isinagawang buy- bust operation at pito pang hiwalay na suspected drugs na nakuha sa katawan ni Diamante, buy- bust money, tatlong daang unmarked money at isang cellphone na naglalaman umano ng mga drug transactions.

Nabatid sa ginawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives, nagtamo ito ng anim na tama ng bala sa katawan kung saan apat dito ang tumagos sa likod.

Ang buy bust operation ay pinangunahan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Aklan PSC, Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG), 605th Maritime Police Station, 12th Infantry Battalion-Tactical Interface Unit, MIG-6 at PDEA RO-6.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng SOCO tungkol dito kung saan ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Prado Funeral sa bayan ng Malay.

Monday, January 09, 2017

84 na Barangay sa Probinsya ng Aklan, malinis na sa droga

Posted January 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for say no to drugsSa 214 na apektadong barangay sa iligal na droga, umabot na ngayon sa 84 barangay ang malinis sa droga.

Ayon kay Police Chief Inspector Bernard Ufano, ng Provincial Intelligence Branch, malaking tulong umano sa kanila ang  pinaigting na barangay drug operation.

Sa din pamamagitan umano nito ay magiging madali na rin ang kanilang drug clearing operation dahil sa pagka-aresto ng mga drug personalities na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Nabatid na kakaunti nalang umano ang stock ng shabu at iba pang iligal na droga sa probinsya kung saan sanib pwersa sila ngayong taon na maaresto ang mga natitira pang nagbebenta ng droga o pusher.

Samantala, mahigpit naman ang kanilang pagbabantay sa pagpasok ng iligal na droga ngayong kapiyestahan ng Kalibo Santo Nino Ati-atihan festival at iba pang bayan na may kapareho ring selebrasyon.

Bukod dito, simula ngayong araw ay nakabantay na ang hanay ng mga kapulisan sa Kalibo, ito’y para sa mabantayan ang seguridad ng mga turista at residente lalong-lalo na ang pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe 2017 sa Enero 14 at ASEAN summit sa Boracay.

Ayon pa kay Ufano, ang masugpo ang iligal na droga sa ilalim ng Duterte Administration, ang isa umano sa kanilang accomplishment sa nakalipas na taong 2016.

Hotels at mga pension houses sa Kalibo, punuan na para sa Ati-Atihan festival

Posted January 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for chairman ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi)Ngayon pa lang ay punuan na ang mga hotel sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2017 bilang pakiki-isa sa kapistahan ni Sr. Santo NiƱo.

Ayon kay Albert MeƱez, chairman ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi) halos lahat na ng hotel sa nasabing bayan ay naka fully booked na dahil sa marami na ang nagpa-reserve na mga turista at mga balikbayan.

Kasabay nito, ini-engganyo niya rin ang mga residente na magkaroon ng “home stay” o paupahan sa kanilang bahay para sa mga turistang walang matulugan.

Samantala, inaasahan naman ni MeƱez na bubuhos pa ang mga turista sa kapistahan ni Sr. Santo NiƱo ito’y dahil kasabay ng selebrasyon ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival ang pagbisita ng Miss Universe Candidates.

Sunday, January 08, 2017

Security Forces para sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2017, nakatakda ng i-deploy ngayong Lunes

Posted January 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for KASAFI
Aarangkada na ang inaabangang selebrasyon ng Kalibo Santo NiƱo Ati-Atihan Festival 2017 sa bayan ng Kalibo kung kaya’t simula sa araw na Lunes nakatakda na ang pag-deploy ng mga security forces sa mga kalsada ng naturang .

Ayon kay Public Information Officer ng KASAFI na si Boy Ryan Zabal, nasa mahigit 400 mga pulis ang i-dedeploy dito, kasama ang mga kasapi ng Force Multipliers kung saan magbabantay ang mga ito sa ilalagay na labing-anim na Police Assistance Centers, Traffic at Security.

Kasabay nito, pina-alalahanan naman ng KASAFI ang mga makikibahagi sa selebrasyon na sumunod sa ipinapatupad na ordinansa partikular na sa pagbabawal ng pagdadala ng mga babasaging bote ng inumin habang nakikisabay sa mga nagsa-sadsad.

Umapela din si Zabal sa mga magsasadsad na bigyan ng daan ang 30 partisipanteng tribu sa gaganaping Street Dancing Competition ng sa gayon ay maging maganda at hindi magulo ang naturang presentasyon.

Miss Universe Candidates, bibisita sa Boracay

Posted January 7, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
                               
Image result for Miss Universe 2017Tiyak na lalo pang makikilala ang isla ng Boracay dahil sa nakatakdang pag-host ng Pilipinas sa pinaka-prestihiyosong pageant sa buong mundo.

Ang bansang Pilipinas ang siyang napiling mag-host ng Miss Universe 2017 na magaganap ngayong Enero a-trenta sa Mall of Asia Arena, Pasay, Metro Manila kung saan ito na ang pangatlong beses na magho-host ang bansa ng isang International Beauty pageant.

Kaugnay nito, inaasahang mas lalakas pa ang turismo sa bansa lalo na sa isla dahil sa inaasahang pagbisita ng mga kandidata ng Miss Universe 2017 sa darating na Enero 14.

Nabatid na ang Boracay ang isa sa mga tourist sites na napiling pagdausan ng ilang segment para sa naturang pageant.

Napag-alaman din na kasabay ng selebrasyon ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival ang pagbisita ng Miss Universe Candidates.

Samantala, bukod sa nasabing pageant, pinaghahandaan na rin ngayon ang nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa isla sa darating na Pebrero 11 hangang Marso 2 ngayong taon.