YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, December 26, 2015

Kabuuang budget ng Kalibo at MEEDO sa taong 2016, ini-refer na sa PLFC

Posted December 26, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budgetIni-refer na ang kabuuang budget  para sa taong 2016 ng bayan ng Kalibo at Municipal Economic Enterprises Development Office (MEEDO) sa Committee on Appropriations Budget and Finance and Ways and Means at Provincial Local Finance Committee o PLFC.

Sa ginanap na 46th Regular Session ng SP Aklan, nabatid na ang naturang budget ay ini-refer para sa pag-aproba ng PLFC, na nagkakahalaga ng P 224, 139, 643.40 para sa budget ng bayan ng Kalibo at P 58, 313, 546, 93 naman sa  Municipal Economic Enterprises Development Office (MEEDO).

Nabatid na ang nasabing budget ay para sa ibat-ibang gastos ng Municipal Government at Municipal  Economic Enterprise sa susunod na taong 2016.

Seguridad sa Caticlan Jetty Port hinigpitan ngayong holiday season

Posted December 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for jetty portMahigpit ang ginagawang seguridad ngayon sa Caticlan Jetty Port kung saan dagsa ang maraming pasahero at turista dahil sa holiday season.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, nagtalaga umano sila ng mga otoridad sa dalawang pantalan na kinabibilangan ng Maritime police, Philippine Coastguard, PNP at iba pang organic group na magpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Sinabi din nito na mayroon silang naka-activate na assistance desk na mag-ooperate hanggang sa matapos ang selebrasyon ng bagong taon katuwang ang PCG.

Sa kabilang banda, bigo namang maihabol ang dalawang x-ray machine na nasira sa Caticlan Jetty Port, ngunit sinabi ni Pontero na mayroon ng bidding para rito kung saan napag-alaman din na sa ibang bansa pa manggagaling ang mga piyesa nito.

Kaugnay nito, mahigpit namang sinusuri ng mga nakabantay na security guard sa lugar ang mga bagahe ng mga pasaherong papasok sa isla ng Boracay.

Boracay Water, nagpalabas ng bagong taripa para sa 2016

Posted December 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for biwc boracayIlang araw nalang bago sumapit ang bagong taon kung kayat inilabas na ng Boracay Island Water Company (BIWC) ang bagong taripa para sa taong 2016.

Sa ipinadalang kalatas ng nasabing kumpanya, lumalabas na kapag ikaw ay nakapag-kunsumo para sa residential ng 11-20 cubic meters ay magbabayad ka ng P51.02/cubic meter mula sa dating P47.16 habang kung nakapag-kunsumo ka naman sa commercial A ng 11-51 cubic meters ay magbabayad ka ng P80.55/cubic meter mula sa dating P74.46.

Maliban dito naglabas naman ang BIWC ng bagong Sewerage tariff para sa 2016 kung saan ang sa residential ay P20.14/cubic meter x 70% ng water consumed mula sa kasalukuyang P18.62 habang sa commercial ay P26.14 mula sa old rates na P18.62/per cubic.

Samantala, kabilang din dito ang mga dive shops, bar at restaurant sa Boracay na mayroong grease trap at walang grease trap, mga turo-turo, apartment at boardinghouse.

Nabatid na ang paglabas ng bagong tariff ay base sa approval ng TIEZA Board of Directors sa bisa ng resolusyon No. 1812 na may petsang Desyembre 8, 2012 bilang rekomendasyon ng TIEZA Regulatory Office kung saan mayroong upward adjustment na 8.18% para ma-cover ang final tranche ng 2012 tariff rate rebasing adjustment staggered para sa apat na taon at 2015 Consumer Price Index.

Napag-alaman din na simula noong Setyembre 1, 2015 ay inimplementa ng BIWC ang 14.34% rollback bilang konsidirasyon sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).

Friday, December 25, 2015

MDRRMO Malay, patuloy ang ginagawang tulong sa mga nasunugan kahapon

Posted December 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Patuloy ngayon ang isinasagawang pagtulong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay sa mga biktima ng sunog kahapon ng umaga sa Ambulong Boracay.

Ayon kay Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay at dating PRC-Administrator, nagtutulungan ngayon ang kanilang opisina kasama ang Municipal Social Welfare and  Development Office (MSWDO), Department of  Social and Welfare Development (DSWD) , Philippine Red Cross (PRC) at Local Government Unit ( LGU) Malay para mabigyan ng pansamantalang tulong ang mga nabiktima ng sunog.

Aniya, alas- 5 kahapon ng hapon nagumpisa ang kanilang pamimigay ng pagkain sa 79 na pamilya ang nagpalista na biktima ng sunog maliban pa sa 325 na indibidwal na pinaniniwalaang mga boarders.

Sinabi pa ni Shconenberger, kung sino ang mga gusto pang tumulong sa mga taong nasunugan ay pwede nilang ideritso sa opisina ng MSWDO.

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang pag-imbestiga ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay kung saan nagsimula ang sunog at kung ano ang dahilan nito.

Thursday, December 24, 2015

Kabahayan at mga establisyemento sa Ambulong, nasunog

Posted December 24, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ilang oras bago sumapit ang Pasko, isang malaking sunog ang nangyari sa Main road Ambulong, Boracay kung saan halos natupok ang mga kabahayan at mga establisyemento dito.

Sinasabing nagsimula umano ang sunog mula sa isang boarding house dito. At dahil sa lakas ng hangin, hindi na ito napigilan sa pagkalat.

Bagama’t hindi pa kumpirmado, sinasabing mahigit sa limampung kabahayan ang natupok ng apoy.

Mahigit limang oras umano bago nawala ang sunog, sa tulong na rin ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP), Boracay Acton Group (BAG), Boracay Water, Boracay  Coast Guard, Boracay PNP, Malay Auxiliary Police at mga residente sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng BFP Boracay sa kung ano ang sanhi ng nangyaring sunog.

Pagdagsa ng pasahero sa Caticlan Jetty Port, inaasahan ngayong araw

Posted December 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for jetty portDisperas na ng Pasko ngayong araw kung kayat inaasahan ang pagdagsa ng maraming pasahero sa Caticlan Jetty Port na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Ayon sa Philippine Coastguard Caticlan, nasa-walumpung porsyento na umano ang mga pasahero sa nasabing pantalan kung saan karamihan sa mga ito ay sakay ng ro-ro vessel mula sa Manila at patungo sa kanilang mga lugar.

Dahil dito, naglagay na rin umano sila ng passengers assistance desk sa Cagban at Caticlan Jetty Port hanggang sa unang linggo ng Enero.

Maliban dito 24-oras naman umanong naka-antabay ang kanilang mga K-9 Unit na magbabantay at mag-iinspeksyon sa mga bagahe ng pasahero.

Samantala, katuwang naman ng PCG-Caticlan ang iba pang mga law enforcers sa Malay at Boracay para paigtingin ang seguridad ng mga pasahero at turista ngayong holiday season.

Wednesday, December 23, 2015

Tatlong Bayan sa Aklan, positibo parin sa Paralytic Shellfish Poison

Posted December 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Positibo parin ang Sapian Bay at tatlong kalapit na bayan ng Batan, Altavas at New Washington ng Aklan sa Paralytic Shellfish Poison o Red Tide.

Ito ay base sa bagong isinagawang eksaminasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Desyembre 18, 2015.

Dito, sinasabing mataas parin hanggang sa ngayon ang tinatawag na Regulatory Limit ng sinasabing toxin.

Sa kabila nito, pinayuhan naman ng Bureau of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) ang mga tao sa lugar lalong-lalo na ang nasabing tatlong bayan na nag-positibo sa Paralytic Shellfish Poison na huwag munang kumain, mag-harvest at magbenta nito.

Aklan-PHO, nagpaalala sa mga bibili ng Noche Buena at paputok ngayong bagong taon

Posted December 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nag-paalala ngayon ang Aklan Provincial Health Office (PHO) sa mga bibili ng Noche Buena products at paputok sa paparating na pasko at bagong taon.

Ayon kay Dr. Victor Santamaria Provincial Health Officer 2, muli umano silang nag-papaalala sa publiko na maging maingat sa kanilang bibilhing Noche Buena ngayong pasko lalong-lalo na sa  mga mamantikang pagkain.

Paalala din nito sa may mga may hypertension o high blood na dapat ay umiwas sa  ma-kolesterol na pagkain upang hindi atakihin ng kanilang sakit.

Maliban dito sinabi pa ni Santamaria, na maging maingat din sa mga bibili ng paputok sa bagong taon.

Mas mainam umanong gumamit nalang ng mga bagay na ligtas ngunit maingay katulad ng turorot para maiwasan ang anumang uri ng disgrasya dulot ng paputok.

Italian National na magbabakasyon sa Boracay, naloko sa online accommodation

Posted December 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaIni-reklamo ng Italian national ang isang babae matapos itong maloko sa kanyang online accommodation sa Boracay.

Sumbong ng biktimang si Angelo Giantefani  65- anyos sa Boracay PNP, nakipag- transakyon umano siya kay certain “ren” para sa kanyang hotel accommodation sa isla.

Ayon sa biktima  humingi umano ang suspek ng pangunang bayad na nagkakahalaga ng P 4, 500 na pinadalhan naman ng kaibigan nito ng P 7, 500.

Kaugnay nito, sinasabi umano ng suspek na hindi tatanggapin ng hotel ang kanyang paunang bayad kung saan dapat ay kailangan itong mabayaran ng buo.

Dito na umano nakaramdam ang biktima na tila siya ay niloloko ng suspek kung kayat agad niya umano itong tinawagan sa kanyang cellphone ngunit hindi na umano ito sumasagot.

Samantala ang nasabing kaso ay ini-refer na ng Boracay PNP sa Intelligence operatives para sa malawakang pag-iimbestiga .

1.5 Milyon target tourist arrival sa Boracay ngayong 2015, naabot na

Posted December 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay 1.5 million tourist 2015Hindi paman natatapos ang taong 2015 pero umabot na sa mahigit 1.5 million tourist arrival ang naitala sa Boracay ngayong taon.

Base sa record ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay nasa kabuuang bilang na 1,505,508 ang naitalang tourist arrival simula Enero 1 hanggang nitong Desyembre 21.

Malinaw rito na naabot ang target na 1.5 million tourist arrival sa taong ito kumpara noong 2014 na kinapos ng halos isang daang libo bago maabot ang kaparehong target na bilang.

Kaugnay nito ang Korean tourist parin ang siyang nangunguna sa listahan ng mga foreign tourist arrival sa Boracay na may bilang na 281,816 sinundan naman ng China na 172,904 at Taiwanese na 57,354 habang ang mga Pinoy na nagbakasyon sa Boracay ay umabot sa  724,317 sa kapareho namang petsa.

Samantala, inaasahan pa ng Mtour Malay na tataas pa ang nasabing bilang habang papalapit ang kapaskuhan at bagong taon kung saan pinipili ng maraming turista na sa Boracay ipagdiwang ang Holiday Season.

Tuesday, December 22, 2015

Political posters pinatatanggal sa mga poste ng Akelco

Posted December 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for AKLAN ELECTRIC COOPERATIVEKaliwat kanang political poster at streamers ngayon ang makikita sa mga poste ng Aklan Electric Cooperative (AKELC0) sa lalawigan.

Dahil dito, nanawagan si Acting general manager Engr. Joel Martinez ng AKELCO sa mga may-ari ng mga nasabing posters at tarpaulin na tanggalin ito sa kanilang poste.

Ayon kay Martinez, illegal umano ang pagkakabit ng mga materials propaganda sa mga poste dahil wala naman umano itong permit mula sa kanila.

Maliban dito, sadya umanong delikado sa kanilang mga line-man na umaakyat sa poste ang mga nakalagay na mga posters.

Nabatid na tadtad ngayon ng mga mga pagbati para sa kapaskuhan at bagong taon mula sa mga kandidato at mga pulitiko ang mga poste ng kuryente sa Aklan.

Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang pagpako ng mga poster at tarpaulin sa lahat ng mga punong kahoy kung saan ang susuway umano nito ay mabibigyan ng karampatang penalidad sa paglabag sa batas sa kalikasan.