Posted April 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang ginagawang paghahanda ng Philippine
National Police (PNP) para sa deployment ng mga pulis sa nalalapit na APEC
ministerial meeting sa Boracay ngayong Mayo.
Ayon kay Boracay Tourist Assistance Center OIC
PSInsp.Frensy Andrade, simula umano sa Mayo 5 ay ipapakalat na ang tatlong
libong pulis mula sa Kalibo International Airport hanggang sa Caticlan sa bayan
ng Malay.
Sinabi nito na sa Mayo 10 na ang dating ng mga delegado
sa probinsya ng Aklan kung saan mula sa nasabing paliparan ay diritso ang mga
ito sa isla ng Boracay.
Samantala, lahat umanong mga Sitio sa isla ay may mga
naka-standby na mga police hanggang sa matapos ang nasabing meeting sa Boracay.
Nabatid na mahigit sa dalawang libong delegado mula sa
ibat-ibang bansa ang kasama sa nasabing APEC meeting na magtatagal ng dalawa o
tatlong linggo.
Samantala, pagpasok ng buwan ng Mayo isang mahigpit na
seguridad ang ipapatupad sa Boracay lalo na sa mga lugar na pagdadarausan ng
naturang APEC ministerial meeting.