YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 29, 2014

Mga pulis sa Boracay sinanay sa larangan ng Arnes bilang dagdag dipensa

Posted November 29, 2014
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Anim na araw na sinanay sa larangan ng sports na Arnes ang mga police personnel ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) bilang dagdag dipensa.

Ayon kay PO3 Christopher Mendoza ng Police Community Relations Section ng Boracay PNP.

Hinati umano sa tatlong grupo ang lahat ng pulis ng BTAC kung saan tatlong red belter mula sa probinsya ng Iloilo ang nanguna para sanayin ang mga ito sa nasabing sports.

Ito aniya ay anim na araw na pagsasanay na magtatapos ngayon kung saan isinagawa naman ito sa Sitio. Malabunot sa Brgy. Manocmanoc at sa Balabag Plaza kahapon ng hapon.

Nabatid na layunin nito na madagdagan pa ang karagdagang dipensa ng mga pulis sa Boracay sa pamamagitan ng Arnes na isa sa mabisang paraan ng self defense.

Populasyon sa bayan ng Malay mabilis lumago ayon sa NSO Aklan

Posted November 29, 2014
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Mabilis umano ngayong lumago ang populasyon ng bayan ng Malay base sa tala ng National Statistical Office (NSO) Aklan.

Bagamat ang bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na populasyon sa probinsya, ang Malay naman ang may pinakamabilis na lumago sa population size na may 6.5 percent growth rate.

Ayon kay NSO-Aklan provincial statistic officer Blas Solidum, ang probinsya umano ay mayroong 17 munisipyo na binubuo ng 327 na brgy. kung saan ang bayan ng Malay ay halos apat na beses ang rate ng antas sa provincial level at limang bese naman sa regional na may 1.35 percent pagdating sa populasyon.

Sinabi pa ni Solidum ang pagtaas ng population ng Malay ay maaaring dahil umano sa paglago ng tourism industry sa Brgy. Caticlan at ng isla ng Boracay.

Samantala, sumunod sa Malay ay ang kalapit na bayan na Nabas na may 2.18 percent, sinundan naman ito ng New Washington sa eastern side ng Aklan na may 2. 17 percent population growth rate.

Nabatid na ang probinsya ng Aklan ngayon ay mayroong 537, 725 population, base sa naitala, noong Censu of Population.

BTAC, wala paring nakikitang lead sa suspek na bumaril sa isang Korean national sa Boracay

Posted November 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Wala pa ring lead ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa kaso ng pagbaril sa isang koreano sa Boracay nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa BTAC, patuloy pa rin sa ngayon ang kanilang isinasagawang imbestigasyon habang inaantay pa rin ang resulta sa isinagawang pagsusuri sa CCTV Camera malapit sa lugar.

Maguginita sa inisyal na imbistigasyon ng Boracay PNP na naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si Jin Woo Lee, 39 anyos, manager ng isang Spa nang sundan di umano ito ng dalawang hindi nakilalang pinoy at binaril.

Kaagad namang isinugod sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang biktima matapos magtamo ng sugat sa kilikili.

Samantala, kinumpirma naman sa himpilang ito ng pinagtatrabahuang spa ng biktima na hindi apektado ang kanilang operation matapos mabaril ang kanilang spa manager.

Korean national na nagwala sa isang resort sa Boracay kagabi, tumakas nang ipadampot sa mga pulis

Posted November 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na umiskapo ang isang koreano matapos na ipadampot na sana ng mga sekyu sa pulis habang nagwawala sa isang resort kagabi.

Sumbong ng mga sekyu na nagpa-record sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ang koreano na nakilalang si Park Young Chul at bigla na lamang di umanong nagwala at nagsisigaw sa loob ng resort sa Balabag Boracay.

Dahil dito, natakot naman ang ilang mga guest doon at nag-silabasan.

At nang awatin na umano ng mga sekyu at tatawag na sana ng pulis ay kaagad ding tumakbo ang turista at umalis sa lugar.

3 lalaki sa Boracay, binugbog sa isang bar

Posted November 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Bugbog sarado ang tatlong mga kalalakihan sa Boracay matapos na bugbugin ng mga hindi nakilalang suspek kanina ng madaling araw sa isang bar sa Manoc-Manoc.

Ayon sa blotter report ng BTAC, paalis na ang tatlong mga biktima sa nasabing bar nang inabangan umano sa labas at binugbog ng mga hindi nakilalang suspek.

Base sa pahayag ng mga biktima, wala umano silang nakaalitan at hindi nila alam ang dahilan kung bakit sila pinatulungang bugbugin.

Samantala, matapos magpagamot sa Boracay Hospital ay naghain naman ng reklamo ang tatlo, kung saan patuloy din ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso.

BAG makikiisa sa pagdiriwang ng World Aids Day sa isla ng Boracay

Posted November 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isa ang Boracay Action Group (BAG) na makikiisa sa Department of Health (DOH) sa pagdiriwang ng World Aids day sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma mismo ng kanilang opisina, kung saan makikibagi rin ang BAG sa mga aktibidad at programa ng Municipal Health Office (MHO).

Nabatid na isa sa mga pinaghahandaan ngayon ng MHO ang pagkakaroon ng Boracay Walk sa December 2 sa isla na dadaluhan ng iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.

Maliban sa Awareness Program ng MHO, nabatid na magkakaroon din ng aktibidad sa December 2 ang lokal na pamahalaan kasabay ng pagkakaroon ng Command Center sa Station 2 Boracay.

Samantala, hinihikayat naman nila ang lahat ng mga taong may pagdududa sa kanilang sarili tungkol sa Aids o HIV na agad na magpakunsulta sa doktor para hindi lumalala ang inpeksyon.