Posted August 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isang man-hunt operation ang ikinasa ng Boracay PNP
upang mahuli ang nagnakaw sa isang security officer sa Boracay nitong hapon sa Barangay
Balabag.
Hindi makapaniwa ang biktimang si Elizer Donato, 49
anyos na mabibiktima ito ng kawatan sa loob ng walong taon nitong trabaho
bilang security guard.
Kuwento nito sa mga pulis, pasado alas 3:00 nitong
hapon nang maganap ang insidente habang nagkokoleksyon umano ito ng bayad para
sa kanilang agency.
Subali’t mabilis aniya ang pangyayari para sa kanya
nang pagtulungan siyang bugbugin at agawin ang kanyang bag.
Bagamat nanlaban, natangay parin ng suspek ang pearang laman nito na humigit-kumulang
30 mil pesos at kalibre 38 baril.
Naniniwala din umano ang biktima na nasubaybayan
ang kanyang mga lakad at kanina ito natiyempuhan.
Samantala, kaagad namang tumakas ang mga suspek
matapos ang insidente.
No comments:
Post a Comment