YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 14, 2015

Isa pasahero patay matapos mabunggo ang sinasakyang bus sa bayan ng Nabas

Posted November 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for road accident logoAgad na binawian ng buhay ang isang pasahero ng Philtranco bus matapos itong mabunggo sa isan pang sasakyan sa bayan ng Nabas, Aklan kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Noli Cape 48- anyos ng Bauan, Brgy. San Roque, Batangas, City at temporaryong nakatira sa probinsya ng Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng Nabas PNP, patungo ang nasabing Bus sa Iloilo City habang binabaybay ang national highway ng Nabas kung saan nagka-aberya ang sinusundan nitong Wing Van na nasa gilid naman ng kalsada.

Agad naman umanong nag-overtake ang Philtranco Bus sa Wing van ngunit sakto naman itong may nakasalubong na isa pang sasakyan pero sa pag-iwas nito na mabunggo ay agad niyang ibinalik sa dating direksyon ang minamenehong bus kung saan doon naman siya nabunggo sa nakahintong Win van.

Dahil sa lakas ng pagbangga ng bus ay nawasak ang unahang bahagi nito kung saan nakaupo ang driver katabi ang namatay na pasahero na naipit sa nayuping harapan ng sasakyan.

Samantala, ang ibang pasahero ay mabilis na naisugod sa isang ospital sa bayan ng Ibajay ngunit pinauwi din matapos mabigyan ng karampatang medikasyon at nasa maayos ng kalagayan.

Construction sa reclamation project ng Caticlan Jetty Port nakatakda ng simulan

Posted November 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa-plano na umano ngayon ng Provincial Government ng Aklan ang pagsisimula ng construction sa reclamation project sa Caticlan Jetty Port

Ito ang sinabi ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang kung saan malapit na umanong matapos ang pagtatambak ng bato sa nasabing area.

Dahil dito nakatakda na umanong simulan ang panibagong port na siyang magsisilbing unloading area ng mga bangka mula sa isla ng Boracay.

Napag-alaman na ang Reclamation Project ay may sukat na 2.6 hectares na proyekto ng Provincial Government ng Aklan.

Maliban dito magsisilbi din umano itong docking area ng mga Ferry Boat at Fast Craft kung saan ang existing port ay aayusin naman para maging daungan ng mga Cruise ship.

Samantala, magtatayo din umano sa reclamation area ng tatlong palapag na gusali na may shopping mall, HOTEL, centralize ticketing, holding area at parking area na makikita sa groud floor.

Maayos na imprastraktura ang solusyon sa Boracay-Senator Marcos

Posted November 14, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay

“Maayos na suporta mula sa pamahalaan at maayos na imprastraktura”.

Ito ang nakitang sulosyon ni Senador Bong-Bong Marcos na kailangang gawin ng gobyerno para matugunan ang ilang suliranin na kinakaharap ngayon ng Boracay.

Aminado ang senador na “Infrastructure Program” ang isa sa kahinaan ng pamahalaan para masabayan ang anumang development na ngayayari hindi lang isla kundi maging sa buong bansa.

Ayon pa kay Senador Marcos, hindi umano nasunod ang zoning at ilan pang plano para sa Boracay.

Ang mga development ay maaayos lamang umano kapag masasabayan ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga pangunahing iprastraktura tulad ng kalsada at sewerage at sapat na tubig at kuryente.

Maganda daw ang pasok ng investment kapag maayos ang suporta ng gobyerno.

Samantala, sa ginawang press conference hangad din nito ang tagumpay ng APEC Summit dahil malaki anya ang potensyal at kakayahan ng Pilipinas sa pagpapalago ng ekonomiya.

Si Marcos na tumatakbong Bise-Presidente ay dumalo at naging pangunahing panauhin sa 5th Philippine Cooperative Teamshop na ginanap sa La Carmela Boracay.

Dalawang turista sa Boracay, ninakawan habang naliligo

Posted November 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawan sa beachNanlumo ang dalawang turista matapos silang nakawan habang naliligo sa harap ng isang hotel sa Station 1, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan kaninang kaninang madaling araw.

Nakilala ang dalawang turista na sina Bryan Jimenez, 28-anyos  isang American Citizen at at si Syuzanna Dak Al Bab Russian National, 30- anyos na nagbabakasyon lamang sa isla.

Reklamo ng dalawa sa Boracay PNP, iniwan umano nila ang kanilang gamit sa dalampasigan para maligo sa dagat pero ngunit ilang minuto lang ay napansin nitong si Jimenez na may isang lalaking biglang kumuha ng kanilang iniwang gamit.

Mabilis naman umano itong hinabol ni Jimenez ngunit hindi niya rin ito naabutan kung saan tumakas ang suspek sa direksyon na papuntang main road Balabag.

Nabatid na nakuha sa biktimang si Al Bab, ang isang cellphone, credit card, hotel card, 30 US Dollar at isang daang peso habang nakuha naman kay Jimenez ang kanyang maong pants na naglalaman ng wallet, isang cellphone at perang nag-kakahalaga ng P1500.

Samantala, sinubukan naman ng mga pulis na hanapin ang suspek na tumangay sa mga nasabing gamit ngunit ngayon ay bigo parin nila itong matunton.

Friday, November 13, 2015

15 pulis sa Aklan, ipapadala sa APEC Summit sa Maynila

Posted November 13, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for pulisIpapadala ang 15 mga Police Officer ng probinsya ng Aklan sa lungsod ng Maynila para sa idaraos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa susunod na linggo.

Ito ay para lalong mapa-igting ang seguridad sa isasagawang meeting ng mga dadalong delegado mula sa ibat-ibang bansa kabilang na si US President Barack Obama.

Ayon sa Aklan Provincial Police Office (APPO) ang mga pulis na mula sa Aklan ay may karanasan na rin sa seguridad para sa APEC matapos itong isagawa sa Bacolod, Iloilo at Isla ng Boracay.

Sinabi pa ng APPO na nakatuon ang trabaho ng mga ipapadalang pulis sa Maynila sa mga inaasahang protesta sa kasagsagan ng APEC Summit.

Samantala, pormal na ring binukasan ngayong araw ang APEC Summit sa Maynila ngunit magsisimula naman ang meeting ngayong Lunes Nobyembre 16 hanggang 20, 2015.

Maliliit na cargo boat sa Boracay hindi damay sa implementasyon ng Provincial Government ng Aklan-Maquirang

Posted November 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi umano damay sa implementasyon ng gobyerno ng Aklan ang mga maliliit na cargo boat sa isla ng Boracay ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang.

Ito ang sagot ni Maquirang sa mga katanungan ng mga operator ng mga maliliit na cargo boat matapos ang ipinalabas na memorandum ni Governor Florencio Miraflores, na pagbabawal sa pagdaong ng malalaking barge at vessel na lagpas sa 300 Gross Tonnage sa Boracay.

Ayon kay Maquirang, ang pagbabawal umano sa pagdaong ng mga barge at vessel sa isla ay para maprotektahan ang mga local haulers at mga suppliers.

Samantala, sinabi pa ni Maquirang na ang mga local haulers ay kailangang ng sa LGU Malay kukuha ng permit at hindi na sa probinsya, dahil iba na umano ang pagproseso nito kaysa sa mga malalaking barge.

Nabatid na ang pagbabawal sa pagdaong ng malalaking barge at vessel sa Boracay ay para sa environmental protection at safety sa bisinidad ng Malay waters na malapit sa Baracay.

Ilang manggawa sa Boracay nagreklamo laban sa boat ticket lane sa Caticlan Jetty Port

Posted November 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port“Pagka-late sa trabaho”.  

Ito ang nagtulak sa ilang manggagawa sa isla ng Boracay para ireklamo ang boat ticket lane sa Caticlan Jetty Port.

Hinaing ng mga manggagawa, dapat umanong magkaroon sila ng sariling linya na nakahiwalay sa mga turista sa pagbili ng ticket upang hindi sila ma-late sa pagpasok sa trabaho, kung saan ang ilan sa mga ito ay galing pa sa mainland Malay at ibang kalapit na bayan.

Dahil dito, sinabi naman ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang na may inilaan na ngayong ticketing booth ang Caticlan Boracay Transport Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) para sa mga solong manggagawa sa isla.

Ngunit sinabi ni Maquirang na hindi pa naman ito sa ngayon nag-ooperate ngunit ginagawan na rin ng paraan para sa mas-mabilis na operasyon.

Dagdag nito, mapapabilis na rin ngayon ang pilahan pasakay ng bangka dahil sa nakahiwalay na ang linya ng mga turista sa Aklanon ngunit kailangan umanong ipakita nila ang kanilang ID. kasabay ng pagkuha ng panibagong libreng ticket na may bar code na susuriin naman ng ilalagay na turnstile.

Maliban dito tiniyak naman ni Maquirang na maaari ring makapag-avail ng P20 na pamasahe sa bangka ang mga manggawa sa Boracay na siyang inilaan ng CBTMPC.

Nabatid na iisang linya lang ang mga turista at mga Aklanon sa pagbili ng ticket sa bangka, environmental at terminal fee naman sa mga turista na siyang dahilan ng paghaba ng pila.

Lalaki ninakawan ng sariling roommate sa Boracay

Posted November 13, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for ninakawanDumulog sa tanggapan ng Boracay PNP Station ang isang lalaki matapos umanong nakawan ng kanyang sariling roommate sa Sitio Bantud, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Ang biktima na kinilalang si Paul James Elatico, 27-anyos ng Daraga Albay at temporaryong nakatira sa nasabing lugar ay nawalan ng isang unit na cellphone kasama ang wallet na sinasabing kinuha  ng kanyang sariling roommate sa inuupang boardinghouse.

Salaysay ng biktima sa mga pulis, nagisining na lang umano siya na nawawala na ang mga nasabing gamit kung saan naglalaman ang wallet nito ng perang nag-kakahalaga ng Php200 at 15 US Dollar.

Ayon pa sa biktima sabay na naglaho ang kanyang wallet at cellphone kasama ng suspek na ngayon ay hindi na rin mahagilap matapos ang nakawan.

Samantala, napag-alaman na hindi rin kilala ng biktima ang kabuuang pangalan ng suspek na tumangay umano ng kanyang nawawalang mga gamit.

Mga Fisherfolks sa Malay sumailalim sa training ng DOT 6

Posted November 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tatlong araw na sumailalim sa training ng Department of Tourism (DOT) Region 6 ang mga fisherfolks sa Malay na ginanap sa isla ng Boracay nitong Nobyembre 9-11, 2015.

Ayon kay Kris Velete, Officer-in-charge ng Department of Tourism (DOT) Sub-Office, sinanay umano ang mga fisherfolks na ito bilang isa ring mga tourguide.

Nabatid na ang pagsasanay ay bahagi ng payao project ng LGU, Malay Fisherfolk at Seaweed Planters Association Inc. at ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sinabi pa ni Velete na ang payao project ay bahagi ng bottom-up budgeting (BuB) project ng DOT na ang layunin ay makapag-tayo ng area bilang isang fishing sites para sa mga turista.

Samantala, maliban umano rito ay ibinahagi rin sa mga mangingisda ang ibat-ibang mga ordinansa sa bayan ng Malay kung saan magiging katuwang na rin sila ng Bantay-Dagat.

Napag-alaman na ang proyektong ito ay naglalayon ding mapabuti ang marine ecosystem ng Boracay sa pamamagitan ng pagtataguyod at muling pag-usbong ng mga isda at reef fishes sa bisinidad ng isla.

Thursday, November 12, 2015

Bagong Patrol Boat, para sa probinsya ng Aklan aprobado na

Posted November 12, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patrol boat drawingMagkakaroon na ng bagong Patrol Boat ang probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos maaprobahan sa ginanap na 40th Sangguniang Panlalawigan (SP) Session sa Kalibo ang resolusyon na nagre-request ng bagong Patrol Boat para sa lalawigan.

Nabatid na ang sponsored sa nasabing resolusyon ay sina Hon. Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz, Nelson Santa Maria at Ramon S. Gelito.

Nakasaad sa nasabing resolusyon ang hiling ng tatlong Board member kay Director Remia Aparri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng pagkakaroon ng isang unit ng Patrol Boat para matulungan ang Bantay Dagat Units sa pagpropotekta sa Coastal Waters laban sa Illegal fishing at iba pang illegal na gawain.

Samantala, matapos itong aprobahan ay nakatakda naman itong iturn-over sa probinsya ng Aklan sa mga susunod na araw.

Provincial Government ng Aklan naglatag ng bagong sistema sa pagdaong ng mga sasakyang pandagat sa Boracay

Posted November 12, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port
Mahigpit ng ipagbawal ang pag-ahon o pagdiskarga ng anumang materyales o prudukto mula sa mga sasakyang pandagat sa gitna ng karagatan na sakop ng Boracay.

Ito ang nilalaman ng kalatas na ipinalabas sa utos ni Aklan Governor Florencio Miraflores na balak ipatupad ngayong buwan Nobyembre.

Pinagbasehan ni Miraflores ang R.A. 7160 o Local Government Code kung saan dapat ipatupad ang mga polisiya para sa environmental protection lalo na sa dagat na sakop ng Malay at Boracay.

Subalit umalma ang ilan sa mga negosyante at haulers kasama na ang ilan sa mga contractors dahil umano sa mahabang proseso na maaring pagdadaanan nila bago maibaba o maipasok ang kanilang kargamento sa isla.

Ayon kasi sa bagong patakaran, kailangang kumuha muna ng permit o clearance sa LGU-Malay sa pamamagitan ng Jetty Port Administration kalakip ang pagsumite ng mga dukomento mula sa MARINA, PPA, at Philippine Coast Guard.

Sa bagong sitema, ang mga semento ay dapat ding ibaba muna sa Dumaguit Port bago i-barge papuntang Boracay.

Sa ngayon, balak ng mga apektadong grupo at kooperatiba na idulog ang kanilang reaksyon sa opisina ni Governor Miraflores para hingin ang ilan sa mga konsiderasyon na nais nilang mangyari hinggil sa bagong kautusan.

Petro Wind operator muling ipapatawag sa SB Session ng Malay

Posted November 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Petrowind energyMuli na namang ipapatawag ang operator ng Petro Wind Energy Project sa Sangguniang Bayan (SB) Session ng Malay ngayong darating na Martes.

Ito’y matapos maobserbahan ni SB Member Rowen Aguirre ang kulay putik na tubig sa Napaan River na sinasabing naapektuhan ng pagpapatayo ng wind mill sa area ng Napaan.

Ayon kay Aguirre walang nangyaring pag-uulan nitong mga nakaraang araw ngunit ang tubig na dumadaloy sa nasabing ilog ay tila putik.

Dahil dito nakatakdang ipagpaliwanag sa Session ang mga kinauukulan ng nasabing proyekto dahil sa lumilikha umano ito ng problema sa mga residente sa lugar at sa kalapit na Brgy.

Maliban dito apektado din umano ang mga palayan sa Brgy. Cogon ng Malay dahil sa dito umaapaw ang tubig kung saan hindi na umano masustansya ang kanilang inaaning palay dahil sa nasabing putik.

Napag-alaman na hinukay ang ilang bahagi ng ilog sa Napaan para itayo ang wind mill na nagdudugtong mula sa Pawa Nabas.

Wednesday, November 11, 2015

Budget para sa pag-upgrade ng Aklan Provincial Hospital, aprobada na

Posted November 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for hospitalAprobado na ang pondo para sa gagawing Construction/Renovation ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH) sa bayan ng kalibo. 

Itoy matapos na talakayin sa 40th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan kaninang umaga ang nasabing usapin.

Sa Session, inaprobahan ang resolusyon ni Governor Florencio Miraflores na magbukas ng deposit account para sa pondo ng nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P60 Milyon pesos.

Nabatid na ang pondo ay para sa ikakaganda ng hospital sa pamamagitan ng construction/expansion at repair/renovation at Upgrading ng Infrastructure ng nasabing ospital.

Samantala, napag-alaman na ang pondong P60 Milyon ay nanggaling umano sa ahensya ng Department of Health (DOH). 

Aklan, bibida sa Product Exposition sa Iloilo ngayong Nobyembre

Posted November 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

 
Simula Nobyembre 17 hanggang 22 ngayong taon ay bibida ang Aklan sa isasagawang Product Exposition sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry sa Iloilo City.

Ayon kay Engr. Diosdado Cadena, DTI-Aklan Director, 30 micro, small at medium enterprises ang sasali sa nasabing event na gaganapin sa SM City Iloilo.

Tema umano ngayong 2015 product expo ay “Local Materials, Global Quality” kung saan ibibida umano nila rito ang mga kalidad na fashion wearable’s at gamit sa bahay mula sa kilalang Aklan’s piña and abaca.

Maliban dito ipagmamalaki din umano nila ang iba pang produktong mula sa probinsya kagaya ng mga karne, bakery goods at ang mga produkto na may kinalaman sa turismo.

Nabatid na ang Product expo. sa Iloilo ay taunang event ng DTI para mapalakas ang marketing ng probinsya sa pamamagitan ng kanilang ibat-ibang produkto.

Samantala, katuwang ng DTI sa nasabing event ang Hugod Aklanon Producers Association, Inc., at sa pakikipagtulungan naman ng Provincial Government ng Aklan.

Land dispute sa Nabas, nauwi sa barilan isa patay isa sugatan

Posted November 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for shooting incident
Away umano sa lupa ang kumitil sa isang lalaki at nag-aagaw buhay na isa pa sa nangyaring shooting incident sa Brgy. Union, Nabas kaninang madaling araw.


Ayon kay P03 Nida Gregas ng Aklan Provincial Police Office (APPO) nangyari umano ang insidente dakong ala-5:20 kanina habang naka-duty sa Disputed na area ang dalawang biktima.

Nakilala ang namatay na si Loreto Burdas 45-anyos matapos idiklarang dead on arrival sa Caticlan Baptist Hospital kung saan kritikal din ang kasamahan nito na si Jaymar Mosong 24-anyos na parehong residente ng Rizal Province Region IV.

Sinasabing naka-duty umano ang mga biktima sa land-dispute na lupain sa Brgy. Union, Nabas, Aklan ng sila ay pinasok ng hindi nakilalang mga kalalakihan na nakasuot ng bonnet.

Dito mabilis na isinugod sa pagamutan ng mga rumisponding tao sa lugar ang mga biktima kung saan hindi na nga naka-abot ng buhay sa pagamutan si Burdas habang si Mosong ay ginagamot pa sa isang ospital sa bayan ng Kalibo.

Samantala, patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Nabas PNP sa pangunguna ni PO1 investigator Alvin Remundo at ng Scene Of The Crimes Operative (SOCO).