Posted
April 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit to Rb Bachiller |
Isang endangered na isda ang natagpuan sa baybayin ng Puka
Beach sa Brgy. Yapak Boracay kahapon ng alas-8 ng umaga.
Ito ay nakita ng mga tao sa lugar, kung saan agad naman
nila itong itinawag sa Philippine Coasgtuard Boracay at ng CENRO Boracay.
Ayon sa PCG-Boracay Sub-Office ito ay may habang 186
centimeter at may lapad na 86 centimeter kung saan nagtamo naman ito ng
malaking sugat sa ulo.
Pinaniniwalaan namang kinagat ng mas malalaking isda ang
ulo ng Sun fish dahilan ng kanyang agarang pagkamatay at mapadpad sa nasabing
lugar.
Samantala, agad naman itong dinala sa CENRO Boracay para
sa agarang pagsusuri kung saan kasabay ng pagkakita nito kahapon ay ang
pagkapadpad naman ng isang Pawikan sa baybayin ng Angol Point sa station 3
Boracay.
Ang naturang isda ay bihira lamang na nakikita sa
karagatan at ito ay pinaniniwalaang isang endangered fishes.