YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 17, 2017

Caticlan Jetty Port handa na para sa Semana Santa

Posted March 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for jetty port boracay
 Ilang Linggo nalang at aasahan nanaman ang pagdagsa ng mga magbabakasyon sa Boracay dahil sa papalapit na “Mahal na Araw”.

Ang Caticlan Jetty Port na entry point sa mga tatawid ng Boracay ay naghahanda na para sa season na ito.

Sa pahayag ni Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, ngayon umanong Linggo ay magpupulong sila ng mga law enforcement agencies at iba pang ahensya ng gobyerno para pag-usapan ang kanilang gagawing seguridad.

Aniya, ganoon parin naman ang kanilang gagawing paghahanda kung saan may mga nakalagay na “Assistance Desk” sa Caticlan at Cagban Port upang magsilbing information area ng mga bumabyahe sa oras na sila ay mangailangan ng tulong.

Katuwang nga Jettyport Administration sa kanilang paghahanda ay ang  Malay PNP, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Army,Philippine Navy, Maritime Police, MAP, MDRRMO at kanilang Medical Team.

Nagpapasalamat naman si Pontero, dahil malaking tulong ang mga security personnel para mas mapaigting ang pagbabantay ng pantalan.

Samanatala, dahil sa super peak season na, maliban sa holiday break ay inaasahan din ang bugso ng mga bisita para sa taunang LaBoracay gathering sa isla.


Training sa mga Lifeguard sa Boracay, patuloy

Posted March 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for lifeguardPapalapit na ang Super Peak Season kaya naman dagsa na nanaman ang mga bumibisita sa isla ng Boracay.

Dahil dito, patuloy ngayon ang isinasagawang training sa mga Lifeguard.

Ayon kay Executive Assistant IV Rowen Aguirre, ang pagsasanay ay tuloy-tuloy habang ginagampanan ng mga lifeguards ang kanilang tungkulin sa long beach ng isla.

Aniya, kahit na nabawasan ang mga Lifeguard ay “full force” pa rin naman ang kanilang hanay para magbantay sa kahabaan ng long beach.

Ang mga Beach Guard umano ngayon ay hindi lang sumisita ng mga lumalabag sa rules and regulation ng isla dahil ang iba umano sa mga ito ay pwedeng ding sumagip ng mga nalulunod at  sumailalim din ang mga ito sa pagsasanay.

Pag-amin ni Aguirre, sa kasalukuyan ay meron lamang siyam na Lifeguards ang LGU sa buong isla.

Samantala, paalala parin sa lahat ng mga maliligo sa dagat na mag-ingat lalo na ngayon at pabigla-bigla ang pagbabago ng panahon na nagreresulta ng paglakas ng alon at pagtaas ng level ng tubig.

Thursday, March 16, 2017

Centralized MRF, problema pa rin ng mga taga Manoc-manoc

Posted March 16, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

“Masakit sa sikmura at nakakahilo dagdag pa ang kawalan ng ganang kumain”

Ito ang naging pahayag ng mga residente ng Brgy. Manoc- Manoc, Boracay na nakararanas ng masangsang na amoy na nagmumula sa Centralized MRF.

Sa panayam ng himpilang ito sa mga guro ng Manoc- Manoc Elementary School, naaapektuhan na ang kanilang klase dahil sa pag- alingasaw ng mabahong amoy ng basura.

Noong una raw ay nato- tolerate pa umano ang nasabing problema ngunit ang sitwasyon ngayon ay lumalala na.

Anila, wala silang magawa kundi ang mag-facemask na lamang sa ganitong sitwasyon kung saan ipinag- aalala nila ang kalusugan ng kanilang mga estudyante na ang isa nga sa mga ito ay di-umano’y naranasan ang pagsusuka at pagdaing ng iba na masakit ang tiyan.

Salaysay pa ng mga guro, may nakalatag na MRF Monitoring ang Manoc- Manoc Elementary School kung saan naka- indicate dito ang level ng nararanasang abala.

Sa naging pahayag ng isang mag-aaral sa naturang paaralan, nabanggit nito na gumagamit umano siya ng face mask ng sa ganun ay maibsan ang masamang amoy subalit ang ilan sa kaniyang  mga kaklase ay wala man lamang magamit.

Image may contain: sky, outdoor and nature
Isang ginang pa ang nagsabi na sa tagal nilang naninirahan ay ngayon lamang niya naranasan ang ganitong klaseng problema sa nasabing Centralized MRF na hindi maipagkailang nagiging malaking isyu na.

Mangiyak- ngiyak din ang isang ina ng makausap ng himpilang ito, dahil sa dinaranas ng kanyang mga anak, bukod sa masakit sa ulo at masakit din sa tiyan ay nakakawala pa umanong ganang kumain pag- umusbong na ang mabahong amoy.

Samantala, sa lahat ng mga nagbigay ng pahayag, iisa lamang ang naging tugon dito at ito ay ang agarang aksyon ng kinauukulan ng sa gayon ay hindi na magbigay ng problema sa kalusugan ng mga naninirahan doon at nais din nilang ipaabot ang panawagan para sa donation ng facemask para sa mga estudyante na hindi kayang bumili.

MS Celebrity Constellation, binisita ang Boracay

Posted March 16, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for ms celebrity constellation
Malugod na sinalubong ang mga sakay ng barkong MS Celebrity Constellation sa isla ganap na alas- nuebe ng umaga noong Martes.


Bilang pag-welcome sa mga bisita,sinalubong ng Ati-Atihan group ang mga ito sa pangunguna ng DOT Region 6 na nagbigay ng Lei at mapa.

Nabatid na lulan ng nasabing cruise ship ang 2,038 na mga pasahero at 999 na mga crew na nanggaling pa ng Manila bago dumiretso sa Boracay kung saan magtatagal ito hanggang alas-sais mamayang gabi bago tumungo sa Kota Kinabalu.

Dahil sa maiden call ng luxury cruise ship, ginanap ang exchange of plaque sa loob ng barko sa gitna ng ship captain at kawani ng DOT sa katauhan ni Kristoffer Leo Velete DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant, SB Natalie Paderes ng LGU Malay, Roselle Ruiz ng Aklan Provincial Tourism Office, representate ng Provincial Office ng Caticlan Jetty Port na si Julfe Rabe at ang representante ng BFI na si Raffy Cooper na nagbigay rin ng booklet.

Samantala, nakabantay naman sa seguridad ng mga pasahero ang mga grupo ng Philippine National Police, Philippine Army, Malay Auxilliary Police o MAP, MARITIME, Philippine Coast Guard, at Task Force.

Kyla Ong Soguilon, kinilala bilang PSA Junior Athlete of The Year ng SP-Aklan

Posted March 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Kyla Ong SoguilonKinilala ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang atletang Aklanon na si Kyla Ong Soguilonsa sa ipinamalas nitong galing sa larangan ng paglalangoy.

Si Soguilon ay binigyang pagkilala ng SP-Aklan matapos nitong masungkit sa tatlong sunod-sunod na taon bilang Junior Athlete of the Year at Milo Junior Athlete of the Year.

Kung matatandaan napanalunan ng Aklanong atleta sa 21st Milo Little Olympics Visayas Regional Finals sa Cebu ang 10 gold medal at nakapagtala ng apat na bagong record.

Nanalo rin siya sa international game sa bansangAustralia, Hong Kong, Singapore, Japan at Dubai.

Sa Palarong Pambansa naman, napanalunan niya ang apat na ginto, dalawang silver medal at kinilalang Most Outstanding Swimmer at Most Bemedalled Athlete.


PENRO, nagrekomendang isara ang Centralized MRF sa Boracay

 Posted March 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Isang sulat ang ibinaba ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO Aklan) sa Lokal na Pamahalaan ng Malay sa agarang paglipat ng residual waste sa Sanitary Landfill sa Malay at pagpapahinto ng opersayon ng Centralize MRF sa Brgy. Manoc-manoc.

Ang liham na ipinadala ni PENRO Officer Ivene Reyes kay Mayor Ceciron Cawaling ay bilang tugon sa ipina-abot na liham ni Manoc-manoc Punong Barangay Chona Gabay kay DENR Secretary Gina Lopez.

Sa sulat ni Gabay, nakapaloob din doon ang sulat-reklamo ng Manoc-manoc Elementary School kung saan nakasaad ang epekto sa mga estudyante at pagkansela ng mga klase dahil sa napakasangsang na amoy na nagmumula sa Centralized MRF.

Ayon sa PENRO, sa ginawa nilang monitoring at inspeksyon sa lugar, wala umanong sistema ang paghawak ng solid waste.

Ang operasyon umano ay parang open dumping site kung saan nadiskubre rin nila ang pagbaon ng biodegrable waste lalo na ang mga kitchen at market waste.

Paliwanag ng PENRO, bagamat naiintindihan nila na mahirap itong ayusin dahil sa volume ng basura, hindi rin nila pwedeng isantabi ang epekto sa kalikasan at kalusugan ng mga residente dahil sa mabahong amoy.

Samantala sa naganap na 9th Regular SB Session ng Malay, naisingit ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang pagtanong sa  ng Centralized MRF.

Ayon kay SB Datu Yap-Sumndad, nagsagawa na umano sila ng pulong ng alkalde para sa usaping ito.

Sa pinakahuling kalatas ng DENR Environmental Management Bureau, dahil sa paglabag ng Centralized MRF sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000, hiningi nila sa namamahala na i-haul ang mga residual waste sa loob ng 30 days papuntang landfill.

Sa pahayag ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre, sinabi nito na on-going ang kanilang mga hakbang para sa pagsasa-ayos sa problema ng basura sa isla.

AKELCO, nagbigay ng pahayag ukol sa patay-sinding kuryente sa Boracay

Posted March 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for akelco
Patay-sindi na ilaw.

Ito ang naranasan ng mga residente sa Boracay at buong probinsya ng Aklan noong nakaraang sabado at linggo hanggang nitong mga nakaraang araw.

Kaugnay nito, aminado ngayon ang pamunuan ng AKELCO na nakakatanggap sila ng samu’t-saring reklamo mula sa mga kunsumidor lalo na sa mga stakeholders.

Sa panayam ng himpilang ito kay  AKELCO PIO Yoko Mendoza, ang patuloy na restoration at upgrade  para mapaganda ang linya ng 138KV Panit-an – Nabas Transmission Line ng NGCP na sinira noong 2013 dahil sa bagyong Yolanda ay isa sa mga dahilan kung bakit nararanasan ang brown-out.

Image result for BFI President Diony Salme
Dagdag pa nito, nangyayari minsan ang biglaang pagkawala ng kuryente dahil na rin sa safety measure na kanilang ginagawa para maiwasan ang malaking problema o disgrasya dahil na rin sa taas ng mga demand ng kuryente na nagiging overload na minsan.


Dahil sa mga nabanggit na dahilan, humihingi ito ng pang-unawa ng publiko.

Pag-amin naman ng isang malaking resort sa isla, taon-taon umano ay namomroblema ang kanilang kumpanya dahil sa mga sira ng mga electrical appliances.

Sa  pahayag ni BFI President Diony Salme, bagama’t nabatid nila na inaayos ng AKELCO ang kanilang linya ay hindi pa rin aniya maiwasang magreklamo ang halos lahat ng stakeholders dahil sa interupsyon.

Hindi naman umano nila masisisi ang AKELCO, dahil kung minsan ang problema ay nanggagaling sa supplier, transmission o sa distributor kung saan pati ang notice ng brown- out ay hindi naman nasusunod.

Samantala, umaasa naman ang publiko na maisaayos ang usaping ito dahil naaapektuhan na rin maging ang mga appliances dahil sa mga sunod-sunod na patay- sindi ng kuryente.