YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, June 22, 2013

Regional Tripartite Board ng DOLE, magsasagawa ng productivity-improvement training sa Boracay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Isang productivity training ang isasagawa ng Regional Tripartite Board ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Boracay sa susunod na linggo.

Kung saan ang regional tripartite wages o suweldo at productivity board (TRWPB), ay isang attached agency ng ahensiya ng DOLE sa pagsasagawa at naglalayong pagtaas sa pagpapabuti ng produkto ng mga manggagawa sa rehiyon na isa rin sa mga produktong offers na may mababang gastos, simple at madaling maunawaang konsepto at mga kasanayan.

Dito matatalakay ang ibat-ibang kahalagahan ng bawat manggagawa sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan sa bansa lalo na dito sa isla ng Boracay.

Ang nasabing seminar-workshop ay gaganapin sa isang beach resort sa Manggayad, Manoc-manoc dito sa isla ng Boracay sa Hunyo a-27 at a-28 ng taong kasalukuyan.

Makikipag ugnayan naman umano ang DOLE para sa karagdagang impormasyon at klaripikasyon para sa mga detalye ng nasabing programa, kung saan maaari lamang umanong tumawag sa numerong (033) 320-5864 para sa mga katanungan at hanapin lamang si Ms. Nesa Nolido o di kaya’y si Ms. Cynthia O. Garingalo.

Governor Miraflores, masayang ipinaabot ang pagbati sa new set officials ng Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Masayang nagpaabot ng pagbati ang newly elected Gobernor ng Aklan na si Joeben Miraflores sa isinigawang Oath taking kahapon ng umaga sa mga nanalong kandidato sa bayan ng Malay.

Una niyang binati ang new set Officials ng Malay sa pangunguna ni Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito at ang mga naihalal na Sangguniang Bayan Members.

Sa kanyang mensahe masaya nitong ibinalita ang pagtaas ng bilang ng mga turistang sa loob lamang ng ilang buwan ngayong taon.

Aniya naging challenge umano sa kanila ang support facilities ng mga Hotels sa isla dahil sa dagsang mga turista kung saan kailangan umano nilang ma sustain at ma preserve ang nasabing isla sa mga turista.

Kailangan din aniyang makapag handa sila sa mga darating na taon at baka malunod umano ang Boracay sa dami ng mga turistang dadagsa pa dito.

Dagdag pa nito madami silang mga ginagawang proyekto ngayon para sa probensya ng Aklan at lalo na sa isla ng Boracay katulad ng pagpapagawa ng bagong ruta ng kalsada sa bayan ng Tangalan patungong Ibajay para mapadali ang byahe papuntang Boracay kasama narin ang bagong tulay na gagawin sa bayan ng Kalibo.

Masaya naman itong nagpasalamat sa mga mamayan ng Malay dahil sa simula umano ng tumatakbo siyang kandidato ay hindi manlang siya natalo sa nasabing bayan.

Samantala si Miraflores naman ang naging administer ng nasabing Oath taking sa mga bagong halal na opisyales ng Malay.

Oath taking ng mga nanalong kandidato sa bayan ng Malay masayang naidaos

Ni Jay-ar Arante at Malbert Dalida, YES FM Boracay

Masayang idinaos ang kahapon ng umaga (June 21, 2013) ang oath taking ng mga bago at re-elected officials sa bayan ng Malay.

Matapos ang isang thanks giving mass ay kaagad dumiretso sa Malay covered court ang mga nasabing kandidato para sa kanilang oath taking.

Okupado ang lahat ng mga upuan doon dahil sa mga bisita, stakeholders sa isla, supporters, mga barangay officials ng Malay, ilang national officials at pamilya ng mga out going at re-elected na mga kandidato.

Naroon din sina newly elected Aklan Congressman Teddy Haresco, Governor Joeben Miraflores at bise Gobernador Gabrielle Calizo-Quimpo.

Unang nagbigay ng kanyang mensahe si out going Malay SB member Dante Pagsuguiron, na sinalubong naman ng palakpakan.

Inanunsyo kasi nito na kasabay ng nasabing oath taking ay birthday o kaarawan din pala ni Mayor John Yap.

Lalo namang lumakas ang palakpakan doon matapos pinasumpa sa harap ng publiko ni Governor Joeben Miraflores ang mga nanalong kandidato.

Matapos namang makapagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Aklan Congressman Teddy Haresco, Governor Joeben Miraflores at bise Gobernador Gabrielle Calizo-Quimpo.

Nagbigay din ng kanilang mensahe sina out going SB member at ngayo’y board member Esel Flores, at outgoing vice mayor Cesiron Cawaling.

Samantala, sa pagtatapos ng termeno ng mga outgoing na mga politiko sa Malay sa a-31 ng Hunyo, inaasahang uupo ang mga bagong set ng mga nanalong politiko sa unang araw ng Hulyo na pangungunahan mismo Mayor John Yap at vice Mayor Wilbec Gelito.

Friday, June 21, 2013

Akelco, handa na sakaling makaranas ng hindi magandang panahon ang probinsya ng Aklan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na ngayon ang Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa banta ng sama ng panahon na nararanasan sa bansa.

Ayon kay Akelco Public Information Officer Rence Oczon, bago pa umano magtapos ang summer season noong nakaraang buwan ay patuloy ang pag-gi-general cleaning ng mga tauhan ng Akelco sa ibat-ibang lugar sa probensya ng Aklan.

Naging limitado narin ngayon ang kanilang isinasagawang power interruption kung saan natapos na nila ng maaga ang kanilang cleaning operation.

Aniya, ilan sa mga inuunang gawin ng Akelco sa ganitong tag-ulan ay ang paglilinis sa linya ng mga kuryente na kung saan may mga sagabal na mga sanga ng punong kahoy na maaring maging dahilan para masagi at maputol ang linya ng kuryente.

Isa lang umano ito sa paghahanda nila tuwing tag-ulan sa bansa para maiwasan ang pagkakaroon ng malaking epekto sa serbisyo ng kuryente sa mga kunsumidor sa probensya ng Aklan.

RHU-Boracay nagbabala sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Nagbabala ngayon ang Rural Healt Unit (RHU) Boracay sa pagtaas ng kaso ng Dengue sa bansa.

Ayon kay Boracay Municipal Health Officer Doctor Adrian Salaver, nagpadala na umano sila ng sulat sa mga baranggay sa bayan ng Malay para paalalahanan ang mga mamamayan na mag-ingat sa paglaganap ng sakit na dengue ngayong panahon ng tag-ulan.

Aniya, kahit wala pa namang naitalang kaso ng Dengue sa Boracay at bayan ng Malay ay dapat paring mag-ingat.

Dagdag pa nito dahil labas pasok umano ang mga tao sa Boracay ay hindi mamomonitor ang mga ito kung may nakakahawang sakit na dengue at iyon ang maging dahilan na pati ang mga taga Boracay ay mahawa.

Samantala, kahit hindi umano sila magbabala tungkol sa nasabing sakit ay kailangan paring maging mapag-matyag ang mga mamamayan lalo na kung malapit sila sa mga ilog o sa matubig na lugar na tinitirahan ng mga lamok.

Paalala pa ni Salaver, dapat laging maglinis ng kapaligiran.

Gas na ginagamit ng mga fire dancers sa Boracay, nakakasira umano sa buhangin ng isla

Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay

Nakakasira sa buhangin ng isla ang gas na ginagamit ng mga Fire Dancers sa Boracay.

Ito umano ang napansin ni DOT Regional Director Helen Catalbas na hindi maganda tungkol sa nasabing aktibidad sa isla.

Kaya naman ayon kay Boracay DOT Officer in charge Tim Ticar, nakatakdang magpulonng ang DOT o Department of Tourism at BFI o Boracay Foundation Incorporated tungkol dito.

Ayon pa kay Ticar, hahanapan umano nila ng paraan na hindi na gumamit ng gas ang mga nasabing fire dancers, upang hindi ito maghalo sa buhangin.

Nakakatiyak umano kasi siya na mayroon namang ibang chemical maliban sa gas na puwedeng gamitin ang mga fire dancers na ito upang maipag-patuloy ang kanilang trabaho.

Aminado rin si Ticar na ang fire dancing ay isa sa mga nagbibigay ng karagdagang atraksyon at saya sa mga turista.

Ngunit kailangan din umanong pangalagaan ang mapuputing buhangin ng Boracay.

Nilinaw din ni Ticar na hindi tatanggalan ng trabaho ang mga fire dancers, dahil ito rin ang kanilang source of income, pero kanila lamang umano itong kokontrolin upang maiwasang ma-pollute ang mga buhangin sa isla ng Boracay.

Akelco, magpapatawag ng General Assembly Meeting sa susunod na buwan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Magpapatawag ng general assembly ang Akelco sa darating na Hulyo a-20 sa tatlong magkaibang lugar sa probinsya ng Aklan.

Sa panayam ng himpilang ito kay AKELCO o Aklan Electric Cooperative Public Information Officer Rence N.Oczon, taun-taon umano silang nagpapatawag ng General Assembly para sa kanilang mga member-consumers.

Aniya, magkakaroon sila ng open forum kung saan lahat ng mga dadalo sa nasabing assembly ay malayang makapagtanong ng nais nilang malaman sa mga aktibidad ng Akelco at para maipaabot narin ang kanilang mga concerns.

Kasama na rin dito ay ang pagbibigay ng update sa mga programang isasagawa nila sa taong 2013.

Nabatid na ang nasabing assembly meeting ay synchronized o sabay-sabay na gaganapin sa Barangay Andagao sa bayan ng Kalibo, Lezo at Ibajay.

Mga bangkang bumibiyahe mula sa Boracay papuntang Romblon, mahigpit na ipinagbabawal

Ni Kate Panaligan at Malbert Dalida, YES FM at Easy Rock Boracay

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga bangka ang bumiyahe mula sa Boracay papuntang  Romblon.

Sa panayam kay Jetty Port Statistician at assistant to the administrator Mars Bernabe, iginiit nito na ang tamang loading area ng mga pasahero papuntang Romblon ay sa Cagban Jetty Port lamang.

Ayon pa kay Bernabe, marami ang mga resort owners sa Boracay ang nagrereklamo dahil sa mga bangkang nagpapasakay ng pasahero sa Station 1 and Station 3.

Kaugnay naman sa ipinapatupad na “one-entry-one-exit” policy ng pamahalaang probinsya, sinabi pa ni Bernabe na ipapatupad din nila ang kaukulang parusa sa mga lalabag dito.

Maaari din umanong kumpiskahin nila ang mga nasabing bangka.

Matatandang ang usaping ito ay naging laman ng talakayan sa ipinatawag na special meeting ni Aklan Governor Carlito Marquez sa mga taga-Task Force Bantay Boracay kamakailan lang.

Thursday, June 20, 2013

Pagdagdag ng personnel sa Tambisaan Port, inilapit na ng Coast Guard sa LGU Malay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay 

“Nakipag-coordinate na kami kay mayor.”

Ito ang sinabi ni PO1st Condrito Alvarez ng Coast Guard Boracay Detachment, kaugnay sa pagdagdag ng personnel o taong magbabantay sa Tambisaan Port sa Barangay Manoc-manoc.

Sa panayam ng himpilang ito kahapon kay Alvarez, inamin nitong problema nga sa Boracay ang kakulangan ng taong magbabantay sa gabi sa nasabing pantalan.

Kaya naman nakipag-coordinate na umano sila kay Malay Mayor John Yap upang malagyan ng tao ang Tambisaan Port.

Sa nasabing panayam din kahapon, ay nabuksan ang tungkol sa umano’y hokus-pokus ng ilang pang-gabing bangka sa Boracay.

Base sa nakarating na impormasyon sa himpilang ito, sinasabing may mga bangkang nagkakarga ng mga kargamentong walang kaukulang permit.

Hindi rin lingid sa publiko na may mga sasakyang nakakapasok sa mga cargo areas sa isla katulad ng mga motorsiklong walang anumang dokumento.

Naniniwala naman ang Coast Guard na kailangang magdagdag ng taong magbabantay para dito para masawata ang nasabing gawain.

Kaugnay nito, nanawagan din si Alvarez sa lahat ng mga bumibiyaheng bangka sa Boracay na sundin ang kung ano ang ipinapatupad na regulasyon dito.

Boracay tourist arrivals, mataas pa rin kahit nawala ang mga turistang Taiwanese --- DOT

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Tumaas pa rin ang tourist arrivals sa isla ng Boracay sa kabila ng tensyon ng Taiwan at Pilipinas.

Ayon kay DOT Boracay Officer-in-Charge Tim Ticar, tumaas pa rin ng 8.8% ang mga bumibisita dito sa isla ng Boracay simula nitong buwan ng Enero hanggang Mayo, kumpara noong nakaraang taon ng 2012 sa naitala nilang record na umabot lamang sa 616,210.

Umabot ang mga naitala nilang turista ngayong taon ay 670,479 sa loob lamang ng limang buwan.

Samantala, bumagsak naman ng 57% ang mga turistang Taiwanese na bumisita sa isla mula sa 8,035 nitong Mayo ng nakaraang taon sa 3,395 nitong taong 2013.

Aniya, malaki ang epekto ng mga Taiwanese National sa isla nang nagkansela sila ng kanilang mga booking sa mga hotels at resorts na ikinalungkot naman ng mga owners.

Matatandaang nagpalabas ng travel ban ang Taiwanese Government sa Pilipinas, sanhi ng alitang nag-ugat sa pamamaril ng Philippine Coast Guard sa isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel kamakailan lang.

Oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng Malay, sa Biyernes na

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Sa darating na Biyernes na ang oath taking o panunumpa ng mga bagong halal na kandidato sa bayan ng Malay.

Ayon kay SB Malay Secretary Concordia Alcantara, isang misa muna ang gaganapin ang gaganapin sa alas-9:00 ng umaga bago ang inihandang programa para sa kanilang panunumpa.

Dadalo rin umano sa nasabing okasyon sina Cong. Florencio Miraflores, Rep. Teodorico Haresco ng Kasangga Party List, at Aklan Gov. Carlito Marquez.

Samantala, ang unang araw ng panunungkulan ng mga newly elected officials ng Malay ay sa unang araw ng Hulyo, na susundan naman ng kanilang unang SB session sa a-2 ng Hulyo.

Ilang cruise ships, inaasahang dadaong sa karagatan ng Boracay sa buwan ng Oktubre at Nobyembre

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Inaasahang dadaong sa karagatan ng Boracay ang ilang international cruise ships sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Jetty Port Statistician at Technical Assistant Mars Bernabe, sa darating na buwan ng Oktubre at Nobyembre umano nila inaasahan ang pagdating ng mga nasabing cruise ships.

Anya, gaya umano noong nakaraang taon at naunang bahagi ng kasalukuyang taon ay dadaong sa gitna ng Boracay at Caticlan ang mga nasabing cruise ship.

Nagpadala na rin aniya ng sulat ang Manila Shipping Philippines sa Caticlan Jetty Port Administration para sa pagdating ng nasabing cruise ship sa isla pero wala pa itong ibinigay na pangalan sa ngayon.

Ayon pa kay Bernabe, sakaling matuloy nga ang pagbisita ng mga ito sa karagatan ng Boracay ay nakahanda narin sila sa siguridad kasama ang PCG, LGU Aklan, LGU Malay, DOT at ang BTAC.

Nabatid na sa taong 2014 at maging sa 2015 ay mayroon na agad umanong cruise ship companies ang nagpahayag na dadaong dito sa isla ng Boracay, ayon pa kay Bernabe.

Wednesday, June 19, 2013

Jetty Port Administrator Maquirang, pinadalhan ng sulat ang Marina --- RE: Oyster Ferry

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Pinadlhan na ng sulat ni Caticlan Administrator Nieven Maquirang ang pamunuan ng Marina kaugnay sa inirereklamong Oyster Ferry na biyahing Caticlan via Cagban port.

Ito’y kinumpirma ni SB Malay Dante Pagsuguiron kamakailan lang sa isinagawang session sa bayan ng Malay.

May kaugnayan pa rin ito sa napabalitang ilegal na pagtatapon ng nasabing ferry ng kanilang sea waste direkta sa dagat sa Cagban Jetty Port.

Ayon naman kay Caticlan Philippine Coast Guard PO1st Rokie Borja, nagtungo na umano ang Oyster ferry sa Navotas City para magsagawa ng pagda-“dry dock” na kanila naman umanong ginagawa taun-taon para maayos at palitan ang mga sira sa barko, gayon din upang ayusin ang tapunan ng mga dumi ng mga pasahero para hindi direktang tumapon sa karagatan.

Aniya, babalik din ang nasabing ferry sa susunod na buwan ng Hulyo para magpatuloy sa kanilang operasyon.

Matatandaang ang nasabing fast craft ay inireklamo ng ilang mga bangkero sa Cagaban Jetty Port kung saan nakuhaan nila ito ng litrato na nagpapatunay na nagtatapon sila ng kanilang sea waste sa karagatan.

Philippine Coast Guard Boracay, muling nagpaalala sa ipinapatupad na “one-entry-one-exit” policy ng pamahalaang probinsyal

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Atensyon sa mga bangkang kung saan-saang boat station lang ng Boracay dumadaong:

Muling nagpaalala ngayon ang Philippine Coast Guard kaugnay sa ipinapatupad na “one-entry-one-exit” policy ng pamahalaang probinsya.

Sa panayam ng himpilang ito kay PO1st Condrito Alvarez ng Philippine Coast Guard Boracay Detachment, sinabi nito na inatasan na sila ni mismong Aklan Governor Carlito Marquez na i-monitor at ipatupad ang nasabing polisiya.

Nang magpatawag kasi ng special meeting si Marquez sa mga taga-Task Force Bantay Boracay nitong nagdaang linggo.

Nabatid na inilatag ng mga taga Philippine Coast Guard ang kanilang update report kaugnay sa umano’y illegal loading ng mga bangka sa station 1 at station 3 na bumibiyahe pa-Romblon.

Sinabi pa ni Alvarez na ang nasabing aktibidad ay klarong paglabag sa ipinapatupad na polisiya ng pamahalaang probinsya.

Sakali naman umanong kailangan talagang dumaong ang isang bangka o maging ang isang barge sa hindi regular na daungan katulad ng Caticlan at Cagban Jetty Port.

Iginiit din ni Alvarez na kailangan ding kumuha ng special permit ang mga ito sa munisipyo, maliban pa sa special permit mula sa pamahalaang probinsya.

Philippine Coast Guard Boracay, handa na sa Habagat Season

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay

Handa na ang Coast Guard Boracay sa Habagat season dito sa isla.

Ayon kay Philippine Coast Guard Boracay petty officer in charge PO1st Condrito Alvarez, inilipat na nila sa Bolabog area ang sea sports and island hopping dahil sa maituturing nang “rough sea” ang lagay ng front beach.

Nakipag-ugnayan na rin umano sila kahapon sa lokal na pamahalaan ng Malay para malagyan ng anchorage area sa Bolabog para may specified na loading area para sa mga magsi-sea sports activities at island hopping

Ito ay para hindi na rin magmukhang magulo ang nasabing bahagi ng isla.

Nag-paalala din siya sa publiko na delikado na din ang paliligo sa front beach dahil may kalakihan na ang mga alon.

Dahil dito ay patuloy ang kanilang pagmomonitor sa areang ito.

Hindi naman sila nangangamba sa mga nagna-night swimming dahil hindi naman umano masyadong naliligo ang mga guest sa gabi.

Dagdag na paalala pa ni Alvarez, dapat ay iwasan muna ang paliligo sa front beach kahit na patuloy ang monitoring nila dito.

Mahigpit din ang pagpapa-alala nila sa mga bumibiyahe mula sa Mainland Malay papuntang Boracay at vice versa na mandatory na ang pagsusuot ng life jackets kaya’t huwag nang maging pasaway kapag sinasabihan ng mga boatman na isuot ang mga ito dahil para na rin ito sa seguridad ng mga pasahero.

Construction safety program ng DOLE, suportado ng LGU Malay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Aminado ang Malay Municipal Engineer’s Office na kailangang magkaroon ng safety program ang mga contractor bago maaprubahan ang kanilang business permit.

Sa unang araw ng ginanap na Construction Safety Training ng DOLE noong ika-17 ng Hunyo, sinabi ni Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid na nasa batas na kailangang sundin ng mga contractor ang hinihinging safety program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Bago umano kasi magsimula ang isang construction ay dapat na i-comply o masunod ng mga ito ang nasabing requirement.

Maging sila umano sa LGU ay hindi magbibigay ng building permit, kapag walang approval ng DOLE.

Samantala, nabatid na ang Construction Safety Training ng DOLE ay sinimulan kahapon sa isang convention center sa Boracay, na dinaluhan ng mga LGU Antique, Iloilo, at Aklan.

Dumalo din ang mga contractors, safety officers, building officials at iba pang kinatawan ng DOLE Region 6.

Tampok sa nasabing training ay ang tungkol sa kaligtasan ng mga trabahador sa mga construction sites.

Suportado naman ng LGU Malay ang ibinigay na safety training ng DOLE, na magtatapos sa araw ng Biyernes.

Mga illegal pipeline sa area ng Bolabog aaksyunan na ng LGU Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Aaksyunan na ngayon ng LGU Malay ang mga ilegal na pipeline na ikinakabit sa drainage system mula sa mga establisymento sa Sitio Bolabog, Balabag sa Boracay.

Ito’y matapos ipaabot ni SB Member Jupiter Gallenero ang ilang reklamo ng mga residente sa nasabing lugar sa isinagawang session sa bayan ng Malay.

Aniya, may mga nagkakasakit nang residente doon dahil sa mga iniinom nilang tubig kung saan ang iba ay nagkakaroon ng skin disease at nahihirapan sa paghinga dahil sa pananakit ng tiyan.

Dahilan umano ito sa mga establisyementong ilegal na mga nagkakabit ng kanilang pipeline mula sa mga istablisyementong katulad ng hotel at mga restaurant sa nasabing lugar.

Dapat din aniyang sa sewerage system na ito kakabit ang mga pipeline.

Ngunit ang iba ay sadyang sa drainage system nagkakabit, na mahigpit na namang ipinagbabawal.

Kung kaya’t dumidiretso lamang sa back beach ang dumi kung saan maraming mga turistang nagkakaroon ng kanilang adventure doon.

Kaugnay nito, sinabi ni Gallenero na makikipag-usap sila sa municipal engineer para magpadala ng isang tao doon upang matingnan ang nangyari at para takpan ang ilang mga bahagi ng dranaige system kung saan naka kabit ang mga nasabing ilegal na pipeline.

Mga illegal na koneksyon sa drainage ng Boracay, aaksyunan na ng LGU Malay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Sisimulan nang aksyunan ng LGU Malay ang mga illegal na koneksyon sa drainage ng Boracay.

Ayon kay Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid, nakapagsumite na sa kanila ng report kaugnay sa drainage declogging project ang contractor ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Kailangan umano kasi ito upang maaksyunan ng LGU Malay, kung meron mang nakitang illegal na koneksyon sa nasabing drainage.

Nagawan na rin umano nila ito ng program of works, subali’t naabutan ng daw ng banning period dahil sa 2013 midterm election.

Samantala, sinabi pa ni Casidsid na ang declogging project na ito ng TIEZA ay para linisin ang mga drainage sa Boracay.

Kasama na rito ay ang pagsisiyasat kung may mga illegal na koneksyon dito na kailangan namang ireport sa LGU.

Matatandaang maging mismong si DOT 6 Regional Director Atty. Helen Catalbas ay sinabing ang drainage na ito ang isa sa mga itinuturong rason ng pagbaha sa isla ng Boracay.

Caticlan Jetty Port Administration, mas magiging istrikto na umano sa pagpapatupad ng “one-entry-one-exit policy”

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Magiging mas istrikto na umano ang Caticlan Jetty Port Administration sa pagpapatupad ng “one-entry-one- exit policy” sa Boracay.

Ayon kay Marz Bernabe ng Caticlan Jetty Port, gagamit lang umano sila ng ibang pier sa Boracay at Caticlan kung sakaling may banta ng sama ng panahon katulad ng dinadanas na Habagat season ngayon.

Aniya, istrikto na sila ngayon dahil meron na umanong mga illegal na bangkang bumibiyahe papuntang Boracay na hindi sa Cagban Jetty Port dumadaong.

Matagal na umano nila itong inaksyunan ngunit patuloy pa rin ang ilang mga pasaway na bangkerong hindi marunong sumunod sa batas na ipinapatupad ng Caticlan Jetty Port Administration.

Samantala, sinabi din ni Bernabe, na handa na rin umano sila sa nararanasang Habagat season na nagpapalakas ng hangin at alon sa karagatan.

Mayroon naman umanong bibiyaheng fast craft na siyang mag sasakay ng mga pasaherong patawid ng Boracay o Caticlan kung magkakaroon man ng banta ng sama ng panahaon.

Matatandaang nitong Hunyo a-trese ay nagpatawag si Aklan Governor Carlito S. Marquez ng isang special meeting para sa mga miyembro ng Task Force Bantay Boracay na ginanap sa bayan ng Kalibo.

Tuesday, June 18, 2013

Batang isinilid sa lata ng gatas, natagpuan sa tabing ilog ng Numancia, Aklan

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Napasugod sa tabing ilog ng Albasan, Numancia, Aklan si Father Vincent Cahilig ng Numancia parish church, Linggo ng umaga.

Hindi upang magdaos ng misa, kundi para sa isang batang isinilid sa lata ng gatas at itinapon doon.

Bagay na kinumpirma naman ni PO1 Elias Tarantan ng Numancia PNP ang nasabing insidente.

Nabatid na bandang alas-9:00 ng umaga noong Linggo, nang makita umano ng mangingisdang si Antonio Paderes ang isang nilalangaw na lata ng gatas doon sa tabing ilog.

Kaagad umano itong nakipag-ugnayan sa barangay kapitan ng Albasan, nang makitang isang patay na batang babae ang laman ng lata.

Samantala, nang makarating sa Numancia PNP ang impormasyon ay isinama ng mga pulis ang nasabing pari sa lugar upang mag-alay ng isang panalangin.

Pinaliguan pa umano ang walang buhay na bata bago ipinagkatiwala sa kostodiya ng barangay kapitan upang ipalibing.

Ayon pa kay PO1 Tarantan, nagkaisa ang kanilang paniniwala ng pari na biktima ng aborsyon ang bata na tinatayang nasa lima hanggang anim na buwan.

Monday, June 17, 2013

Bidding para sa hosting ng APEC, sa katapusan ng Hunyo pa malalaman

Ni Mark Anthony Pajarillo, YES FM Boracay

Sa katapusan ng Hunyo pa malalaman ang bidding para sa hosting ng APEC o Asia Pacific Economic Conference.

Ayon kay DOT o Department of Tourism Regional Director Atty. Helen Catalbas, inaasahang malalaman ang resulta bago matapos ang buwan ng kung makukuha ba ang bidding ng Boracay bilang isa sa mga lugar na pagdarausan ng nabanggit na forum.

Kabilang sa listahan ng mga nagpa-bid na lugar ay ang mga sumusunod: Metro Manila, Tagaytay,Clark, Subic, Cebu, Davao, Iloilo, Bacolod, Albay at Boracay.

Dagdag pa ng mga taga-DOT, ang Region VI lang umano ang tanging rehiyon na may tatlong potensyal na lugar na pwedeng pagdausan ng nasabing forum, at ito ay ang Bacolod at Iloilo City at dito sa isla ng Boracay.

Samantala, hindi umano katulad sa Region VII na isa lang ang pwedeng pagdausan ito ay ang lalawigan ng Cebu at sa buong Mindanao naman ang lalawigan ng Davao.

Kaugnay nito, umaasa naman si Catalbas na makuha ang tatlong lugar na ito sa Region VI.

Kaya aasahang bago matapos o sa katapusan ng buwang ito, bilang pangako ng mga taga National Organizing Council malalaman ang magiging resulta ng nasabing bidding.

Ang APEC o Asia-Pacific Economic Conference ay isang forum ng dalawampu’t isang bansa na napapaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon, upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon, kalakalan at pamumuhunan.

Technical working group report sa Boracay, tapos na --- DOT Region 6 Dir. Catalbas

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Tapos na ang report ng Technical Working Group para sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni DOT Region 6 Director Atty. Helen Catalbas sa ginanap na presscon nitong Biyernes.

Subali’t naging maingat ito sa pagbigay ng detalye hinggil sa binuong Technical Working Group ng Pangulong Benigno Aguino III para sa Boracay.

Ipinaliwanag ni Catalbas na si Secretary Jimenez lang ang otorisadong magbigay ng impormasyon hinggil sa mga napagkasunduan at ilang detalye sa isinagawang pulong ng limang departamento ng gobyerno na bahagi ng Technical Working Group.

Ang Technical Working Group ay binubuo nina Tourism Secretary Ramon Jimenez, DENR Secretary Ramon Paje, DILG Secretary Mar Roxas, at DOJ Secretary Liela de Lima na babalangkas ng plano para mapreserba ang Baguio at Boracay na siyang pangunahing tourist destination sa Pilipinas.

Nabanggit din ni Catalbas na nag-usap na sina DOT Under Secretary Jasmin at Mayor John Yap para sa karagdagang suhestyon at implementasyon sa aspetong turismo.

Dagdag pa nito na ang natapos na report ng fact-finding sa isinagawang eksaminasyon at imbestigaysyon sa Isla ng Boracay ay isusumite sa Office of the President.

Maaalala na ang pangulo ay nagpalabas ng Memurandum Circular No. 47 s.2013 na may atas sa mga ahensya at departamento ng gobyerno kasama na ang LGU na suportahan ang nasabing Technical Working Group para mapreserba ang Baguio at Boracay.

DOT, magpo-focus sa ibang tourism market

Ni Kate Panaligan at Malbert Dalida, YES FM at Easy Rock Boracay

Aminado ang DOT Region 6 na naapektuhan ang turismo sa rehiyon dahil sa naging konplikto sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.

Sa ginanap na press conference noong June 14, 2013, sinabi ni DOT Region 6 Regional Director Atty. Helen J. Catalbas na ang mga resorts sa Boracay partikular ang mga Taiwanese Dependents ay naapektuhan ng mga booking cancellations ng mga tinatawag na “group tourist Taiwanese”.

Sa record na inilabas ng DOT, sinabi ni Catalbas na pumapangalawa ang mga turistang Taiwanese sa over all tourist arrivals na may kabuuang 93,500 nitong nagdaang taon.

Subali’t bumaba umano ito dahil sa nasabing konplikto.

Matatandaang nag-ugat ang nasabing girian sa pagitan ng dalawang bansa sa nangyaring pamamaril sa Balintang Channel ng isang miyembro ng Philippine Coast Guard sa isang Taiwanese fisherman kamakailan lang.

Dagdag pa na ipinagbawal ng Taiwanese government sa anumang Taiwanese travel agency na mag-promote at tumanggap ng mga tour packages mula sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Catalbas na magpo-focus ang DOT sa iba pang tourism market.

64TH Foundation ng bayan ng Malay naging matagumpay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng bayan ng Malay ng kanilang ika-64 na anibersaryo ngayong araw.

Ayon kay Malay Sanguniang kabataan President Cristina Daguno, naging masaya ang pagdiriwang nila ngayong taon kung saan nagkaroon kaninang umaga ng misa at sinundan naman ng civic parade.

Nagkaroon din ng awarding sa mga Young Malaynon Achievers kung saan kinilala ang kanilang husay sa sports at talinto sa ibat-ibang larangan, gayon din ang pagbibigay parangal sa sampung Outstanding Taxpayers ng Malay.

Pinangunahan ang nasabing programa ni Mayor John Yap at Vice Mayor Ceciron Cawaling, kung saan dinaluhan naman ito ng mga represintati galing sa ibat-ibang ahensya sa bayan ng Malay.

Samantala, nagkaroon din sila kaninang hapon ng mga palarong Pinoy na sinalihan naman ng mga mamayan ng nasabing bayan at nagpatuloy din ang kanilang programa sa gabi kung saan ilang palabas ang ihahandog ng LGU Malay gayon din ang pagkakaroon ng sayawan kung saan ng imbenta sila ng mga local bands para sa kasiyahan ng mga Malaynon sa kanilang 64th anniversary.

DOT, hihingi ng update report sa drainage project ng TIEZA

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Hihingi ng update report sa drainage project ng TIEZA ang Department of Tourism.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni DOT 6 Regional Director Helen Catalbas na susulatan niya ang kanilang DOT Secretary, kaugnay sa estado ng drainage system sa Boracay.

Ang pagbibigay umano ng monthly progress report tungkol dito ay order o utos ng DOT kay TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid.

Maliban kasi sa iba pang usapin sa press con kahapon ay hindi rin nakaligtas ang tungkol sa estado ng nasabing proyekto.

Kaya naman maging si Catalbas ay aminado kahapon na ang hindi natapos na drainage project ng TIEZA ay isa sa mga itinuturong dahilan ng pagbaha sa Boracay.

Hindi rin lingid sa publiko sa Boracay na barado nga ang drainage na ito kung kaya’t wala ring madadaanan ang tubig sa tuwing umuulan.

Kaugnay nito, nangako naman kahapon sa harap ng media si Catalbas na ibibigay nila ang update tungkol sa nasabing proyekto.

Nabatid na ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ay isa lamang sa mga tinatawag na attached agency ng DOT.

Mga hindi lisensyadong tour guide sa isla ng Boracay, dumarami ayon sa DOT 6

Ni Jay-ar Arante at Malbert Dalida, YES FM Boracay

Dumarami na ngayon ang mga hindi lisinsyadong mga tour guide sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na press conference na ipinatawag mismo ng Department of Tourism, sinabi ni DOT Region 6 Director Atty. Helen Catalbas na nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga lehitimong tour guide tungkol sa mga hindi lisinsyadong tour guide na kumakalat sa Boracay.

Pinipirahan lang umano ng mga ito ang mga turista, kung saan pinapangakuang iga-guide, hinihingan ng advance at hindi na nagpapakita pagkatapos na makuha ang bayad sa mga ito.

Ipinagtataka din umano nito kung bakit tila hinahayaan lamang ito ng LGU Malay, kahit wala namang nakukuha sa mga ito ang munisipyo.

Dagdag pa na hindi naman lahat ng mga nasabing tour guide ay residenti ng isla at probinsya ng Aklan kundi galing pa sa ibang lugar.

Kaya naman iginiit pa ni Catalbas na dapat magkaroon ng accreditation ang mga ito mula sa LGU Malay upang maging rehistradong mga tour guide.

Kaugnay nito, magbibigay umano ang LGU Malay at ang Department of Tourism ng examination program para sa mga nasabing tour guide sa Boracay.

Ibat-ibang suliranin sa Boracay, tinalakay sa ipinatawag na presscon ng DOT 6

Ni Jay-ar Arante at Malbert Dalida, YES FM Boracay

Tinalakay sa ipinatawag na press conference ng DOT 6 ang ibat-ibang usapin tungkol sa isla ng Boracay.

Ilan sa mga nasabing suliranin ay ang naranasan ng turismo dahil sa sigalot na namagitan sa Taiwan at Pilipinas sanhi ng pamamaril ng taga Philippine Coastguard sa isang Taiwanese fisherman kamakailan.

Kung saan aminado si DOT 6 Regional Director Atty. Helen Catalbas na maraming resort sa Boracay ang naapektuhan dahil sa booking cancellations ng mga Taiwanese.

Naging mainit din ang namagitang dayalogo sa pagitan ni Catalbas at ng mga taga local media kaugnay sa problema sa mga tinawag niyang “tour guide kuno”sa isla ng Boracay.

Kung saan maging si Boracay DOT officer Tim Ticar ay muling iginiit ang kahalagahan ng mga lisensyadong tour guide.

Nangako naman si Catalbas na ang mga nasabing problema sa Boracay ay kanilang aaksyunan.

Samantala, dumalo rin at nakibahagi sa nasabing presscon ang ilang resort owners sa isla, na ginanap naman sa isang convention center dito.

Aklan Governor Carlito Marquez, nagpatawag ng special meeting para sa Task Force Bantay Boracay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Isang special meeting para sa Task Force Bantay Boracay ang ipinatawag ngayon ni Aklan Governor Carlito Marquez.

Ito ang kinumpirma mismo ni Task Force Bantay Boracay member Liberty Wacan mula sa kanilang provincial office.

Nabatid na nakatakdang pag-usapan sa nasabing pagpupulong ay ang update report ng Philippine Coastguard kaugnay sa Maritime Industry o MARINA Authority Laws and Rules, implementasyon ng “One-Entry-One-Exit Policy”, at iligal na pagkakarga ng pasahero sa Station 1 at 3 ng mga bangkang bumibiyahe papuntang Romblon.

Tampok din sa pagpupulong mamaya ay update report ng BIWC o Boracay Island Water Company, at ang mainit na usapin kaugnay sa demolition ng mga illegal structures sa 25+5-meter buffer zone ng Boracay.

Ginanap ang nasabing special meeting sa Provincial Governor’s Office sa bayan ng Kalibo, Aklan.
Ilan sa mga miyembro ng nasabing Task Force ay ang Provincial Tourism Council, MARINA regional office, CENRO DENR, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, LGU Malay at iba pa.